KRINNNGGGGG!! KRIIINNGGGG!!!
Napabalikwas ako ng bangon dahil sa lakas ng tunog ng alarm clock ko, lunes na naman at ngayon ang intrams day. Parang sabado lang kahapon ha, ang bilis talaga ng araw, inaantok pa naman Ko gawa ng napuyat na naman ako sa kakapanuod ng kdrama kagabi. Inunat ko muna ang katawan sabay hikab bago ako nagdesisyong pumasok na ng banyo.
Habang naliligo ay pakanta-kanta pa ako, gawain ko na iyon araw-araw kaya wala ng bago.
"Kung alam mo lang na mahal pa kita....
Kaso di na pwede dahil meron ka nang iba...
Kung alam mo lang gusto kitang balikan...Bwesit! Walang poreber!"Pagkatapos ko naman sa banyo ay agad ko ng inayusan ang sarili, nakasuot lang ako ngayon ng blue jersey na naka-tuck-in sa suot kong korean highwaist slim skirt na pinaresan ko ng white sneakers. All done.
Nakangiti lang ako habang tinitingnan ang kabuuan sa harap ng salamin, gandang-ganda ako sa sarili pero ewan ko lang kong bakit hindi ako nagawang magustuhan ni Sir Art. Hays.
Nang tapos ko ng ayusan ang sarili ay bumaba na ako para mag-breakfast at pagkatapos naman no'n ay umalis na din ako ng bahay.
Pagkarating ko ng School ay maayos ng nakapila ang bawat estudyante base sa mga section nito, dahil nga 3rd year na ako ay agad naman akong pumunta sa dulo at mukhang doon ang pila namin. Nakaabang na roon ang section namin kasama na 'yong escort na kasama ko sa parade.
"Gorgeous," wika nito sa lalaking boses.
Lingonin ko man 'yon o hindi, ay alam na alam kong si Rica iyon, nakasuot ito ngayon ng stripe turn down collar polo na mas lalong nagpa-pogi rito. Mapapasabi ka na lang talaga ng sayang.
"Pogi mo naman."
"Hep,hep! Corection, maganda." Pagtatama nito sabay halik sa hangin.
Napanguso na lang ako sa pagiging assuming ng isang 'to, sana siya na lang 'yong naging muse rito paano ba naman dinaig pa 'yong pokpok sa sobrang putok ng liptint.
Ito 'yong unang beses na umattend ako ng intrams at bawat estudyante ay nakasuot ng iba't-ibang uniforme base sa kong anong sport ang sinalihan ng mga ito habang 'yong ibang students namang makikinuod lang ay nakacivilian.
Ilang minuto din ang lumipas bago nagsimula ang parade, nakahawak lang ako ngayon ng banner kong saan nakalagay ang name ng section at team namin.
Hindi naman kalayuan ang nilakad namin pero nakakaramdam na ako ng pananakit ng paa. Hindi ako masyadong naglalakad kaya posibleng 'yong pananakit ng paa ko ay mauuwi sa sugat.
Natapos din ang parade kaya nakarating na kami sa gymnasium at mukhang excited na ang lahat para sa gaganaping intramurals ngayong taon na 'to.
"Intramurals are an opportunity for students to compete againts their classmates in various sports. So I am happy to announce that Intramurals 2023 in Clarkson University is now open." Rinig kong wika ng aming Principal na agad namang sinundan ng hiyaw ng mga estudyante.
Hindi naman halatang mas gusto nila 'yong intrams kesa ang mag-klase, kahit naman ako noh.
Sa tamad ko ba namang ito e' mas gusto ko pang magprogram na lang kami araw-araw kesa ang magklase na wala naman akong natutunan.
Nang magsimula na ang mga palaro ay nagpaalam na ako may Rica na babalik ng classroom, sobrang sakit na kasi ng paa ko at kailangan ko ng pahinga.
Umalis na ako ng gym kaya kahit papaano ay nabawasan na din ang mga ingay, tahimik ko naman ngayong binabagtas ang School hallway papuntang room. Antok na antok na talaga ako at ano mang oras ay pipikit na ang mga mata ko.
"L-lyka?" Pamilyar sa'kin ang boses na iyon kaya agad ko itong nilingon.
Kunot-noo ko lang tiningnan ang lalaking nasa harapan habang iniisip kong saan ko ba ito huling nakita.
"Oh, lester?" Pagkikilala ko dito.
Nakangiti itong naglalakad papalapit sa akin, nakasuot ito ngayon ng maroon na jersey at mukha isa ata ito sa makakalaban ng team namin mamaya. Ang angas talaga niyang tingnan kahit seryoso lang ang awra at mas lalong nakakaagaw ng atensiyon ang postora niya.
"Where are you going? Nagsisimula na ata ang game ha." Tanong nito.
"Sa room lang magpapahinga, mauna na ako sayo." Tugon ko naman dito.
Nong una ay nag-offer itong ihatid ako na agad ko ding tinanggihan, gaya nga ng sabi niya ay nagsisimula na ang game at ayaw ko na siyang abalahin pa.
Papilay-pilay ang lakad ko hanggang sa bigla na lang akong nagulat ng buhatin ako nito sa pa-bridal style.
"Hoy! Ibaba mo ako." Sigaw ko rito habang patuloy ako sa pagpupumiglas.
Mamaya may makakita sa amin at ma-issue pa kami, sinabi ko na kasing huwag e pero sobrang kulit.
"Magpumiglas ka pa at ng mahulog ka!" Tugon nito.
Napatigil naman ako dahilan para gumuhit ang mga ngiti sa labi nito, may kakulitan din itong lalaking 'to pero hindi maitatago ang pagiging gentleman niya. Ito ang lalaking pang-ideal ng mga babae pero ang tanong, sa isang babae niya lang ba ito ginagawa.
Nakarating na din kami ng classroom bago ako nito dahan-dahang ibinababa sa upuan.
"Salamat." Saad ko.
"Welcome, magpahinga ka muna diyan. Babalik na ako roon." Paalam nito bago ginulo ang buhok ko.
Feeling close yarn. Kinulot-kulot ko pa 'yan kanina pero ginulo niya lang, badtrip naman. Pero salamat na din kasi inihatid niya ako dito sa room, kesa magtaray ay nginitian ko lang ito pabalik.
"Thank you uli ha, saka galingan mo. Goodluck,"
Aminin, lalo siyang pumopogi kapag nakangiti.
"Kapag ba naipanalo ko, papayag kang makipag-date sa akin?"
YOU ARE READING
SEDUCING MR. BUENAVENTURA
RomantikMaaari ba kayang magkatuluyan ang Isang Popular na Guro at ang isang Estudyante nito, kahit na alam nilang labag sa mata ng tao at labag sa batas ng paaralan ang kanilang pag uugnayan? Totoo nga kayang Age Does'nt matter if you really loved someone...