"Shunga ka ba? Minsan lang ikakasal ang ate mo tapos hindi ka pa attend!" Bulyaw ni Rica habang nagvivideocall kami.
"Kasi..."
"Si Mr. Buenaventura, ha?"
Hindi ko pa nasasabi pero alam na nito ang gusto kong sabihin, wala naman ako sa sariling tumango bilang pag-sang ayon dito.
"Lyka, three years is enough para mag-move on." Usal nito.
Sapat na ba kaya ang dalawang taon para makalimot? Sa totoo lang ay hindi ko itatanggi na hanggang ngayon ay may kirot pa rin sa puso ko sa tuwing naririnig ko ang pangalan nito, paano pa kaya pagdumating 'yong araw na magkita uli kami.
Simula ng dumating ako rito sa Qatar ay wala akong ibang ginawa kundi ang libangin ang sarili para lang makalimot, paano ako ngayon magsisimula ng panibagong kabanata kong siya at pa rin pala ang nasa isip at puso ko. Lahat-lahat na ginawa ko para lang makalimot pero hindi naging sapat ang tatlong taon para gawin iyon.
Hindi rin naman nagtagal ang naging usapan namin ni Rica dahil marami itong inaasikaso, sa totoo lang ay proud na proud ako sa kaibigan ko. Isa na kasi siya ngayong CEO ng bussiness niyang Beauty Salon shop at nakakapagtayo na rin siya ng maraming branch hindi lang sa buong Pilipinas kundi na rin sa ibang bansa. Successful na ngayon ang career niya habang ako naman rito ay nganga.
Kong pagdating naman sa buhay pag-ibig ay panalong-panalo na ang bestfriend ko, nakwento nito sa akin ang naging relasyon nila ni Hiro Valdez ,ang kalandian niya nong 3rd year College at magdadalawang taon na sila ngayon, ang bongga talaga. Ano na Lyka? Galaw-galaw abah!
Gaya nga ng sinabi ko ay hindi ako uuwi ng Pilipinas na agad ko ring pinanindigan, mas mabuti na ito kesa pumasok na naman ako sa isang sitwasyong ikakadurog ko. Bago umuwi sila Mama ng Pilipinas ay nagawa pa nila akong pilitin na sumama sa kanila pero paulit-ulit ko lang din silang tinanggihan, nagmatigas ako hanggang sa nirespeto na lang nila ang naging desisyon ko.
Mag-isa lang ako ngayon sa bahay kaya malaya akong gawin kong anong gusto kong gawin, nasa kalagitnaan ako ng paglalaro ng bigla namang mag-vibrate ang phone ko.
LILLIANNE WANTS YOU TO JOIN A VIDEO CHAT.
Nakita ko agad ang pangalan ni ate kaya sandali ko munang itinigil ang laro saka ko ito sinagot.
"Yes?" Salubong kong wika.
"I'm getting married Lyka, but you're not here. Ano bang balak mo?" Naiinis niyang tanong.
Tanging kibit-balikat lang ang naging sagot ko sa kaniya, nagsabi na ako kay Mama na hindi ako uuwi pero kinukulit pa rin ako ni ate.
Ang ayaw ko pa naman sa lahat ay 'yong iniistorbo ako habang naglalaro.
"Nagsabi na akong hindi ako uuwi-"
"And for what reason? Bigyan mo ako ng maayos na dahilan kong ayaw mong malaman ni Mama ang tungkol sa Professor mo."
What? Pati ba naman iyon ay gagawin niyang panakot sa akin para lang umuwi ako ng Pilipinas, nasabi ko na 'yong gusto kong sabihin pero lahat 'yon hinihingian nila ng rason. Jusko naman!
"fuck! Ok fine! Dadating ako diyan bago ang kasal." Naiirita kong saad.
Iyong pagiging iritable ko ay mas lalo pang lumala ng makita ko ang word na game over sa screen,fuck!
Pabagsak kong ibinaba ang ps5 controller dahil sa inis, ang layo na ng level ko pero natalo pa.
"Good little girl, by the way see you at my wedding." Nakangiti niyang sabi na may halong pang-aasar.
This is so crazy! Sumigaw na ako sa loob ng kwarto dahil sa inis, may pagkatuso rin itong ate ko at hindi ko alam na iyan ang gagamitin niyang panakot sa akin mapauwi lang ako ng Pilipinas.
Kung alam ko lang na aabot sa ganito, sana hindi na ako nagsabi sa kaniya, tsk!
~PHILIPPINES~
Bukas na ang kasal at nakarating naman ako ng NAIA terminal ng alas- nwebe ng gabi, napauwi ako ng Pilipinas ng wala sa oras dahil sa pagiging tuso ni Ate.
Grabe, hindi ako makapaniwalang nasa Pilipinas na ako ngayon, basta attend lang ako ng wedding after no'n ay babalik na ako ng Qatar.
Si Rica ang tinawagan ko para sunduin ako sa Airport pero busy ang ate mo, kaya kay Kuya Jaxon na lang ako nagpasundo, nadelayed pa nga ang flight ko ng 2 hours kaya gabing-gabi na rin ng makarating ako rito.
"Welcome home, Lykatot."
Masaya akong sinalubong ni Ate ng yakap ng makarating kami ng bahay pero pagtataray lang ang ibinalik ko sa kaniya, bakit ba. Siya 'yong dahilan kong bakit biglaan ang pag-uwi ko ng Pilipinas eh kita namang may tao akong iniiwasan rito.
"Akala ko pa naman ay wala kang balak bumalik ng Pilipinas, how come that you're here, Lyka." Si Kuya Jexter.
"Because of this girl." Pagturo ko kay Ate.
Ngumisi ito sa akin na agad kong inirapan, ngayong nandito na ako sa Pilipinas ay muli na namang nabuhay ang takot sa dibdib ko. Paano kong magkita uli kami? Anong gagawin ko?
Napagod ako sa byahe kaya nagpaalam muna ako sa kanila na magpahinga, pagkarating ko ng kwarto ay malinis iyon at mabango, mukhang pinaghandaan talaga nila ang pag-uwi ko. Nagdesisyon akong humiga ng kama at ilang saglit pa ay muling tumunog ang phone ko, si Rica.
"Ano na Rica? Ang sabi mo magkikita tayo pero nasaan ka na ngayon?" Agad kong bungad sa kabilang linya.
Hindi ito sumasagot at tanging ingay lang sa kabilang linya ang naririnig ko, nasaan na naman kaya itong bakla na to.
"Hoy! Bakla Nasaan ka ba?" Pag-uulit ko pa.
"Bes, nandito ako sa Bar. Punta ka dali." Usal niya.
Bagsak na bagsak na 'yong katawan ko ta's ngayon gusto pa niya akong pumunta ng bar, wala akong ganang uminom kaya agad ko siyang tinanggihan.
"Jetlog"
"Dali na Dhzai, Eto naman napaka KJ? Ngayon na nga lang kita makikita eh".
Nagpumilit itong pumunta ako sa kinaroonan niya ngayon kaya wala akong choice kundi ang puntahan na lang ito. Sobrang kulit e.
Nagdesisyon akong puntahan ito sa Bar at hindi na rin ako nag-abalang magpalit pa ng damit. Nakalabas na ako ng gate sakto namang may dumaan na taxi kaya agad ko na iyong pinara, tinext sa'kin ni Rica ang address ng Bar at 'yon naman ang sinabi ko sa taxi driver.
Pagkadating ko ng Bar ay mabilis ko ng hinanap si Bakla, ilang segundo lang ng makita ko itong kumakaway sa direksiyon ko kaya kinawayan ko rin ito pabalik habang may mga ngiti sa labi.
Nagsimula akong maglakad papalapit sa kaniya pero sa hindi kalayuan ay nawala ang mga ngiti ko sa labi ng mapansin ang isang pamilyar na imahe ng isang lalaki.
Pabigat ng pabigat ang bawat hakbang ko papunta sa direksiyon nito, 'yong taong iniiwasan kong makita ay natatanaw ko na ngayon mula sa kinatatayuan ko.
Hindi ko na mabilang kong ilang beses akong napalunok dahil sa kaba, bagsak ang katawan nito at pikit ang mga mata. Nakasandal ang ulo nito sa headrest ng sofa at mukhang lasing na lasing na.
"Arthur?"
YOU ARE READING
SEDUCING MR. BUENAVENTURA
RomanceMaaari ba kayang magkatuluyan ang Isang Popular na Guro at ang isang Estudyante nito, kahit na alam nilang labag sa mata ng tao at labag sa batas ng paaralan ang kanilang pag uugnayan? Totoo nga kayang Age Does'nt matter if you really loved someone...