CHAPTER 9

1.4K 20 0
                                    

"Hanu sis, kamusta ang date mo kahapon? Ano nililigawan ka na ba ni Tristan?" Tanong ni Rica.

So Tristan pala ang name niya, hindi na din masama.

Kakatapos lang ng dalawang subject namin at dahil nga breaktime na, nasa cafeteria kami ngayon at lumalamon na naman.

"Okay lang, saka hindi naman ako nagpapaligaw." Pabalang kong sagot.

"But why Lyka? You're single naman?"

Single nga ako pero wala naman akong balak mag-boyfriend lalo na  kapag hindi si  Sir Art, loyal kaya ako sa kaniya. At isa pa pinangako ko na din  sa sarili ko na kong sino man ang unang lalaking mahahalin ko ay siya na 'yong taong papakasalan at papangarapin kong makasama habang buhay. At walang iba kundi ang Professor ko lang.

"Oo nga, pero sa isang tao lang tumitibok ang puso ko."usal ko habang may mga ngiti sa labi.

"Taray ng hugot ha, sana nga mapansin ka niya."

Ang panget naman ka-bonding ng baklang to, wala man lang kasupport-support. Palibhasa kasi madaming lalaki sa buhay, ayaw akong gayahin nagpapaka-loyal lang sa isa.

Masaya na ako kapag nakikita ko lang si Sir  Art  araw-araw kahit gaano pa ako kabadtrip, makita ko lang ang ngiti niya buong-buo na ang maghapon ko.

"Ayaw kong putulin 'yang kaligayahan mo ngayon noh, pero kalat na kasi sa School ang chismis na may namamagitan kay Mr. Buenaventura at Ms. Chelsea."

Nawala ang mga ngiti ko sa labi dahil sa salitang sinambit nito, saglit naman akong natigilan bago ibinaling ang tingin kay Rica.

"Ano bang pinagsasabi mo jan bakla?"

Alam ko naman na simula pa nong nakita ko 'yong litrato nilang dalawa na magkasama sa Boracay, pero 'yong utak ko ipinipilit na hindi 'yon totoo.

"Ayon kasi sa chismis, may nakakita daw sa dalawa na magkasamang kumakain sa Korean Restaurant sa harap nitong University."

Masayado ng masakit itong rebelasyon na ito, parang hindi ko ata kinakaya. Minsan ko na ding narinig ang balitang iyan lalo na nong nasa bar silang magtotropa, nong una ayaw kong maniwala kasi wala akong sapat na ebidensiya pero paulit-ulit sinasabi ng utak ko na may sila pero nakaramdam ako ng  takot ako sa dibdib kaya mas pinili kong paniwalaang wala.

"Sis, okay ka lang ba?" Mahinang sambit ni Rica, pero ramdam ko ang lungkot sa mga boses nito.

"Baliw! Oo,  Okay lang ako." Nakangiti kong saad.

Heto na naman ako sa pagiging in-denial ko, ayaw kong magpaapekto kasi nga chismis lang kahit na sinasampal na ako ng katotohanan.

"Tsk, di kana nasanay. Madami talagang chismosa dito sa University natin noh, porket makasama lang date na agad? Hindi ba pwedeng friendly date lang kasi Valentine's naman. Bawat galaw kasi iniissue kaya hindi naunlad ang Pilipinas e," natatawag kong sambit kasi sa totoo lang ay pinipiga na 'yong puso ko sa sakit.

Gusto kong umiyak pero nagpipigil lang ako, nasa cafeteria ako at maraming tao ayaw kong gumawa ng kadramahan dito.

"What if may picture, Sis." ani nito saka pinakita sa'kin ang litrato.

Pakiramdam ko hinihiwa ang puso ko sa sakit habang nakikita ang mga litrato, si Sir Art hawak-hawak ang mga kamay ni Ms. Chelsea habang parehong may mga ngiti ang mga labi nito.

"Lyka?" Si Rica.

Namalayan ko na lang ang  pagpatak ng mg luha ko, gusto kong magwala at sumigaw sa sakit pero ayaw kong mag eskandalo, baka isipin nila nababaliw na ako.

Takte naman!!

Kakatapos lang ng Valentine's hearthbreak agad!

Saklap naman nito...

___________________

Buong klase akong lutang at nakatingin lang sa kawalan, Pinilit ko namang magconcentrate pero paulit-ulit nagpaflashback sa utak ko ang mga ngiti ni Sir Art at ni Ms. Chelsea.

"That's all for today, Goodbye class."  Pagpapaalam ng prof namin.

Hindi ko na iyon pinansin hanggang sa tinapik naman ni Rica ang balikat ko.

"Lyka? Sure ka bang okay ka lang? Kanina ka pa kasi wala sa mood, baka mapanis na yang laway mo sa pagiging tahimik mo diyan," pagbibiro ng kaibigan ko.

Gustuhin ko mang tumawa pero wala ako sa mood, hanggang ngayun nasasaktan pa din ako sa nalaman ko kanina.

"Oh siya baba na kami ng field para sa P.e, sasabihin ko na lang kay prof na masama ang pakiramdam mo." Alanganin akong ngumiti kay Rica bago tumango.

Nagsilabasan na ang mga kaklase ko para bumaba ng Gym habang ako naman ay nagpa-iwan sa classroom, hanggang ngayon hindi pa rin maproseso ng utak ko ang mga nangyayari, una pa lang alam ko ng walang pag-asa pero masyado akong nagpakabaliw sa kaniya.

Nang makalabas na lahat ay inihiga ko ang ulo ko sa desk at doon ko na pinakawalan ang mga luhang gustong kumawala kanina pa.

"Shit ang sakit!" Umiiyak kong saad.

Hindi ko na napigilan pang humagulgol at tanging magkabilang sulok lang ng kwartong iyon ang saksi kong gaano ako nasasaktan ngayon.

"Clas--- Lyka??" Napatigil ako sa paghikbi ng marinig ang pamilyar na boses na iyon.

Dahan-dahan kong iniangat ang tingin bago bumungad sa akon ang blangkong mukha ni Sir Art.

"What are you doing here? Nasaan ang mga kaklase mo?" Sunod na sunod na tanong nito.

"Ahm, Nasa gym po, may P.e po kasi kami ngayon. Baba na din po ako." Walang-gana kong sagot.

Tumayo na ako sa kinauupuan ko para lumabas na ng classroom, gusto kong magpakalayo-layo ngayon, kahit saang lugar basta hindi ko lang siya makita. sa tuwing nakikita ko kasi siya ay mas lalong sumasakit, akma na akong lalabas ng pinto ng bigla nitong hawakan ang braso ko na ikinatigil ko.

"If you have a problem, you can tell me. I'm ready to listen." Kalmadong sambit nito.

Mariin kong ipinikit  ang mga mata ko habang patuloy lang ang pag-iyak ko.

Huminga muna ako ng malalim bago ko siya binalingan tingin, nakita ko ang pag-alala sa mga mata nito at hindi ako sanay sa ganitong scenario.

Lagi niya akong pinag-iinitan at pinapagalitan kaya anong purpose ng pag-aalala niya ngayon?

Pakitang tao lang?

SEDUCING MR. BUENAVENTURAWhere stories live. Discover now