Ilang araw akong hindi pumasok sa school at nagkulong lang sa kwarto ng ilang araw. Siya 'yong first love ko pero siya rin pala 'yong lalaking dudurog sa akin ng ganito, ang sakit lang na pagmamahal ang ibinigay ko sa kaniya pero sakit naman ang ibinalik niya sa akin.
Hindi ko maiwasan tanungin ang sarili ko, kong may kulang ba sa'kin?
Anong mali?
Hindi ba ako kamahal-mahal?
Hanggang ngayon kasi ay nanatiling tanong iyon sa utak ko.
"Lyka, open this door!" Sigaw ni Ate Lillianne.
Kanina pa sila katok ng katok sa pinto pero hindi ko pinagbubuksan, gusto ko kasing mapag-isa at kapag pinapasok ko siya, sermon lang ang gagawin niya.
Diyan naman kasi lagi siya magaling.
Simula nong huli naming pag-uusap ni Sir Art ay hindi na ako pumasok, ni kumain ay hindi ko magawa. Nakakulong lang ako sa kwarto at nagawa ko ding putulin ang komunikasyon ko sa iba lalo na sa kaibigan ko."Manang, pakikuha naman po ng duplicate key." Rinig kong utos nito kay Manang.
Nakaupo lang ako sa kama at nakatingin sa kawalan at ilang saglit pa ay bumukas na ang pinto kasunod no'n ang pagpasok ni ate.
"Ano bang problema mo? Totoo bang hindi ka pumapasok ng School? At hindi ka rin kumakain? Ano bang balak mong gawin sa buhay, Lyka!" Bulyaw agad nito sa akin.
Hindi ko ito pinansin at nanatili lang akong nakatingin sa kawalan, hindi iyan ang kailangan ko ngayon at sawang-sawa na ako sa kakabunganga niya. Naramdaman ko na lang pagtabi nito sa'kin bago nito hinawi ang buhok ko.
"Lyka, ano nga uli ang sinabi ni Mama? Diba kapag may problema tayo huwag nating sarilihin, kasi 'pag wala kang pagsasabihan niyan sobra lang 'yong sakit."
Malungkot kong binalingan ng tingin si ate hanggang sa bigla na lang nagsibagsakan ang mga luha ko dahilan para yakapin ko ito ng mahigpit.
Mukha lang kaming aso't-pusa niyan minsan pero kahit kailan ay hindi nila ako pinabayaan.
Kinuwento ko kay ate ang lahat, simula kong paano ko nagustuhan si Sir Art at kong paano ko siya inakit sa maling paraan, huli na nong marealize kong maling-mali ako sa part na nagawa ko iyon sa sarili kong Professor.
Akala ko magagalit si ate sa'kin pero mas pinili niyang intindihin ako at 'yon ang kailangan ko ngayon. Maiintindihan ko naman kong sakaling magagalit siya lalo na't babae nga naman ako, alam ko sa sarili kong nagpakatotoo lang ako pero iyon nga lang e sa maling paraan.
Binigyan ako ni Ate Lillianne ng advise at alam mo 'yong masakit, is 'yong kahit alam mong una pa lang wala ng pag-asa pilit mo pa ring ipinagsisiksikan ang sarili mo.
"Tahan na, hindi naman kasi minamadali ang love. Darating 'yan sa tamang oras at panahon, kaya ang dapat mong gawin ay ang maghintay." Patuloy lang ang paghikbi ko habang si ate naman ay pilit akong pinapakalma.
"Kailan kaya ang tamang oras na 'yon ate? Hanggang ngayon kasi ag wala ka pang-boyfriend. Lagpas na kaya sa kalendaryo'yang edad mo." Namamaos kong wika.
34 years old na si ate pero ni minsan ay hindi pa siya nagkakaboyfriend, pati nga si Mama ay nagtatanong na din kong balak ba nitong mag-asawa o tumandang dalaga na lang.
"Ang harsh nya oh?True love can wait daw kaya? At saka hindi naman ako nagmamadali, sakit lang sa ulo 'yang pag-ibig na 'yan."
Hindi ko naman mapigilan matawa sa sinabi ni ate, kaya hindi nagkakajowa e. Masyadong mapili kasi sa lalaki, gusto ba naman agad ng perfect boyfriend eh ng hirap makahanap ng gano'n sa panahon ngayon.
______________
"Akala ko talaga sis hindi ka na papasok, cannot be reach din ang phone mo. Sobra na nga akong nag-aalala sayo kala ko magdadrop-out ka na." Pagmamaktol ni Rica.
As in naman kaya kong gawin iyon at saka ilang taon na din akong napag-iiwanan, kong magdadrop-out lang ako dahil sa lalaki, aba'y parang sinayang ko lang ang panahon.
Pagkatapos ng naging usapan namin ni ate kahapon ay nagdesisyon na akong mag-focus na lang muna sa pag-aaral, balak ko kasing tapusin na lang muna itonh 3rd year College at pagkatapos no'n saka na ako lilipat ng Qatar para doon e pursue ang pangarap ko.
"Pasensiya ka na, inoff ko kasi 'yong phone ko. Para alam mo na, gusto kong mapag-isa e." Tugon ko rito
Tumango naman ito bilang sagot, sapat na siguro 'yong isang linggo para makalimot lalo na't may desisyon na akong binuo para tuluyang makalimot. Kahit papano ay gumaan na ang pakiramdam ko at unti-unti ng bumabalik ang ngiti ko sa labi.
"Nandiyan na si Sir," wika ng kaklase ko.
Nagsibalikan ang mga kaklase ko sa kani-kanilang upuan saka naman pumasok si Sir Art, nagtama agad ang mga mata namin sa isa't-isa na agad ko ding iniwasan.
Tama na ang pagiging marupok, Lyka. Love yourself muna tayo ngayon.
Inabala ko na lang ang sarili sa pagsusulat ng kong ano sa notebook, may sinabi din si Sir Art pero hindi ko na 'yon narinig dahil sa ingay ng usapan ni Rica at ng kaklase kong si Hiro. Narinig ko pa ang pagpigil ng tili nito, jusko! Lumalandi na naman itong haliparot na to.
" Sir I think mas bagay na magrepresent ng muse sa intrams ay si Lyka po," napahinto ako sa pagsusulat ng marinig ko ang pangalan ko.
Inangat ko ang tingin at sakto namang nakatingin ang lahat sa akin except kay Sir Art.
"Ha?Bakit ako?"
"Lyka ano kasi eh, Next week na kasi ang intrams at wala pa tayong muse. Kong okay lang sayo e' ikaw na lang."
Parang kasalanan ko pa kong wala silang muse ngayon, simple lang naman gagawin rarampa ka lang sa parade habang may hawak na bandera ta's hindi pa nila magawa. Tsk!
Ngumuso naman ako sa kanila. " Sad to say, wala akong balak umattend ng intrams."
Simula nong Senior High School ay hindi talaga ako umaattend ng intrams, para kasi sa'kin boring 'yon lalo na't hindi naman ako mahilig sa sports. Aattend ka, tapos wala ka namang gagawin kundi magcheer, sigaw dito sigaw doon, mamaos ka lang tapos talo din pala ang team niyo sa huli.
"Why not Ms. Valderama? Isang linggo kang absent at marami kang na-missed na mga activites, do you think this is a time para bumawi ka." Si Sir Art.
Kahit ibagsak niyo pa ako, wala akong pakialam.
"I hate intrams, Sir." Seryoso kong saad.
Sana way na 'yan para pumili na sila ng ibang muse, boring 'yon kaya kahit ibagsak man ako ay hindi ako aattend. Nagsimula mg magbulong-bulongan ang mga kaklase ko pati ata classroom president namin ay nadismaya sa naging sagot ko.
" I think Ms. Valderama doesn't want to, maybe we can just choose another representativ-"
"Sir, huwag na. Lahat po tayo rito ay si Lyka ang pinili bilang muse kaya bakit pa po tayo pipili ng iba. Pakipot lang po 'yan, sa kapal ba naman ng mukha niyan."
Nanlaki naman ang mata ko sa tinuran ni Rica. ano daw? Makapal ang mukha ko? Nagsimula namang magsitawanan ang mga kaklase ko pati na din si Sir Art na patago pang ginawa.
"Shut up!" Suway ko rito.
"So, you have no other choice Ms. Valderama" nakangiting saad nito.
Bwisit na baklang to, malas ka talaga sa buhay ko Rica..
"But Sir-"
"No more buts Ms. Valderama, that's final." Wika nito sa baritonong boses.
Kapag minamalas ka nga naman.
YOU ARE READING
SEDUCING MR. BUENAVENTURA
RomanceMaaari ba kayang magkatuluyan ang Isang Popular na Guro at ang isang Estudyante nito, kahit na alam nilang labag sa mata ng tao at labag sa batas ng paaralan ang kanilang pag uugnayan? Totoo nga kayang Age Does'nt matter if you really loved someone...