Dalawang linggo na ang nakalipas bago ako umalis sa bahay ni Arthur at dahil nga wala namang pakialam yun sa'kin, hindi na niya ako hinanap pa.
"Are you sure, you'r okay?" Si Ate Lillianne bago inabot sa akin ang isang baso ng gatas.
Kakatapos lang ng hapunan at nasa sala ako ngayon nanunuod ng Tv. Hindi pa naman ako inaantok, kaya naisipan ko munang tumambay sa sala.
Nakagawian ko na din na uminom ng gatas tuwing gabi lalo na't importante din daw iyon sabi ng OB ko.
"Okay lang po ako." Walang gana kong sagot.
"How's your pregnancy? Nagkakaramdam ka ba ng kakaiba?" Tanong pa nito.
Hindi maiwasang mag-alala ni Ate sa kondisyon ko dahil alam nito ang totoo, hindi ko rin siya masisisi dahil una palang ay bawal na talaga sa akin ang magbuntis.
"Ate ayos lang ako, please, huwag niyong istressin 'yong sarili niyo dahil lang sa akin at saka salamat sayo kasi lagi kang nandiyan para sa akin. Hindi mo ako iniwan at pinabayaan, ang laki ng utang na loob ko sayo." Nakangiti kong wika.
Nagdesisyon mo na akong mag stay dito kela Ate kahit ilang araw lang habang hindi pa ako nakakapaghanap ng condo, si Rica ang pinahanap ko lalo na't mabusisi ito sa mga bagay-bagay ang problema nga lang eh matagal, paano ba naman inuna pa 'yong boyfriend kesa sa aking kaibigan niya.
"I'm just worried about you, Lyka. May balak ka pa bang sabihin kay Arthur 'yong totoo?"
Nanatili akong tahimik at hindi masagot ang tanong nito, wala akong lakas ng loob para sabihin iyon sa kaniya at saka may tamang panahon para doon. Mabilis kong inubos 'yong gatas na iniinom ko bago ako tumayo para pumuntang kwarto.
"Lyka, you need to tell Mom about this." Pahabol pang sabi ni Ate.
Hindi ko tuloy maiwasang kabahan sa sinabi ni Ate, natatakot akong sabihin kay Mama ang totoo dahil baka mapatay niya ako.
Ilang buwan na ang tiyan ko pero wala pa rin akong lakas na loob para sabihin ang totoo sa kaniya.
"Tell me that this is not true, Lyka!." Galit na galit na sigaw ni Mama.
Sinabi ko na kay Ate na hindi ito 'yong oras para sabihin sa kanila pero pinilit niya ako, ayan tuloy nagwawala na ngayon si Mama sa galit.
Nagawa naman siyang pakalmahin nila Kuya Jaxon kaso galit na galit talaga siya at ayaw pa ngang magpa-awat.
"Mama," mangiyak-ngiyak kong saad.
" Huwag mo akong daaanin sa ganiyan, Lyka! Alam mong delikado sayo ang magbuntis at kong kailan malaki na ang tiyan mo ay saka mo lang sasabihin sa akin!"
Alam kong kaya lang nagkakaganito si Mama dahil nag-aalala siya para sa akin, nong time na sabihin ko sa kanilang buntis ako ay hindi sila makapaniwala, ang buong akala kasi ni Mama ay nagtatrabaho ako sa ibang bansa pero nagawa ko ring sabihin sa kaniya ang totoo.
Putak lang ng putak si Mama habang ang mga kapatid ko naman ay tahimik lang na nakaupo sa tabi. Naiintindihan ko 'yong galit niya kasi nga naman mali ako ta's nagawa ko pang magsinungaling sa kaniya.
"Ma, nandiyan na 'yan wala na tayong magagawa. Kaya hindi 'yan natuto kasi binibaby niyo." Pag-angal ni Ate.
"Oo doon na tayo sa nandiyan na pero hindi niyo maalis sa akin ang mag-alala. Lillianne, ikaw ang unang nakaalam ng totoo bakit hindi mo lang sinabi sa akin."
Napasapo na lang ako sa sariling noo dahil masakit na sa tenga ng sermon ni Mama, syempre nagpapaka best actress lang ako para hindi siya lalong magalit ang kaso nga lang nadamay na si Ate Lillianne.
Kahit papaano ay gumaan na 'yong pakiramdam ko dahil nasabi ko na kay Mama 'yong totoo, ngayon lang 'yan magbubunga pero lilipas din ang galit niya sa akin.
"Ma, this is enough." Si Kuya Jaxon.
Umupo na ito saka naman siya binigyan ni Kuya Jexter ng tubig, kahit papaano ay kumalma na ito at tumahimik na rin ang bahay.
"Now, tell me Lyka. Who is the father?" Tanong ni Mama.
Nagulat ako sa naging tanong nito sa akin at hindi ko alam kong paano iyon sasagutin.
Kilala ni Kuya Jaxon si Arthur at kapag sinabi ko ang pangalan nito ay tiyak na magkakagulo.
Nakatingin ang lahat sa akin habang naghihintay sa isasagot ko, hindi nila pwedeng malaman 'yong totoo kailangan gumawa ako ng paraan para makaiwas sa tanong nito.
"6 months na akong buntis at ilang buwan na lang manganganak na ako, do you think it's a girl or boy?" Pag-iiba ko ng usapan.
"I think it's a girl." Si Ate, buti na lang hindi siya slow.
Nagkatinginan naman ang dalawa kong Kuya at mukhang nagpupustahan pa nga ang mga ito kong lalaki ba o babae.
Napabaling ang tingin ko kay Mama na ngayon ay matalim ang mga matang nakatingin sa akin.
"Iniiba mo 'yong usapan natin Lyka, tell us who is the father?" Muli nitong tanong.
Paulit-ulit akong napalunok at muling nag-iisip ng paraan kong paano na naman makalusot, juskoo hindi pa ito 'yong oras para doon.
"Lyka?" Si Kuya Jaxon.
"Ma, importante pa ba 'yon?" Pag-singit ni ate Yasmine.
"Shut up, kaya lumalaki 'yang ulo ng kapatid mo dahil kinokonsente mo kahit na alam mong mali."
Ayan na naman siya sa pagiging bungangera niya, pinaglihi ata tong sa manok si Mama eh. Putak kasi ng putak ang sakit sa ulo.
"Mama-"
"Just answer my question, Lyka." Mahinahon niyang wika.
Patawarin na ako ni Lester kaso mukhang kailangan niyang madamay rito.
"I'am the father."
Sabay-sabay kaming napatingin sa pinanggalingan ng boses na iyon, nanlaki naman agad ang mga mata ko ng makita si Arthur. Anong ginagawa niya rito?
"Did I hear it right? Paano mangyayari 'yon? Hindi ba't ikaw ang fiance ni Chelsea?"
YOU ARE READING
SEDUCING MR. BUENAVENTURA
RomanceMaaari ba kayang magkatuluyan ang Isang Popular na Guro at ang isang Estudyante nito, kahit na alam nilang labag sa mata ng tao at labag sa batas ng paaralan ang kanilang pag uugnayan? Totoo nga kayang Age Does'nt matter if you really loved someone...