Nakaramdam na ako ng hilo matapos kong ubusin ang isang bote ng vodka, pakiramdam ko tuloy umiikot 'yong bar.
Kasalanan talaga ng malantod na Arthur na 'yon! Kong hindi dahil sa kaniya, 'di ako magpapakalasing. Muli ko na namang naalala ang mga ngiti nito kaya sumama na lalo 'yong timpla ng mood ko.
Napatingin ako bigla sa direksiyon nila pero mukhang wala na sila doon, siguro umuwi na.
Naglakad na lang ako papuntang gitna para sumayaw, sumasabay naman ako sa bawat beat ng music, tumalon-talon pa ako at may pagtaas pa ng kamay. Enjoy na enjoy ako kahit na nagmumukha na akong baliw rito.
Kanina pa ako sayaw ng sayaw kaya napahinto na ako ng makaramdam ng init ng katawan, simple nga lang itong suot ko pero init na init talaga ako. No choice ako no'n kundi tanggalin ang denim jacket ko, gusto ko mang pigilan ang sarili sa katangahang ginagawa ngayon pero para bang may sariling utak ang katawan at kusa itong gumagalaw.
Nang matanggal ko na ang jacket ay tinapon ko na iyon sa sahig, sunod ko namang tinanggal ang lace ng backless ko na nakatali sa likod. Kahit papano ay guminhawa naman ang pakiramdam ko, tinali ko ang buhok ko sa messy bun na paraan, pero yung ibang hibla ng buhok ko ay hindi nasama kaya hinayaan ko na lang iyong nakalugay.
Abala lang ako sa pagsasayaw pero nakikita ko sa peripheral view ko na pinapalibutan ako ng mga lalaki, gusto ko ng tumigil sa pagsasayaw pero ayaw magpa-awat ng katawan ko.
Bigla na lang naudlot ang pagsasayaw ko ng bigla kong maramdaman ang paglapat ng jacket sa balikat ko, nagtataka ako kong sino iyon kaya kunot-noo ko itong tiningnan.
Bumungad sa'kin ang isang matikas na lalaki na nakasuot ng V-neck plain black t-shirt. Hindi ko lang maaninag ang mukha nito gawa ng unti-unti na ring nanlalabo ang paningin ko dala ng kalasingan."You're drunk, Woman!" Wika nito sa seryosong boses.
Kunot-noo ko lang iyong tiningnan at pilit na kinikilala ang may-ari ng boses na iyon, masyadong familiar iyon sa akin pero hindi ko nga lang maalala kong kanino iyon.
"W-who are you ?" Lasing kong tanong pero hindi ito nagsasalita.
Ang weird!
Hindi ko na lang din pinansin ang katahimikan niya, pero mas lalo naman akong nahilo dahil sa kalasingan, kaya bumagsak ako.
Hinintay kong bumagsak ang katawang lupa ko sa sahig pero imbes na semento ang bagsakan ko naramdaman ko bigla ang mga braso na sumalo sa'kin saka ako tuluyang nawalan ng malay.
__________________
Dahan-dahan ko namang minulat ang mga mata hanggang sa bumungad sa'kin ang puting kisame. Mabilis akong bumangon pero saglit akong natigilan at napahawak sa ulo dahil bigla akong nakaramdam ng sakit banda roon.
"Fuck! Hang-over!" Inis kong wika sa sarili.
"Masakit ba?"
Nagulat ako bigla sa boses na iyon, bago ko mapagtantong boses pala iyon ni Ate Lillianne .
Agad ko naman siyang binalingan ng tingin na ngayon ay nanlilisik na ang mga mata sa galit.
"Ate? Kanina ka pa diyan?" Tanong ko sa kaniya.
Masama ang tingin nito sa'kin kaya tumahimik na lang ako.
"Nakiusap na ako kay Mama na huwag kang pilitin pumuntang Qatar, tapos ngayon....... Umuwi ka ng dis-oras ng gabi na lasing?" Panenermon niyo.
Jusko na lang.
"Lyka Valderama! Kailan ka ba titino!" Dumadagundong ang kwarto ko sa sigaw nito.
For sure galit na siya, paano ba naman buong pangalan ko na nabanggit eh.
"Ate naman, nag-enjoy lang ng kaonti e."
Kahit wala ng kwenta may ma-irason lang ako. Baka mamaya lumabas na 'yong dalawang sungay niyan ta's bigla akong palayasin dito sa bahay.
"Kaonti? Halos lumangoy ka na sa sahig sa sobrang kalasingan, tapos sasabihin mong konti lang? Huwag mo ubusin ang pasensiya ko, Lyka ." pagbabanta nito.
Agad naman akong tumayo ng kama at niyakap si ate, ganito ang moves ko para 'di mapagalitan. Manlalambing tapos gagawin ko uli then panibagong sermon uli. Ang saya ng buhay ko diba.
"Ate, sorry na. Promise hindi na mauulit," mangiyak-ngiyak kong wika sa kaniya saka ako ngumuso.
And the best actress award goes to Lyka Valderama.
Bumuntong hininga na lang si ate, kahit ano naman kasing sermon ang gawin niya ay wala siyang magagawa. Ang dapat niya na lang talagang gawin ay ang masanay sa ugali ko, ma-iistress lang siya kong paulit-ulit ang sermon niya habang ako naman ay walang pinapakinggan.
" Last chance na Lyka ha, kapag nangyari ulit to mapipilitan akong ipadala ka sa Qatar." kalmadong usal nito.
Tumango na lang ako at ngumiti sa kaniya, nauto ko na naman siya. Hanggang kailan kaya ganito ang buhay ko? Pero mas better na din ito kesa pumuntang Qatar.
Kahit masakit ang ulo dahil sa hang-over ay napilitan akong pumasok sa School, ang sabi naman ni ate ay magpahinga raw muna ako pero hindi naman mabubuo ang araw ko 'pag hindi ko nakikita ang lalaking kinababaliwan ko.
Naglalakad ako ngayon sa gilid ng driveway papuntang school building, malaki ang Clarkson University at karamihan sa mga estudyante dito ay mayayaman.
Hindi naman masyadong mainit kahit na tirik ang araw dahil sa mga puno ng mahogany na nagsisilbing panangga sa init.
Napatigil na lang ako sa pagmuni-muni ng may tumamang bola sa ulo ko, agad naman akong natumba at tumama ang tuhod ko sa isang bato. Pakiramdam ko tuloy lumabas ang kaluluwa ko sa lakas ng pagtama ng bola sa ulo ko.
YOU ARE READING
SEDUCING MR. BUENAVENTURA
RomanceMaaari ba kayang magkatuluyan ang Isang Popular na Guro at ang isang Estudyante nito, kahit na alam nilang labag sa mata ng tao at labag sa batas ng paaralan ang kanilang pag uugnayan? Totoo nga kayang Age Does'nt matter if you really loved someone...