CHAPTER 39

1.4K 13 0
                                    

ARTHUR's  POV

"Ma, Don't leave me, please."

I was 10 years old when my mother left us, sumama siya sa ibang lalaki at mas piniling iwan kami ni Papa. That time, ilang beses akong nagmakaawa sa kaniya na huwag kaming iwan pero mas nanaig ang pagmamahal nito sa lalaki. Nong mga panahon na 'yon nagdurusa si Papa sa sakit at wala man lang akong magawa para pagaanin ang bigat na pinapasan nito.

Nalulong si Papa sa bisyo at sugal kaya nong pagtungtong ko ng 13 years old ay namatay siya sa sakit na tuberculosis.

Sobrang hirap na hirap ako no'n hindi ko alam kong saan ako kukuha ng lakas ng loob para bumangon lalo na't simula nong iwan kami Mama ay hindi na ito nagparamdam pa. Sa kabila ng naging hamon ko sa buhay ay mas pinili kong lumaban at magpakatatag, naging madiskarte ako at lahat ng trabaho ay nagawa kong pasukin matakasan  lang ang kahirapan.

Years passed.... Isa na akong ganap na Professor sa isang sikat na University dito sa Pilipinas at lahat ng iyon ay katas ng paghihirap ko.

Kong nasaan man si Papa ngayon ay alam kong proud na proud siya sa kong ano man ang narating ko. Naging payapa at tahimik ang buhay ko sa Clarkson University not until I meet Lyka Valderama.

Sa unang tingin ay mapapansin mong isang siyang 3rd year College spoiled brat at lahat ng gusto niya ay nakukuha niya. Lagi siyang inaasar sa akin ng kaibigan niyang bakla pero hindi ko iyon sineseryoso lalo na't isa siya sa mga estudyante ko at baka nagbibiruan lang.

"Take this away." Maawtoridad kong utos.

Tuwing papasok ako lagi sa Office ay mayroon doong tumpok na mga rosas na nakalagay sa itaas ng table ko, wala na akong ibang ineexpect na gagawa no'n kundi ang magaling kong estudyante na si Lyka. This girl is really annoying!

I was in the bar with my friends, Jexter and Enzo.  Simula kasi nong mag-graduate kami sa College ay hindi na kami nagkita-kita at ngayon na lang ulit 'yon, kinukulit ako ng mga ito na eh date ko daw si Chelsea pero paulit-ulit ko iyong tinatanggihan.

Chelsea is my co-Professor sa CU at school mate din namin siya nong College kaya hindi na rin siya bago sa amin. I admit maganda siya at halos lahat ng kalalakihan dati ay natitipuhan ang kagaya niyang mala-anghel sa ganda but not me. Hindi ko rin alam basta hindi ko siya type.

Like what I ve said before magmamahal lang ako ng isang babaeng karapat-dapat para sa akin but I guess hindi si Chelsea 'yon.

Madami na rin kaming nainom at nakakaramdam na ako ng hilo kaya naisipan na naming umuwi na, nauna na sila Jexter na lumabas at nag-paiwan naman ako para magbayad ng bill namin.

Palabas na ako ng bar ng makakita ako ng isang pamilyar na imahe ng babae, It was Lyka at mukhang lasing na lasing na ito.

Napailing na lang ako habang seryosong nakatitig sa kaniya, this is girl is very irresponsible to herself. Napapalibutan na kasi ito ng mga kalalakihan pero wala man lang siyang pakialam.

Hindi ko na sana iyon papansinin pero nahagip agad ng dalawa kong mata kong paano nito tinanggal ang lace ng kaniyang damit.

Lumuwag iyon dahilan para makita ang suot niyang bra pati na rin ang pisngi ng malulusog nitong hinaharap. I don't care about others business but when it comes to Pamela hindi ko alam kong bakit ako nakakaramdam ng pag-aalala. 

Tuwing gabi ay nanaginip ako ng isang babaeng laging nakangiti sa akin,  ang kaso nga lang ay hindi ko makita ang mukha nito.

During a Valentine's Day, I wrote a confession about the girl in my dreams. Hindi ko naman mapigilan ang sariling mapangiti sa tuwing iniisip ko ang mga ngiti nito sa akin, I wish na nag-eexist ang babaeng iyon kahit na hindi ko alam kong sino siya.

When the speaker read my message ay sumisilay ang ngiti sa labi ko, nagsisimula namang maghiyawan ang mga estudyante pero ang mga tingin ko ay na kay Lyka  sa hindi ko malamang dahilan.

"I know this is my sided love but please, give me a chance. Alam kong balang-araw ay matututunan mo din akong mahalin."

Lyka confessed me that time and I was shocked, yesterday she approach me to be her date but I reject at hindi ko aakalaing aabot sa ganitong punto. Hindi ko man alam kong ano ang takbo ng isipan niya kaya agad ko na siyang pinrangka, wala akong balak mag-girlfriend ng estudyante at malaking issue to pagnagkataon.

Lyka Valderama is one of my student in CU, she's a innocent but a spoiled one pero hindi oobra sa akin ang gano'ng ugali. Maganda siya, maputi at mabait, huling chisimis ata na narinig ko tungkol sa kaniya ay tamad na tamad siya mag-aral.

After that confession hindi na siya nagpakita sa akin, sa totoo lang nakaramdam ako ng pagka-miss kaya nagawa kong makipagdate kay Chelsea makalimot lang sa kahibangan ng estudyante ko.

Nong una nakaramdam ako ng konsensiya para kasing ginagamit ko si Chelsea para lang makalimot sa isang babaeng hindi ko naman dapat isipin.

"Your leaving? Good for you, sana hindi na dumating 'yong araw na magkita pa uli tayo."

Alam kong nasasaktan siya base sa kong paano ako magbitaw ng mga salita, nagiging prangka lang ako at hindi ko intesiyong makasakit. Siguro way na rin iyon para tuluyan na niya akong kalimutan kasi pati ako ay naguguluhan sa kong ano ba itong nararamdaman ko.

Nong malaman kong aalis ito papuntang Qatar ay malaking pabor 'yon para sa akin, babalik na ulit sa tahimik at payapa ang magulo kong buhay pero taliwas naman doon ang kagustuhan ng puso ko.

Pagkatapos ng huli naming pag-uusap ay nakakaramdam ako ng pangungulila, hindi ito 'yong gusto kong maramdaman pero gustong-gusto kong makita si Lyka.

Ngayon ang alis ni Lyka papuntang Qatar at hindi ko alam kong bakit nasa airport ako ngayon, gustong-gusto ko siyang makita kahit sa huling pagkakataon lang,  na pilit namang kinokontra ng isipan ko.

Nakita ko itong naglalakad habang hila-hila ang maliit niyang maleta at nong mga oras na 'yon ay gusto ko na siyang lapitan pero wala akong lakas ng loob para gawin iyon.

"I will wait you, Lyka."

Hindi ko alam kong bakit lumabas sa bibig ko ang mga katagang iyon, basta ang alam ko lang ay.. unti-unti na pala akong nahuhulog sa kaniya ng hindi ko man lang alam.

PS: GUYS PASENSIYA NA PO KONG NGAYON LANG PO AKO NAKAPAG-UPDATE, BIHIRA LANH PO MAG CP KASE NANDINE HO KAMI SA BULACAN TO VISIT MY HUSBAND'S FAMILY😉 💖

SEDUCING MR. BUENAVENTURAWhere stories live. Discover now