CHAPTER 12

1.4K 19 0
                                    

Sabado ngayon at wala akong ibang magawa kundi maglinis ng kwarto. Isang buwan na lang bago matapos ang School year at isang buwan na lang din ay tuluyan ko ng iiwan ang Pilipinas, sabi ko pa naman hindi ako aalis pero wala akong nagawa. May choice ba ako?

"Sis? I'm here ," si Rica.

Pinapunta ko ito sa bahay dahil gusto kong magpasama sa kaniya sa mall, bibili kasi ako ngayon ng korean highwaist slim skirt na gagamitin ko para sa intrams. Iyon kasi ang napag-usapan ng lahat para daw pare-pareho kami.

Pagbagsak naman syang  humiga  sa kama  bitbit ang mamahalin nitong sling bag. Sosyal diba.

"Nagliligpit lang ako ng mga damit ko, maliligo na din ako pagkatapos nito." Saad ko.

Nilagay ko na ang lahat ng damit na pinaglumaan ko sa garbage bag dahil  iyon ang itatago ko sa cabinet at 'yong ibang hindi naman kasya sa'kin ay idodonate ko na lang sa bahay ampunan. Mas mapapakinabangan pa nila 'yon kesa naman sa itapon ko at gawing basahan.

"Maglilipat bahay ka ba? Halos lahat ata ng mga damit mo ay nilagay mo sa garbage bag."

Sa totoo lang long time bestfriend ko na siya pero hindi ko pa nasasabi sa kaniya ang tungkol sa pag-alis ko. Madaldal kasi 'tong baklang 'to at baka mamaya e ipagchismisan pa niya.

"Nililigpit ko lang para sa pag-alis ko malinis itong kwarto." Sagot ko rito.

"Magma malling lang tayo grabe ka sa Aalis ka." Nagtatakang tanong nito.

Nong una kasi ay nagdalawang- isip pa akong umalis, may bagay kasi na tumutulak sa'kin para umalis at may bagay namang nagsasabing huwag na akong tumuloy, masyadong magulo nong una dahil baka nagpapadala lang ako sa lungkot at baka nagpapadalos-dalos lang ako ng desisyon, pero nong nakatagalan  at kumalma na ako narealize kong tama ang desisyon kong umalis.

Pipiliin ko pa bang mag-stay rito kong alam kong dito lang ako masasaktan.
Itigil ko naman ang ginagawa bago binalingan ng tingin si Rica.

" I am going to Qatar, Rica.nagdesisyon kasi akong doon na lang magtapos ng pag-aaral at tuparin 'yong pangarap ko. Soon baka umalis na ako." Malungkot kong usal sa kaibigan.

Nakita ko kong paano ito nagulat pero nagbago din ang reaksiyon nito kalaunan, nabuhay ang lungkot sa mga mata nito kaya hindi ko rin maiwasang maging malungkot. 

" You are leaving without even telling me? Kaibigan moko Lyka, pero bakit always kang ganiyan?" Pagmamaktol nito.

Napabuntong-hinina na lang ako saka naman ako umupo sa tabi nito, ayaw kong nanunuyo pero mukhang kailangan kong gawin ngayon 'yon.

"Sorry sis, masyado kang madaldal e. Baka 'pag sinabi ko naman sayo ay e chismis mo."

Nagbago ng ekpresiyon ng mukha nito, nagsasabi lang naman ako ng totoo eh.

"Grabe ka sa'kin, ang harsh ha."

Para namang hindi niya ako ginaganiyan, tulad na lang kahapon. Sinabi ko ng ayaw ko pero nagawa niya pa rin akong sabihan ng pakipot at makapal ang mukha.

"Kailangan ko ngayon ang pag-iintindi mo, alam mo naman siguro kong ano 'yong reason  kaya ako aalis diba."

Narinig ko ang pagbuntong-hininga nito, senyales 'yon na naiintindihan niya ako. Mahigpit ko naman itong niyakap saka ko nakita ang pag-guhit ng ngiti sa labi nito, bar*t lang talaga siya kausap pero alam ko kong gaano ka-maintindihin itong kaibigan ko.

"Palagi kitang naiintindihan Lyka, ikaw lang naman ang hindi. Basta promise me, uuwi ka rin dito para bisitahin ako." Ngumiti naman ako habang paulit-ulit na tumango.

Da best talaga itong si Rica, masarap magkaroon ng kaibigan na kagaya niya. Bukod kasi sa pagkakaroon ng mahabang pasensiya ay sobrang mapagmahal at maalaga pa, mukhang wala na nga akong ibang mahihiling pa e.

------------

" Rica, uwi na tayo."

Kanina pa kami paikot-ikot dito sa mall, nakabili na ako ng skirt at nakakain na rin kami pero ayaw pa niyang umuwi.  Ang arti ba naman, gusto pa kasi niyang gumala para daw sa pag-alis ko e marami akong memories na maiiwan at kanina ko pa rin sinabi sa kaniya na pagod na pagod na ako sa kakaikot.

" 7 P.M pa lang dhai, maaga pa. Hindi ka pa naman siguro magkakapakpak no?"

"Fuck! Ginawa mo pa akong manananggal."

"eh kasi naman eh, Gumala muna tayo."

Nakakairita na, kanina pa nauubos ang pasensiya ko sa baklang 'to. Kong bumili lang ako mag-isa baka kanina pa ako nakauwi ng bahay at baka nga nakahilata na ako ngayon.

"Alam ko na, arcade kaya tayo?" Pagyaya nito.

Hindi ko ito sinagot pero bigla-bigla na lang ako nitong hinila. Hays!

Pagdating namin sa arcade ay kumuha agad ito ng pera sa bag at nagpapalit ng token pagkatapos no'n ay muli niya akong hinila para magsimula ng maglaro. Sinakyan ko na lang kong anong trip nito, kahit anong game ay tinry naming dalawa nagawa pa naming mag-videoke, sumayaw at tumalon.

Kakaibang saya ang naramdaman ko nong mga oras na iyon at sana hindi na matapos ang kasiyahan na iyon.

Hindi na namin namalayan ang oras na lumilipas at mas pinili na lang namin na mag-enjoy, minsan lang naman iyon kaya sinulit ko na.

Pagkatapos ng isang game ay nagdesisyon na kaming umuwi dahil nga gabi na, baka mamaya mapagalitan na ako ni ate at isiping nasa bar na naman ako.

Walang nagawa si Rica, kundi ang sumang-ayon na lang, alas-nwebe na kasi at isang oras na lang ay magsasara na itong mall. Palabas na sana kami ng arcade ng biglang mamataan ng dalawang mata ko sina Sir Art at Ms. Chelsea na papunta sa direksiyon namin.

" Rica? Lyka?" Si Ms. Chelsea sa mahinhin na boses.

Hindi ko alam kong bakit napadako ang tingin ko sa mga kamay nitong nakapulupot sa braso ni Sir Art, nakaramdam ako ng konting kirot sa dibdib pero ipinasawalang-bahala ko na lang.

Napaangat naman ako ng tingin bago ko napagtantong nakatingin pala sa'kin si Sir Art ng seryoso pero agad ko ring iniwasan. Ang akward e.

"Ang saya naman pong nagkita po tayo rito, saka mukhang enjoy na enjoy kayo sa date niyo po ha." Natatawang puri ni Rica habang ako naman ay pilit na ngumiti sa dalawa.

Kong titingnan lang ng mabuti, bagay nga silang dalawa.

"Pauwi na ba kayo? Sumabay na lang kayo sa ami-"

"Ahm,Hindi na po Ms, may dadaanan pa po kasi kami. Mauuna na lang po kami sa inyo." Pagputol ko sa sasabihin nito.

Gaya nga ng sabi sa akin, wala na ako do'n kong ano man ang namamagitan sa kanila.

Kaya wala akong karapatan masaktan dahil hindi naman niya ako minahal at hindi naman naging kami.

SEDUCING MR. BUENAVENTURAWhere stories live. Discover now