EPILOGUE

2K 16 0
                                    

" I, Arthur Buenaventura, take you Lyka Valderama to be my wife. I promised to be true to you in good times and in bad, in sickness and in health. I will love you and honour you all the days of my life."

Akala ko tuluyan ng kukunin sa akin si Lyka, inaadmit kong hindi ako naging mabuting asawa sa kaniya pero sa panibagong pagkakataon na ito ay pinapangako kong mamahalin at aalagaan ko siya higit pa sa buhay ko.

Dininig ni God 'yong panalangin kong huwag muna siyang kukunin sa akin and that time someone donated a heart on her.

Hindi matutumbasan ng kahit na ano ang pagmamahal ko sa kaniya at kong sakaling mawawala siya sa akin ay kalahating pagkatao ko ang pinatay na no'n.

Hindi na ako nagdalawang isip na yayain si Lyka ng kasal nong magising na ito, hiningi ko na siya sa kaniyang Ina at mga kapatid. Binigyan nila ulit ako ng pagkakataon para makabawi at ngayon ay hindi ko na sasayangin pa iyon.

Pareho kaming nanunumpa sa harap ng altar ngayon para ipakita kong gaano namin kamahal ang isa't-isa, hindi ko aakalaing siya pala ang babaeng makakasama ko habang buhay, nong una nabigyan na ako ng sign pero binabalewala ko lang at ngayon mababaliw ako 'pag iniwan niya na ako.

"You may now kiss your bride."

Hinawi ko ang belo nito saka ko marahang hinawakan ang magkabila niyang pisngi, ang tingin ko kay Lyka ngayon ay isang babasaging bagay na kapag nabitawan mo at nabasag ay mahirap ng buuin ulit. Inilapat ko ang labi ko sa kaniya at do'n ko naramdaman ang isang halik na punong-puno ng pagmamahal.

"I love you." Wika ko sa gitna ng paghahalikan namin.

Narinig ko ang pagpalakpakan ng mga tao dahilan para mapangiti kaming pareho, kumawala na ako sa mga halik namin saka ko naman siya niyakap ng mahigpit.

Ako na 'yong pinakamasayang lalaki ngayon at pinapangako kong buuin ko ang pamilya na 'to at hindi ko ipaparanas kay Lyka ang isang pamilyang naranasan niya noon kong saan iniwan siya ng ama nila.

Leigh Arvie Valderama Buenaventura is now a 7  months old, sobrang bilis talaga ng panahon. Walang kaduda-duda na anak ko siya lalo na't para na kaming carbon copy kapag pinagtatabi na dalawa, kuhang-kuha nito lahat ng anggulo ng mukha ko habang ang nakuha niya lang kay Lyka ay  ang hugis ng labi nito.

"Ikaw ba talaga ang Nanay? Tingnan mo nga labi lang nakuha sayo," pang-aasar ko kay Lyka.

Alas- syete ng umaga at maganda ang sikat ng araw kaya naisipan naming paarawan muna si Baby Arvie. Sumimangot naman si Lykq saka ako pinalo ng Tissue Roll.

"Porket mukha na kayong carbon copy, nagmamayabang ka na. Malay mo sa pangalawa kamukha ko naman," nakangisi niyang saad.

Kunot-noo ko naman siyang tiningnan pero tanging ngiti lang ang ibinigay nito sa akin. Hindi ko alam kong slow ba ako o sadyang hindi lang ako makapaniwala.

"Pangalawa? What do you mean?" Nagtataka kong tanong.

"I'm pregnant." Masaya nitong balita.

Ipinakita nito sa akin ang pregnancy test at halos tumalon ako sa tuwa ng makita ang dalawang guhit doon.

Shit ! Magiging tatay na ulit ako.

Ibinigy ko kay Tala si Bqby Arvie at agad ko namang niyakap ng mahigpit si Lyka, nagawa ko pa itong buhatin at pinaikot-ikot dala ng sobrang kasiyahan.

"Hoy buntis, magdahan-dahan ka nga sa pagkain at baka mabulunan ka." Suway ni Ate  Lillianne kay Lyka.

Mas matanda ako ng dalwang taon kay Ate Lillianne pero dahil panganay na kapatid sya ni Lyka ay No choice ako kundi ang tawagin syang Ate.

Nagtatampo sya samin  dahil hindi raw namin siya binibisita kaya heto kami ngayon sa kanila. Buhat-buhat nito si Arvie habang matalim ang mga matang nakatingin kay Lyka pero 'yong isa ay wala man lang pakialam.

Hinayaan ko muna silang magtalo diyan saka ako nagdesisyong lapitan si Xian na nakatambay sa balkonahe.

"Congrat's, your going to be a father." Pagbati ko rito.

Lillianne is now 7 months pregnant habang si Lyka naman ay 1 month pa lang, baka nga mamaya 'yong isa't-isa na ang pinaglilihian nila lalo na't hindi mabubuo ang araw kapag hindi sila nag-aaway. Mga babae nga naman, sakit sa ulo.

"Thank's bro, ikaw din congrat's sa inyo, Daddy kana naman." Natatawa niyang wika.

Narinig kong bumuntong hininga ito saka naman niya ako inakbayan.

"Hindi ko talaga aakalain na si Lyka 'yong para sayo, akalain mo estudyante at Proffesor ang layo diba. By the way, kamusta na kaya si Chelsea ngayon?"

Simula nong tapusin ko kong ano man ang mayroon kami ay hindi na ito nagpakita pa sa akin, I hope na may kaniya-kaniya na kaming buhay at sana masaya siya sa kong anong mayroon siya ngayon.

Sapat na sa'kin ang mag-ina ko ngayon lalo na't madadagdagan pa kami ng isa at wala na talaga akong ibang mahihiling pa.

"Give it back to me!" Narinig kong sigaw ni Lyka.

Pareho kaming napalingon ni Xian sa mga asawa namin na ngayon ay para ng aso't pusa na nagtatalo dahil lang sa pagkain, nakita ko naman kong paano ngumiti si Arvie habang tiningnan ang dalawa na nagtatalo.

My life is perfect at hindi ito mangyayari kong hindi dahil kay Lyka lalo na't siya ang bumuo ng pagkatao ko, napunan niya lahat ng pagkukulang sa buhay ko at pinuno niya ako ng sobrang pagmamahal.

Hindi ko alam kong bakit  naging deserve ko ang isang kagaya niya na kahit kailan ay hindi napagod na iparamdam sa akin na hindi ako nag-iisa.

"Arthur?" Naluluha nitong wika.

Nakangiti akong lumapit sa kaniya saka ko siya marahang hinalikan sa noo, may pagka-isip bata pa din ito si Lyka minsan kaya kailangan mo talaga dito ay buong pag-iintindi at malawak na pag-unawa.

Hindi ko naman maiwasang mapangiti ng makita ang mangiyak-ngiyak nitong mukha, hindi lang ako nagkaroon ng asawa, nagkaroon na din ako ng baby na kailangan mong suyuin araw-araw kapag tinotoyo.

Ala-singko na ng hapon kaya naisipan na naming umuwi, nagpaalam muna kami kila Lillianne  at Xian bago kami umalis.

Habang nasa kalagitnaan kami ng byahe ay nakatulog na si Lyka, gano'n na din si Arvie na mag-isa sa likod habang nakaupo sa kaniyang folding stroller. Dahan-dahan lang ako sa pagmamaneho saka ko dinampian ng halik ang likod ng palad nito, ilang saglit pa ay palusong ang daan at bigla akong nakaramdam ng kaba nong mapansin kong wala kaming preno. F*ck!

Nagising si Lykq at nagtataka ang mukha nitong nakatingin sa akin, dahilan para mas humigpit pa lalo ang pagkakahawak ko sa mga kamay nito.

"What happened?" Nag-alala niyang tanong.

Hindi ko na siya sinagot at nagfocus lang ako sa pagmamaneho at nong maramdaman kong babangga na kami ay mabilis kong itong niyakap bago pa gumulong ang kotseng sinasakyan namin.

"ARTHUR!!"

SEDUCING MR. BUENAVENTURAWhere stories live. Discover now