Hindi ko alam kong saan ako dadalhin ng dalawang lalaki na nakahawak sa braso ko ngayon, bigla ko namang narinig ang pagbukas ng pinto bago sumalubong sa akin ang lamig ng aircon gano'n na din ang nakakabinging katahimikan sa loob ng classroom na iyon.
Akala ko blind date pero mukhang balak pa ata akong e salvage ng dalawang to. Nababalot kasi ng katahimikan ang kwartong iyon, impossible namang ako lang ang nakipag-blind date sa dinami-dami ng estudyante sa Clarkson University.
Naramdaman ko na lang ang pagtanggal nito ng posas sa kamay ko kasabay no'n ay ang pagtanggal nito ng piring sa mata ko. Ilang saglit ko pang kinurap ang mata ko para makabawi sa liwanag ng paligid, agad ko namang inusisa ang kabuuan ng silid, maayos naman iyon at malinis.
Kasunod no'n ay ang mga lamesang nakahilera sa gitna habang may nakalagay na bulaklak sa gitna ng lamesa at ang dalawang upuan sa magkabilang gilid nito.
"Naghihintay doon ang kablind date mo." Usal nito.
Itinuro nito sa akin ang isang lalaki na nakaupo mag-isa. Nakasuot ito ng kulay asul na damit pero hindi ko naman nakita ang mukha niya dahil nakatalikod ito sa'kin.
"Sige salamat."
Tuluyan na akong humakbang papunta sa lalaking itinuro nito sa akin.
Wala gana akong umupo sa upuan na kaharap nito pero laking gulat ko ng makita ang pamilyar na mukha ng lalaki. Shit! Siya 'yong asa field ah, 'yung lalaking dahilan kong bakit ako nagkasugat sa tuhod.
"Ikaw?" Hindi ko makapaniwalang sambit.
Seryoso lang ng mukha nito na para bang hindi ito nagulat ng muli kaming magkita.
"You are Rica's friend huh? So we meet again Ms...?"
"Lyka." Nakasimangot kong sagot.
"Lester." Nakangiti nyang sagot , kasabay ng ngiti.
Hindi ko naman napigilan usisain ang mukha nito. May pagka-badboy look siya kaya masasabi kong cool talaga siya. May itim na hikaw ito sa kaliwang tenga habang may ahit din sa gitna ang kanan at makapal niyang kilay. Maputi at makinis ang mukha niya, matangos din ang ilong.Napadako din ang tingin ko sa mapula at namamasa niyang mga labi. Jusko po, Oh tuksooooo...layuan mo akoooo.
"Sorry ha, but I'm taken. Sa iba ka na lang makipag-blind date baka kasi magselos ang boyfriend ko." Pagpaprangka ko dito.
Seloso naman kasi talaga si Sir Art, proven na 'yon but not tested. Tumayo naman ako sa kinauupuan akma ng aalis ng bigla itong magsalita.
"Sabi ng kaibigan mo single ka, kaya pumayag naman ako sa pakiusap niya."
Pahamak talaga 'yong baklang iyon, hindi na siya nakuntento bigla na lang akong pinablind date ng hindi man lang inalam ang consent ko ta's mukhang mahihirapan pa ata akong magsinungaling ha.
"Sinabi niya 'yon? Masyado kasi kaming lowkey ng boyfriend ko kaya hindi ko rin pinaalam sa kaniya at isa pa, kulay asul 'yang suot mong damit so it that means broken ka. Sorry to say pero hindi ako 'yong tipo ng babaeng pang-rebound lang."
Hindi ko alam kong saang part ako nagbiro para tumawa 'yong lalaki na to. Nakakainis ka talaga Fredirico! May araw ka din, kanina pa ako hirap na hirap mag-isip ng rason para lang makaalis dito.
"Porket ba nakasuot ng asul broken na agad? You're also wearing a white t-shirt but I didn't interfere," sarkastiko nitong saad.
Bumuntong- hininga na lang ako saka ngumiti ng peke. Jusko, masyado ng mahaba ang pasensiya ko sa lalaking ito, hindi ba niya maget's 'yong mga sinasabi ko.
"Sinabi ko na gusto ang kong sabihin, and I'm not interested kong single ka man o hindi." pinal kong wika bago inihakbang ang mga paa papuntang pinto.
Pipihitin ko palang sana ang doorknob ng muli itong
magsalita."Kakaiba ang ugali mo sa mga babaeng nakadate ko but I like you're attitude, young lady." kalmado niyang sambit pero may dating.
Hindi ko na yun pinansin at tuluyan na akong lumabas ng classroom na iyon, sobra na 'yong sakit ng ulo na idinulot sa akin ni Rica. Gusto ko lang naman maging masaya ngayong Valentine's pero bakit ang hirap na maramdaman iyon.
Pagdating ko ng bahay ay pabagsak kong humiga sa kama saka ko itinapon ang bag sa sahig, hindi ko man nakadate si Sir Art ngayon pero sapat na 'yong mga ngiti niya kanina. Kahit gaano pa siya kasungit mahal na mahal ko pa rin siya at hindi rin mabubuo ang araw ko kapag hindi ko siya nakikita.
"Happy Valentine's Day, Mr. Arthur Buenaventura ." Nakangiti kong sambit bago ko tuluyang ipinikit ang mga mata.
YOU ARE READING
SEDUCING MR. BUENAVENTURA
RomanceMaaari ba kayang magkatuluyan ang Isang Popular na Guro at ang isang Estudyante nito, kahit na alam nilang labag sa mata ng tao at labag sa batas ng paaralan ang kanilang pag uugnayan? Totoo nga kayang Age Does'nt matter if you really loved someone...