"Yes ,Your right, ako nga, but we broke up. " Matapang na wika ni Arthur.
"But you are also his Professor." Si mama.
Tumango siya bilang pag-sang-ayon, lahat sa loob ng bahay ay tila ba naguguluhan sa mga nangyayari. Sino ba naman kasi ang mag-aakala na 'yong lalaking nakabuntis sa akin ay Professor ko nong College.
"Lyka? Totoo ba ang sinasabi ng lalaking 'to? Ang ama ng batang dinadala mo ay ang Professor mo noon?" Seryosong tanong ni Mama.
Wala ako sa sariling tumango bago ko naramdaman ang mga palad nito sa pisngi ko, ito ang kauna-unang beses na sinampal ako ni Mama.
Napahawak ako sa kanan kong pisngi ng makaramdam ng pananakit roon saka naman ako dinaluhan ni Ate.
"Ma, tama na." Pag-awat ni Ate.
" Alam mo din ba ito, Lillianne? Pero kinonsente mo 'yang kapatid mo? Ang dami-daming lalaki sa mundo pero bakit 'yong Professor mo pa, hindi ka ba nahihiya sa kong anong pwedeng sabihin ng mga tao sa inyo?"
Tuluyan ng bumuhos ang mga luha ko sa sinabi nito, akala ko nong una ay ayos na pero hindi pa pala.
Kahit anong tanong ay ginawan ko ng paraan para iwasan iyon huwag lang nila malaman na si Arthur 'yong ama ng anak ko, pero mukhang hindi ko na ata maitatago pa 'yong totoo.
"Ma? Mahal ko po siya simula nong nag-aaral pa lang ako, iniwan ko 'yong Pilipinas at piniling pumunta ng Qatar para makalimot. Siya rin 'yong dahilan kong bakit ayaw kong umuwi ng Pilipinas nong kasal ni Ate, hindi ko sinabi sayo kasi alam kong hindi mo matatanggap 'yon. Agwat lang ang naglalayo sa amin pero hindi na ako bata," umiiyak kong saad.
Puno ng pagkadismaya ang mukha ni Mama matapos nitong marinig ang sinabi ko, gaya nga ng sabi ko may pagka-conservative si Mama pagdating sa ganitong bagay at hindi siya natutuwa sa mga nangyayari lalo na't nagawa ko pa itong itago sa kaniya.
Bakit kaya gano'n no? Bakit hindi pwedeng magmahalan ang isang estudyante at Teacher nya? Ang pagkakaalam ko kasi ay wala naman silang inaapakang tao pero ang problema lang doon ay ang mga mapang-husgang mga tao.
Naiintindihan ko kong bakit galit na galit si Mama, una itinago ko sa kaniya ang totoo, pangalawa nagawa kong magsinungaling sa kaniya. Hindi naman na ako bata at kaya ko ng magdesisyon para sa sarili ko, mahal ko si Arthur at ipaglalaban ko siya kahit sa pamilya ko pa mismo.
"Ayusin natin ang kasal niyong dalawa." Mahinahong wika ni Mama bago umalis.
Hindi ko napigilan ang sarili kaya napahangulgol na ako sa iyak, naramdaman ko na lang ang pag-yakap sa akin ni Arthur.
Sobra akong nagsisisi na sa kabila ng pagtitiis at pagtiya-tiyaga sa akin ni Mama ay ganito pa ang naging balik ko sa kaniya, pakiramdam ko tuloy para akong masamang anak na walang utang na loob.
Iyak ako ng iyak kaya sinubukan akong pakalmahin nila Ate, nakakaramdam din ako ng hirap sa paghinga nong mga oras na iyon pero mas pinili ko iyong sarilihin na lang.
Kinagabihan pumunta ako sa kwarto ni Mama para humingi ng tawad sa kaniya, walang dahilan para magtaas ako ng pride lalo na't una pa lang ay ako na ang may mali. Tatlong beses akong kumatok sa pinto nito bago niya ako tuluyang pinapasok.
Bumungad sa akin si Mama na nakaupo sa kama habang nakasandal ang ulo nito sa headboard. Bumuntong-hininga muna ako bago ko siya nilapitan.
"Mama, sorry." Sambit ko.
Iyan pa lang ang mga salitang sinambit ko pero naiiyak na uli ako, gusto ko siya ngayong yakapin. Kailangan na kailangan ko talaga si Mama pagdating sa ganitong sitwasyon lalo na ang pag-aalaga nito.
Ngumiti ito sa akin saka niya ako mahigpit na niyakap."Ayan ang napapala ng mga matitigas ang ulo, ayaw mo kasing makinig sa akin at may sarili kang desisyon kaya tingnan mo tuloy ang nangyari."
"Wala po akong lakas na loob para sabihin sa inyo ang totoo kaya mas pinili ko po iyong itago, patawarin niyo po ako Ma."
Mahigpit akong niyakap ni Mama at sa pagkakataong iyon ay gumaan na ang loob ko, tapos na ang problema ko kay Mama, kay Arthur na lang.
Lumabas na ako ng kwarto nito at bumaba na, kinaka-usap ngayon nila Kuya si Arthur sa terrace kaya naisipan kong pumunta na rin doon.
"Kuya?" Tawag ko agad kaya napalingon sa akin ang tatlo.
Hindi ko man alam kong anong pinag-uusapan nila pero mukhang seryoso iyon,lumapit sa akin si Kuya Jaxon saka ako mahigpit na niyakap.
"Congrats Lykatot, dalaga ka na." Natatawa niyang wika bago nito marahang pinitik ang noo ko.
Masaya na ako kasi buo 'yong supporta sa akin nila Mama at wala na akong ibang hihilingin pa, nilapitan ko na si Arthur na ngayon ay nakangitinng nakatingin sa akin.
"Anong ginagawa mo rito?" Salubong ko agad sa kaniya.
"Hindi ka ba masaya na nandito ako?"
Dalawang linggo din ang lumipas na hindi siya nagpaparamdam sa akin kaya nakakapagtaka lang at nandito siya ngayon.
"Hindi naman sa gano'n. Nagulat lang ako,"
"2 weeks is enough para makapag-isip ng maayos. Sorry, kong natagalan ako." Nakangiti niyang wika.
Hinila ako ni Arthur papalapit sa kaniya dahilan para mapayakap ako dito, sobrang bango niya at sobrang nakakagaan sa pakiramdam ng yakap na iyon.
Gusto kong tumigil ang mga oras na iyon at manatili lang kami sa ganoong sitwasyon, habang hindi ba ako nanganganak ay gusto ko ng sulitin ang oras na kasama siya.
"Arthur.. Lagi mong piliing maging masaya kahit hindi mo na ako kasama."
YOU ARE READING
SEDUCING MR. BUENAVENTURA
RomanceMaaari ba kayang magkatuluyan ang Isang Popular na Guro at ang isang Estudyante nito, kahit na alam nilang labag sa mata ng tao at labag sa batas ng paaralan ang kanilang pag uugnayan? Totoo nga kayang Age Does'nt matter if you really loved someone...