Nabulabog ang masarap kong tulog ng makarinig ng sunod-sunod na katok mula sa pinto.Kahit antok na antok ako ay wala akong nagawa kundi bumangon at bumaba ng kama para buksan ang pinto.
"Mam Lyka"
"Tala, ang aga mo naman atang mambulabog," inis kong wika.
"May naghahanap po kasi sa inyo sa baba."
May naghahanap sa'kin? Wala naman akong ineexpect na bisita ah.
"Sino daw?" Kuryoso kong tanong.
"Lester raw ho"
Agad namang nagising ang diwa ko sa pangalang sinambit nito. Anong ginagawa niya dito?
"Pababa na ako." Saad ko bago pumasok ng banyo.
Naghilamos agad ako at nagmomog, nakakahiya namang magpakita sa kaniya na may muta pa at mabaho ang hininga.
Sinuklay ko na din ang magulo kong buhok baka kasi mukha na akong bruha saka ako nagdesisyong lumabas.
Habang pababa ako ng living room ay natanaw ko kaagad si Lester na pirmeng nakaupo sa sofa, at nong makita ako nito ay saka naman siya tumayo ay binigyan ako ng matamis na ngiti.
"Goodmorning, napabisita ka." Usal ko.
"Nabitin kasi ako sa naging gala natin kagabi, kaya gusto uli kita yayain. Don't worry it's just a friendly date," turan nito.
Napangiti ako rito, wala naman akong masyadong gagawin ngayong araw kaya hindi rin masama kong sasama ako sa kaniya. Sabihin na lang natin na pasasalamat ko dahil hinatid niya ako sa bahay kagabi.
"Of cour-"
"She will not leave the house."
Pareho kaming napalingon ni Lester sa pinanggalingan ng boses na iyon, saka ko nakita si Arthur madilim ang awra na nakatingin sa amin habang tumitiim na naman ang bagang nito.
"Why not? Wala naman akong gagawin ngayong araw." Pagpoprotesta ko.
Ano naman ngayon sa kaniya kong aalis ako ng bahay at sumama kay Lester, divorce na naman kami kaya wala na siyang pakialam sa kong anong gusto kong gawin.
Bakit hindi na lang siya mag-focus sa wedding nila ni Ms. Chelsea, hindi 'yong ako ang binubwisit niya ang aga-aga eh.
"I'm your husband Lyka, don't you dare to disobey me" pagbabanta nito.
Husband ba talaga o selos?Alam naman naming dalawa na lahat ng pinapakita niyang kabutihan at pagiging concern ay peke lang, ano pa bang aasahan ko sa kaniya.
"Of course were not, kong talagang asawa ang tingin mo sa akin then act as one. Pero hindi mo na 'yon magagawa dahil ikakasal ka na pala sa iba," nakagisi kong usal.
Ang panget tingnan na nagiging ganito kami ngayon sa harap ni Lester, pero ano nga bang magagawa ko sinimulan niya ako eh
Sinasabi niyang asawa ko siya pero taliwas naman doon ang pinaparamdam niya.
Dahil nga matigas ang ulo ko hindi ako nagpatalo at sumama kay Lester. Wala naman siyang nagawa kaya malaya akong nakalabas ng bahay.Nasa mall kami ngayon ni Lester at kumakain, nakaramdam kasi ako ng gutom habang naglilibot kami sa mall at sakto namang alas-dose na kaya niyaya ko na ito.
"Kanina ka pa kain ng kain ah, hindi ka ba nabubusog?" Natatawang usal niya.
Tanging iling lang ang sinagot ko sa kaniya dahil punong-puno ng pagkain ang bunganga ko. Sa totoo lang pang limang restaurant na 'tong pinuntahan namin at siya lahat ang nagbayad.
"Ang cute mo pa lang magbuntis, bukod sa pagiging matakaw ano pa 'yong kaya mong gawin?"
Natigilan ako sa pagsubo ng pagkain dahil sa salitang binanggit nito,masyado ba akong halata?
"A-alam m-mo?" Nauutal kong wika.
"Ofcourse, kanina ko pa napapansin lalo na sa mga kinikilos mo. It's normal Lyka, dahil may asawa ka." kalmadong wika nito saka ngumiti.
Napangiti na lang din ako bilang tugon dito, kong alam niya lang talaga ang totoo sasabihin niya pa kaya ang katagang 'yan?
Hays, oo asawa ko si Arthur pero ni minsan hindi ko naramdaman na asawa ang tingin niya sa akin.
"Can i ask you?" Tanong nito kaya muling napabaling ang atensiyon ko rito.
"hmmm?"
" Kong hindi mo mamasamain, he is your husband right?pero ano ang ibig mong sabihin sa sinabi mong ikakasal na siya iba?"
Pilit akong ngumiti dahil sa biglang naging tanong niya, kailangan ko bang ipaliwanag ang lahat sa kaniya mula sa simula at kong paano umabot sa ganito ang lahat. Pero masyadong mahaba 'yon at sobrang sakit, 'yon ang mga ala-alang pilit kong binubura sa isipan ko.
"Masyadong mahaba 'yon kong ikukwento ko sayo lahat, so let's make the story short." Panimula ko.
Agad ko namang nilunok ang kinakain bago ako muling magsalita.
"Mahal ko siya pero hindi niya ako mahal, kaya lang naman kami nagpakasal dahil para maingatan ang propesiyon niya dahil isa siyang Professor. Kahapon nakipagdivorce siya sa'kin dahil magpapakasal na sila ng babaeng gusto at mahal na mahal niya"
Walang dahilan para maging malungkot, simula nong napagdesisyonan kong pumayag sa divorce na gusto niya, pinangako ko sa sarili kong hindi na ako magpapapekto pa sa kaniya.
" So, paano yong bata?" Ani nito.
"Magpapakatatay pa din naman siya, kaya ayos na yun sa'kin. E ikaw? May girlfriend ka na?" Tanong ko sa kaniya..
Kanina pa kami nag-uusap pero nasa akin lahat ng topic. Napapansin ko din na bukod sa career niya hindi niya naikukwento sa'kin ang lovelife niya.
Tumikhim naman si Lester saka uminom ng juice. Nilagay nito ang dalawang kamay sa itaas ng lamesa saka seryoso akong tiningnan.
"Meron akong babaeng nagustuhan nong 3rd year college palang kami, nainlove agad ako sa kaniya nong una ko siyang makita. Ang kaso nga lang nabalitaan kong ikinasal na siya sa iba pero ang goodnews niyan nalaman kong divorce na siya ngayon. Sa tingin mo Lyka, may pag-asa kaya ako sa kaniya?" Usal nito habang naglalaro ang mga ngiti sa labi niya.
Teka, pamilyar sa akin 'yong babaeng tinutukoy niya ha, ako ba 'yon?
YOU ARE READING
SEDUCING MR. BUENAVENTURA
RomanceMaaari ba kayang magkatuluyan ang Isang Popular na Guro at ang isang Estudyante nito, kahit na alam nilang labag sa mata ng tao at labag sa batas ng paaralan ang kanilang pag uugnayan? Totoo nga kayang Age Does'nt matter if you really loved someone...