"Thankyou sa paghatid, Lester." Pasasalamat ko rito.
Sa tuwing sinasaktan ako ni Arthur siya 'yong laging nandiyan para sa akin, kaya thankful ako na mayroon akong isang kaibigan na kagaya niya.
"Wala 'yon,basta kapag may problema ka lagi akong nandito para sayo." Sagot nito.
Ngumiti ako sa kaniya hanggang sa muli kong maramdaman ang pagyakap nito, sobrang gaan no'n sa pakiramdam at parang ayaw ko ng kumalas doon hanggang sa bigla na lang may humila sa akin.
Si Arthur.
Inundayan nito ng suntok si Lester dahilan para bumagsak iyon sa semento, nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya kaya sinubukan ko siyang pigilan.
"Ano ba! Arthur!" Sigaw ko sa kaniya.
Mabilis kong dinaluhan si Lester ng makita ang nagdurugo nitong labi, napakalakas ata ang suntok sa kaniya at mukhang pumutok ang labi nito.
"Are you okay?" Nag-aalala kong tanong.
Hindi pa man siya nakasagot ay agad na akong hinila ni Arthur. "Stay away from my wife!"
Tuluyan na akong hinila nito papasok ng bahay habang si Lester naman ay naiwan sa labas, hindi ko mapigilang makaramdam ng awa lalo na't nagmagandang loob lang siya sa akin pero nagawa pa siyang saktan ni Arthur.
"Hindi lang kita nasundo, kong sino-sino na ang kasama mo." Saad nito bago niya pabagsak na binitawan ang kamay ko.
"Bakit Arthur? Hindi ba dapat ikaw 'yong gumawa no'n imbes na siya, pero mas pinili mong unahin si Ms. Chelsea kesa sa amin ng anak mo."
Tumaas na 'yong boses ko dahil sa inis, tatlong oras akong naghintay doon na parang tanga pero imbes na magpasalamat siya sa tao ay nagawa niya pa iyong suntukin.
"Chelsea needs me ,Lyka."
"Lintik na rason 'yan, at sa tingin mo ba hindi ka namin kailangan ng anak mo? Sa tuwing ginaganito mo ako si Lester ang nandiyan para sa akin, pakiramdam ko nga ay mas kaya pa niyang maging mabuting asawa sa akin kesa sayo!"
Nagbago ang reaksiyon ng mukha nito dahil sa sinabi ko, nagawa ko siyang ipagkumpara sa iba dahil nakikita ko kay Lester ang pagiging desidido niya samantalang si Arthur ay hanggang salita na lang.
Wala na akong ibang ginawa kundi magtiis at magtiyaga sa kaniya, ilang pagkakataon pa ba ang kailangan kong ibigay para kami naman ang unahin niya.
Pakiramdam ko no'n manhid na manhid na ako, sobra na 'yong sakit pero ni isang luha ay ayaw tumulo, ubos na ubos na ako at habang lumilipas ang panahon ay nawawalan na ako ng pag-asa.
Tinalikuran ko na ito bago ko inihakbang ang mga paa, alam kong nasaktan ko si Arthur dahil nagawa ko siyang ipagkumpara sa iba pero wala naman sigurong masama kong magsasabi ako ng totoo base sa kong ano ang ipinapakita niya.
Malungkot akong pumunta ng kwarto, hindi ko alam kong kailan niya marerealize kong gaano kami kaimportante sa kaniya. Huwag lang sanang umabot sa puntong kong kailan wala na ako saka niya marerealize kong gaano ako kahalaga sa kaniya.
Kinabukasan nagising ang masarap kong tulog ng maramdaman ko ang isang malambot na kamay na humahaplos sa pisngi ko, dahan-dahan kong iminulat ang mga mata saka ko nakita si Arthur.
Bumangon ako sa kama saka ko naman ikinusot ang mga mata.
"Arthur?"
"Magbihis ka, lalabas tayo." Pagyaya nito sa'kin.
Kunot-noo ko siyang tinapunan ng tingin, nanaginip ba ako? Parang kahapon lang ay hindi kami magkasundo pero ngayon ay nagyaya siyang lumabas.
Hindi ko naman na nagawang sumagot pa at agad na sinunod ang sinabi nito, hindi ko alam kong saan kami pupunta pero nakakapagtaka lang dahil ang good mood niya ngayon.
Simpleng bohemian dress lang ang isinuot ko habang tinali ko lang sa pony tail na paraan ang buhok ko, bago ako lumabas ng kwarto ay tahimik kong pinagmamasdan ang sarili sa salamin. Bukod sa maumbok kong tiyan ay wala naman ng nagbago sa akin, still beautiful.
Bumaba na ako ng hagdan saka naman ako sinalubong ng nakangiting si Arthur, ang pogi nito sa suot niyang turn down collar polo na kulay itim na nakatuck-in sa suot niyang white trouser. Hindi ko aakalain na sa isang kislap ng mata ay magiging asawa ko 'yong lalaking kinababaliwan ko no'ng College.
"Beautiful," wika nito bago niya ako dinampian ng halik sa noo.
Punong-puno iyon ng pagmamahal kaya awtomatikong gumuhit ang ngiti sa labi ko, habang nagmamaneho siya ay hindi ko mapigilan ang sariling mapatitig sa kaniya.
Kong dumating man ang oras na malaman niya ang totoo sana mas piliin niyang maging masaya kasama ang magiging anak naming dalawa.
Dumating kami sa Mall na dalawa at lahat ng gusto kong bilhin ay binili niya, nagawa din naming maglaro sa fun world at doon ko naramdaman 'yong saya kasama si Arthur.
Nong una ayaw kong magpadala doon dahil pwedeng kinabukasan ay sakit muli ang balik no'n sa akin pero pilit ko iyong iwinaksi sa isipan.
Pareho kaming nakaramdam ng gutom kaya naisipan na naming kumain muna, sakto namang alas-dose na ng tanghali at sa Jollibee na lang namin naisipang kumain. Lahat ng gusto kong kainin ay binili ni Arthur at halos mapuno ang lamesa namin dahil sa dami no'n.
Jolibee baka naman?
"Binili mo ba lahat ng pagkain sa menu? Ang dami naman nito," pagrereklamo ko.
Halos lahat ata ng pagkain sa menu board ay binili niya, sobrang dami no'n at hindi ko alam kong paano ko iyon mauubos sana pala isinama ko si Tala.
"Lahat 'yan para sayo, don't be shy." Ani nito.
Pinagmumukha ata ako ni Arthur na patay gutom, nakakahiya lahat ng tao ay nakatingin sa amin habang siya ay wala lang paki. Kalmado lang siyang nakasandal sa upuan habang naka-crossed arms ito.
Sinimulan ko na ang pagkain dahil wala akong choice kundi ang ubusin iyon, e tatake out ko na lang 'yong iba mamaya at dadalhin ko kay Tala.
Habang patuloy lang ako sa pagkain ay napapansin kong kanina pa ako tinititigan ni Arthur, may dumi ba ako sa mukha?
"Bakit?" Nagtataka kong tanong.
"Nothing, just eat."
Inubos ko muna ang pagkaing nginunguya bago ako muling magsalita.
"Ahmmm, Arthur? Kong sakaling magkaroon man ng problema sa panganganak ko, ipangako mo sa akin na pipiliin mo 'yong anak natin. "
Puno ng pagtataka ang mukha nito na binalingan ako ng tingin.
" Why? Is there anything problem?" Tanong nito.
Umiling ako bilang sagot pero sumeryoso na ang mukha nito, patawarin mo ako Arthur pero hindi pa ito 'yong tamang panahon para malaman mo ang totoo.
"May dapat ba akong malaman?"
YOU ARE READING
SEDUCING MR. BUENAVENTURA
RomanceMaaari ba kayang magkatuluyan ang Isang Popular na Guro at ang isang Estudyante nito, kahit na alam nilang labag sa mata ng tao at labag sa batas ng paaralan ang kanilang pag uugnayan? Totoo nga kayang Age Does'nt matter if you really loved someone...