CHAPTER 31

1.4K 21 0
                                    


A/N: salamat sa support guiz😊

"Seryoso ka ba sa sinasabi mo? Baka mamaya chismis na naman 'yan." Saad ko sa kaibigan.

Dahil nga nagpasama ako kay Rina kagabi para sunduin si Arthur sa Bar ay dito na rin siya natulog, pero ang aga-aga pa chismis agad ang pina-almusal sa akin.

Hindi ko alam kong totoo ba ang sinasabi nito o nahagip na namang chismis sa ibang kanto.

"Totoo nga Pam. Nabankrupt ang company nila Ms. Chelsea at ang paraan para makabangon iyon ay yung pakasalan ni Ms. Chelsea ang anak ng kabusiness partner ng papa niya," pagpapaliwang nito.

Totoo man 'yon o hindi ay hindi ko mapigilang magulat, nakaplano na 'yong kasal nila ni Arthur ha.

Possible kayang 'yon ang dahilan kong bakit nagpapakalasing at nagwawala si Arthur kahapon?

"Let me go! Arthur!?" Tawag nito.

Napatigil ako sa pagmuni-muni ng marinig ang sigaw na 'yon mula sa labas ng bahay, napatayo kami ni Rica at agad iyong pinuntahan para alamin kong sino ang babaeng nagwawala sa labas.

Pagkalabas ko ng bahay ay bumungad agad sa amin si Ms. Chelsea ba nagwawala habang pinipigilan ito ni Tala.

"Tala, hayaan mo siya." Utos ko.

"Pero Ma'am, ang bilin po kasi sa akin ni Sir Arthur ay huwag po siyang papasukin," rason nito.

Mabilis na nagpumiglas si Ms. Chelsea dahilan para mabitawan siya ni Tala. Ano namang dahilan ni Arthur para hindi siya nito papasukin, nag-away ba sila?

"Did Arthur said that? O baka naman gumagawa ka lang ng kwento. And you, divorce na kayo diba ano pang ginagawa mo sa bahay ng fiance ko!" Bulyaw nito sa akin.

"What are you doing here?" Matigas nitong saad.

Sabay-sabay kaming napatingin sa direksiyon ni Arthur, hindi maipinta ang reaksiyon ng mukha nito at mukhang hindi ata siya masaya na nandito ngayon si Ms. Chelsea.

"Babe?"

Mabilis itong lumapit kay Arthur at agad niya iyong niyakap pero umiwas naman ang isa, mukhang hindi ata sila in good term ngayon. Para tuloy kaming chismosa rito na nag-aabang sa kong anong nangyayari sa dalawang 'to.

"You are not supposed to be here, Chelsea Umuwi ka na," pagtataboy nito.

"Let me explain, Babe. Dad force me to marry that man kaya ko 'yon nagawa  pero ikaw ang mahal ko Art ."

Ibig sabihin ba nito totoo ay totoo ang sinabi ni Rica at hindi 'yon basta chismis lang.

Napabaling ang tingin ko kay Arthur na ngayon ay nagpipigil ng iyak. Ramdam ko 'yong sakit na nararamdaman niya ngayon at ako 'yong nahihirapan para sa kaniya.
Nagpaplano na silang magpakasal pero ang sakit lang dahil 'yung babaeng papakasalan mo ay matagal na pa lang ikinasal sa iba.

"You love me? Really? You want us to marry pero matagal ka ng palang ikinasal sa iba. Ang tanga ko lang kasi matagal mo na pala akong ginagago at niloloko ng hindi ko man lang alam."

Tuluyan ng bumuhos ang mga luha nito kaya hindi ko mapigilang masaktan, ngayon ko lang siya nakikitang umiyak at sobrang hirap no'n para sa akin, sa kabila ng madilim niyang awra ay may nakakubli pala doong sakit.

Paulit-ulit na nagmakaawa sa kaniya si Ms. Chelsea pero mas pinili niyang ipagtabuyan ito.

"Let's end this, Chelsea." Muli nitong wika bago tuluyang pumasok sa loob.

Iyak ng iyak si Ms. Chelsea  at paulit-ulit na tinawag si Arthur pero nagmatigas na ang isa, sobrang nasaktan si Arthur sa mga nangyayari lalo na't mahal na mahal nito si Ms. Chelsea pero eto pa ang nangyari sa kanilang dalawa.

Pagkatapos ng usapan na iyon ay hindi na lumabas si Arthur sa kwarto at piniling magkulong doon. Tinanong ko si Tala kong kumakain na ito pero tanging iling naman ang sagot ng isa.

"Ihanda mo nalang  'yong pagkain, ako na ang magdadala sa kwarto niya. " Utos ko rito.

Inahanda na ni Tala ang pagkain ni Arthur kaya naihatid ko na iyon sa taas, pagbukas ko ng pinto ay sakto namang bumungad agad sa akin si Arthur. Pirme itong nakaupo sa sahig habang malayo ang tingin, maingat kong inilapag ang pagkain sa lamesa bago ko siya nilapitan.

Umupo ako para pumantay sa kaniya saka ko hinawakan ang kamay nito dahilan para mapatingin siya sa akin.

"Kain na tayo." Nakangiti kong wika.

Hindi ko alam kong gaano man kalalim 'yong sakit na nararamdaman niya ngayon basta ang alam ko lang ay kailangan niya ako ngayon.

Hindi ito sumagot ng bigla niya akong hinila para yakapin, niyakap ko rin ito pabalik at sana maging sapat 'yon para mapagaan ko 'yong sakit na nararamdaman niya ngayon.

"I'm sorry, Lyka, Habang tumatagal unti-unti kong narerealize na mahirap pa lang makahanap ng isang kagaya mo, isang Lyka na kahit anong sakit 'yong ibigay mo ay nanatili pa ring nagiging matatag at hindi ka iiwan. Hindi ko alam kong anong gagawin ko kong sakaling mawala ka sa buhay ko,"

Patago akong umiyak matapos kong marinig ang sinabi ni Arthur, sana hindi pa huli ang lahat para sa atin dahil hanggang ngayon ay hindi ko alam kong paano ko sasabihin sayo ang totoo.

Sa paglipas ng panahon ay palaki na ng palaki ang tiyan ko pero 'yong lihim na matagal ko ng tinatago ay hindi ko pa rin masabi kay Arthur. Wala akong lakas na loob eh, at sa tingin ko ay hindi pa ito 'yong oras para malaman niya iyon.

"Your baby is healthy, Mrs. Buenaventura. Huwag mo lang laging kakalimutan na inumin ang vitamins na ibinibigay ko sayo at higit sa lahat dobleng pag-iingat." Wika ni Doc.

Nandito ako ngayon sa ob-gyne ko para magpa-check up. Anim na buwan na ang tiyan ko at ilang buwan na lang ay lalabas na ang munting anghel ko.

"Thankyou po Doc," nakangiti kong tugon.

Marahan kong hinahaplos ang tiyan habang pinapakiramdaman  'yong baby ko sa loob, kapit lang anak malapit ka ng lumabas.

"Where is Mr. Buenaventura?" Bigla nitong naitanong.

"Busy lang po," sagot ko sa kaniya.

Nagpaalam ako kanina sa kaniya na pupunta akong OB ang kaso nga lang mayroon daw silang meeting kaya hindi na niya ako masasamahan, hindi na ako bata para magtampo at naiintindihan ko siya.

Una pa lang naman ay pumupunta na ako sa OB mag-isa at wala ng bago doon.

"I need to talk to him, Mrs. Buenaventura. Hindi habang buhay ay maitatago mo sa kaniya ang totoo at isa pa hindi biro ang sitwasyon mo."

SEDUCING MR. BUENAVENTURAWhere stories live. Discover now