CHAPTER 20

1.4K 20 0
                                    

"Where are you Lyka? Magsisimula na ang wedding cerememony, ikaw na lang ang wala dito." Si Kuya Jexter.

Pagkatapos ng naging usapan namin ni Arthur  ay umalis ako ng Hotel at agad na duniretso sa Tagaytay, gusto kong makapagliwaliw ng sa gano'n ay gumaan ang pakiramdam ko.

"Papunta na," mahina kong sagot.

Nasa picnic groove ako ngayon at mukhang malelate ako sa wedding, malayo ito sa Manila at mukhang traffic pa. Hindi ako pwedeng hindi umattend sa wedding dahil baka bigla akong ilaglag ni ate kay Mama.

Gaya nga ng sabi ko ay traffic kaya baka 'di na ako umabot, kinukulit ako nila Ate sa text pero dinidedma ko lang.

Kailangan ko ng peace of mind ngayon at baka magwala na ako kong sasabay pa sila, tatlong oras din ang binyahe ko mula Tagaytay to Manila at buti na lang no'ng makarating ako ng bahay ay nagsisimula pa lang ng seremoniya si Father.

"Your late," pagsalubong ni Kuya Jaxon.

Humingi na lang ako ng pasensiya rito saka nagmadaling umakyat ng kwarto para maligo, pagkatapos no'n ay nagbihis na ako.

Simpleng pink bohemian dress lang ang sinuot ko habang 'yong buhok ko naman ay itinali ko sa pa messy bun na paraan. Para naman sa heels ay  white stilettos lang ang isinuot ko lalo na't iniregalo sa akin iyon ni Mama, naglagay din ako ng konting make-up sapat lang para mabigyang kulay ang namumutla kong mukha.

Bago ako bumaba ay inayos ko muna ang sarili para naman presentable akong tingnan 'pag humarap ako sa mga bisita.

Simpleng wedding lang ang gaganapin ngayon at wedding backyard ang naisipang theme ni Ate, pili lang ang mga imbitado sa kasal lalo na't ayaw nito ng ingrandeng wedding, may balak pa atang maging lowkey.

Pagkadating ko ng backyard ay tapos na ang seremonya at mukhang hindi na ako umabot, nahagip agad ng dalawang mata ko si Ate na ngayon ay matalim ang mga tingin sa akin.

"Your here pero parang wala ka, hindi ka umattend ng ceremony ta's late ka pa." Pagmamaktol nito.

Wala ako sa sariling napakamot ng ulo, hindi ko naman kasi akalain na tatlong oras pala ang aabutin ng  byahe bago ako makarating ng Manila at malay ko din bang traffic.

"Huwag ka ng magalit ang importante nandito na ako, by the way, Congratulations, Ate." Sumilay ang ngiti sa labi nito saka ko siya mahigpit na niyakap.

Sa totoo lang kahit anong ngiti ang gawin ko ay mabigat pa rin ang dibdib ko, paulit-ulit akong nilalamon ng lungkot at pakiramdam ko ano mang oras ay bibigay na ako.

Ewan ko ba, gusto ko ng kalimutan 'yong nangyari pero hirap na hirap akong gawin 'yon, dapat happy ako ngayon kasi wedding ni Ate pero hindi ko magawa.

Nagawa akong ipakilala ni Ate sa asawa nito at 'yon ay si Kuya Xian, siya 'yong pinsan ni Rica at isa lang naman po siya sa mga close friend ni Mr. Buenaventura. Mabait siya at palangiti, isa siguro 'yon sa dahilan kong bakit siya nagustuhan ni Ate pero kabaliktaran naman noon ang ugali ng kaibigan niya.

"lyka?" Napabaling ang tingin ko kay Kuya Jaxon.

Nong mga oras na iyon ay hindi ko alam kong ano ba ang dapat kong maramdaman, muli na namang nagpakita ang anino ni Arthur kasama si Ms. Chelsea at hindi ko alam kong paano ko sila haharapin ngayon.

Nanlalamig ang mg kamay ko habang papalapit sa kanila, hindi ata ako nainform na imbitado pala sila, kong nalaman ko lang ng maaga sana hindi na ako umattend ng wedding.

"Kuya," pilit akong ngumiti.

"Lyka, This is Chelsea , classmate ko siya nong College at ito naman si Arthur boyfriend niya." Pagpapakilala nito sa akin.

Hindi ako sumagot at tanging ngiti lang ang ginawa ko, sinulyapan ko ng tingin si Arthur bago ko napagtantong nakatingin din pala ito sa akin.

Walang karea-reaksiyon ang mukha niya at panigurado hanggang ngayon ay galit pa rin siya matapos may mangyari sa amin.

"Hindi mo na kami kailangang ipakilala pa sa kaniya, she is one of Arthur's student last year, Lyka right?" Nakangiti pero mahinhin niyang wika.

Tumango naman ako.

"Really?" Namamanghang saad ni Kuya.

Para na akong pipi n at kahit isang salita ay walang lumalabas sa bibig ko, kong hindi lang dahil kay Kuya ay hindi sana ako lalapit kaso ayaw ko namang maging bastos sa paningin nila.

Nasundan pa ang pag-uusap ng mga ito kaya umalis na lang ako, unti-unti naman akong  nakaramdam  ng pagod dahil sa byahe kaya mas minabuti ko na lang na bumalik ng kwarto para magpahinga.

Habang naglalakad ako papasok ng bahay ay nagulat ako ng biglang may humila sa akin, dinala ako nito sa tagong lugar kong saan walang nakakakita sa amin.

"Can we talk?" Seryosong sambit nito.

Tumango lang ako sa kaniya bilang pagtugon at nanatiling tahimik.

"About what happened to us, gusto kong kalimutan na natin iyon. Ayaw kong masaktan si Chelsea lalo na kapag nalaman niya ang totoo,"

Ngumiti ako ng pilit sa tinuran niya, sabagay ano ba ako sa kaniya para ako naman ang isipin niya. Isang malaking pagkakamali ang nangyari sa amin  at gustong -gusto ko iyong pagsisihan.

"Hindi naman big deal sa akin 'yon, nangyari na ang nangyari may magagawa pa ba ako." Pabalang kong sagot.

"Lyka!"

"Huwag kang mag-aalala, wala akong pagsasabihan."

Tuluyan na akong umalis saka naman nagsimulang tumulo ang mga luha ko, sa loob ng dalawang taon na iginugol ko sa Canada makalimot lang ay hindi ko nagawa.

Hindi ko akalain na sa pagbabalik ko ng Pilipinas, sakit pa rin pala ang sasalubong sa akin.

A/N: 10 chapters updated🖍pasensya na mga beshy ngayon lang po nakapag update😅 pakifollow naman ng aking Fb Acc @MitchBonzoAgudo at ang page ko @mitchaanngg 😘

SEDUCING MR. BUENAVENTURAWhere stories live. Discover now