CHAPTER 14

1.4K 22 0
                                    

Ilang oras din akong natulog bago ko dahan-dahang  imulat ang mga mata, sinipat ko ng tingin ang wrsit watch ko ng mapagtantong alas onse na ng tanghali. Grabe, dalawang oras na akong nakatulog, sobra ata akong pinagod ng parade na 'yon.

Inunat ko muna ang katawan ng biglang mag-iba ang eksrespyon ng mukha ko dahil sa isang bottled water na nakapatong sa itaas ng desk, saka ko lang din napagtanto ang isang jacket na nakasampay sa balikat ko. 

Pamilyar sa akin ang amoy na iyon pero hindi ko nga lang matandaan kong kaninong pabango iyon, masyado na ata akong makakalimutin.

Hindi ko na lang iyon pinansin at agad na kinuha ang tubig para inumin, nanunuyo na ang lalamunan ko at gutom na gutom na kaya naisipan ko namang bumaba ng cafeteria para kumain. Pagkarating ko roon ay maraming estudyante, pa-lunch break na kasi at baka karamihan sa kanila ay gutom na.

Umorder na ako ng pagkain  na agad ko rin namang binayaran, balak ko sanang pumunta ng gym ng biglang mahagip ng dalawang mata ko sina Sir Art at Ms. Chelsea na magkasama,tssss.

Hindi ko man naririnig ang usapan nila pero kitang-kita sa mga mata ng dalawa ang saya, bagay nga sila at sa tuwing iniisip ko iyon ay may hapdi sa dibdib ko. Sana hindi na ako pumunta ng cafeteria kong sakit lang din pala ang makukuha ko rito.

Tatlong araw din ang intramurals pero sa pangalawa at tatlong araw ay hindi na ako umattend, gaya nga ng sabi ko I hate intrams at napilitan lang akong umattend dahil sa ako ang magrerepresent na muse sa section namin.

Inubos ko ang ilang araw sa pagliligpit ng kwarto at sa pag-ayos ng mga gamit ko, lahat ng dadalhin ko ay naka-ready na pero 'yong puso ko ay sumisigaw ng pagtutol. Nakakaramdam na naman ako ng lungkot at gusto ko ng umiyak pero pinipigilan ko lang ang sarili.

"Lyka? Tumawag si Mama, naayos niya na ang lahat ng requirements mo sa pagtatransfer at naipa-enroll ka na din niya." Si ate ng makapasok ito sa kwarto ko.

Malamlam akong ngumiti habang may lungkot ang mga mata.

"Salamat." Matipid kong sagot.

"Hindi ko man alam kong anong rason ng pag-alis mo pero sigurado ka ba sa naging desisyon mo?"

Sigurado ba talaga ako? Ang alam ko kasi ay aalis ako dahil sa kagustuhan kong makalimot, sobra na 'yong sakit at desidido na akong magmove-on. Iyan ang bagay na hindi ko nasasabi kay ate, mas minabuti ko na lang na sarilihin iyon kesa sabihin sa kaniya ang totoo.

"Napaisip kasi ako na mas mapapaganda ang career ko sa Qatar kesa dito, saka panigurado madaming opportunity doon." Pagsisinungaling ko.

Hayst, ang hirap gumawa ng palusot lagi.

"Marami ding opportunity rito, Lyka. Pinapa-iral mo lang 'yang katamaran mo." Ayan na naman siya.

Sumimangot na lang ako dahil sa sinabi nito, mas gusto ko talagang manahimik na lang siya kesa magsimula siya ng sermon. Nagsisipag na nga ako mag-aral para may marating ako sa buhay ta's 'yong katamaran ko lang lagi ang napapansin.

Nang matapos ako sa pagliligpit ay inahibilin ko na kay Manang ang mga damit na ipapabigay ko sa ampunan at sila na ang bahala doon. Bumaba na din ako ng kusina para kumain at sakto namang gutom na gutom na ako.

"Iha, sigurado ka na ba talaga sa pag-alis mo?" Si Manang habang inihain sa lamesa ang mga niluluto nito.

Hindi ko man nasasabi pero isa si Manang sa mga taong mamimiss ko, siya 'yong nag-alaga sa akin simula pagkabata ko at lahat ng bagay na gusto ko ay kusa niyang ibinibigay. Sa kaniya talaga ako lumaking spoiled brat.

Matagal na siyang kasambahay namin kaya gano'n na lang ang tiwala ni Mama sa kaniya, lahat ng pamilya niya ay nasa probinsiya kaya dito na siya tumanda sa amin.

"Opo, saka Manang, mamimiss ko po kayo lalo na'yong mga luto niyo." Nakangiti kong saad.

"Mamimiss din kitang bata ka, basta mag-iingat ka roon. Sa una mahihirapan kang mag-adjust para sa kanila pero alam kong makakaya mo din iyan."

Mahigpit ko namang niyakap si Manang, siguro may time na maninibago ako dahil iba ang buhay doon kesa dito sa Pilipinas pero masasanay din akong makisalamuha sa kanila.

Malapit ng dumating ang visa ko ay mukhang wala ng atrasan 'to.

SEDUCING MR. BUENAVENTURAWhere stories live. Discover now