CHAPTER 5

1.5K 21 0
                                    

"I'm sorry, Miss. Are you okay?"

Antanga naman ng tanong na iyon.

"Ikaw kaya ang batuhin ko ng bola tapos tanungin kita kong masakit." Inis kong wika.

Hindi na siya nagsalita at tinulungan na lang akong tumayo, hindi na rin ako nagreklamo dahil nakaramdam na ako ng hapdi sa tuhod ko. Ano ba 'yan, gusto ko lang naman pumasok ng School ng payapa pero nagkasugat pa. Nakakainis talaga!

"Do you want me to take you in the clinic?" Suhestiyon niya.

"Hindi na kailanga-"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ng iangat ko ang tingin sa kanya, hindi na baleng masugatan panalo naman ako aa kapogian ng lalaking 'to.

Bagong crush na naman ba ito.

" I'm okay, hindi mo na ako kailangang dalhin sa clinic. Wala bang mas malakas bumato sa inyo, para sayo na ako mahulog hindi sa damuhan." Banat ko dito.

Uncrush ko na ba 'yong Teacher  ko? Kaso mahal na mahal ko 'yon e.

"Are you sure? Dumudugo na 'yong tuhod mo."

Concern masyado, baka kiligin na ako niyan.

"Ano kaba, It's okay." Nakangiti kong wika.

Nagawa ko pang magpa-cute sa kaniya bago ko mapagtantong late na pala ako, bakit kasi ang bilis ng oras nanlalaki pa ako.

Paano ako magkakajowa nito!

Ngumisi lang ako sa lalaki bago ako kumaripas ng takbo papuntang classroom, si Sir Art pa naman ang Prof ko ngayon. Ayts! Ang malas!

"Your late, Ms. Valderama." Bungad nito sa akin.

Kunot-noo akong tiningnan ng Prof ko, hindi ko alam kong hanggard ba o oily ang mukha ko pero hindi 'yon ngayon ang nasa isip ko kundi ang sugat na nasa tuhod ko. Ang hapdi talaga.
Ang ganda rin ng bungad sa akin ni Sir, wala man lang goodmorning as in sermon agad. Ang hapdi na nga ng tuhod ko sumasabay pa siya.

"Sorry po." Nakayuko kong sambit.

Ayaw ko talaga siyang makita ngayon kaya yumuko na lang ako, sa tuwing naalala ko kong gaano katamis ang ngiti niya nong gabing iyon parang tinutusok ang puso ko sa sakit.

Bakit kasi hindi na lang ako? Dahil ba sa Teacher  ko siya at estudyante niya ako? Hays!

"Come in, let's talk about you're punishment later."

Tumango na lang ako at nakayukong naglalakad papuntang upuan, ng ganap na akong makaupo ay agad ko namang itinaas ang palda ko sapat lang para makita 'yong sugat. Hindi naman 'yon kalakihan pero sobrang hapdi.

Tumunog na ng bell kaya natapos na ang discussion ni Sir, nagpaalam na ito sa amin bago nagsilabasan ang mga kaklase ko for break time.

"You, Ms. Valderama. Follow me in the office." Maawtoridad nitong wika.

Napabuntong-hininga na lang ako at agad na tumayo sa kinauupuan, napangiwi ako bigla ng muling makaramdam ng hapdi sa tuhod ko. Ilang minuto na ang nakakalipas panigurado tuyo na ang dugo no'n. Tiis ganda talaga tayo ngayon.

Nang makarating ako sa labas ng office ni Sir Art ay kumatok muna ako ng tatlong beses.

"Come in."

Pinihit ko ang door knob para tuluyan ng makapasok sa loob, sakto namang bumungad sa akin si Sir na ngayon ay abala sa pagtitipa ng kaniyang laptop.

Walang pinagbago ang office nito, nanatili pa rin itong mabango at malinis aakalain mo talagang babae ang nagmamay-ari nito sa unang pasok mo.

"As you're punishment, you have to clean the Comport  Room." kalmado niyang sambit.

Comport Room? As in Banyo? Masyado naman ata akong maganda para maglinis ng banyo, ano ng tawag sa akin ngayon niyan, Banyo Queen?

"Sir, hindi naman sa pagrereklamo noh. Pero kahit anong punishment na lang po, huwag lang Cr."

Sa totoo lang nagrereklamo na talaga, kahit nga maglinis ako ng bahay niya ay gagawin ko huwag lang banyo e, kadiri kaya. Cr ko nga sa bahay hindi ko malinisan, Cr pa kaya rito. Fuck!

"I'm giving you a punishment because you're late. And who do you think you are para magreklamo?" Tumaas na ang boses nito bago ako binalingan ng masamang tingin.

Galit na siya niyan?

Gustuhin ko mang magreklamo pero mukhang wala na ata akong magagawa, bakit kasi inuna ko pa 'yong kaharutan ko kesa pumasok ng maaga, ayan tuloy. Napakamot na lang ako ng ulo dala ng inis, akmang lalabas na sana ako ng office nito ng bigla siyang magsalita.

"Wait." Pagpigil nito sa akin.

"Ano po iyon?" Nagtataka kong tanong.

Tumayo ito sa kaniyang kinauupuan at nagsimulang maglakad papalapit sa akin, naramdaman ko bigla ang  pagbilis ng tibok ng puso ko habang lumalapit ito sa akin.

Hindi tuloy mapigilang manlaki ang mga mata ko ng dahan-dahan nitong itinaas ang palda ko.

"Sir, a-ano pong g-ginagawa n-niyo?" Patay-malisya kong tanong.

Hindi ako nito sinagot hanggang sa may kinuha ito sa bulsa niya.

Band aid?

"Be careful next time, Lyka."

SEDUCING MR. BUENAVENTURAWhere stories live. Discover now