Pabagsak naman akong umupo ng sofa pagdating ng bahay, absent kase ang isa naming professor kaya nagsipag uwian na lang kami. Hanggang ngayon naiinis ako sa sarili, napahiya kaya ako kanina nahalata kaya niya na may gusto ako sa kaniya? Aytsss! Wag naman sana.
"Ang aga naman yata ng uwi mo." Napalingon naman ako sa direksiyon ni ate Lillianne, pababa ito ng hagdan at nakasuot ng office attire.
"Oo, absent kase ang Professor namin, kaya nagsi-uwian na kami," sagot ko naman sa kaniya.
Sumandal naman ako sa sofa at itinaas a ng dalawang paa sa ibabaw ng lamesa, wala naman masyadong ginagawa sa school, pero yung utak ko pagod na pagod.
Nang makababa naman si ate ng hagdan ay tumabi ito sa'kin saka ito may kinuha ng kong anong papel sa bag niya, at ibinigay sa'kin. Kunot- noo ko naman iyong kinuha sa kaniya.
Plain ticket??
"Mag impake ka na ng gamit mo, mamaya ang flight mo papuntang Qatar," Nagulat naman ako sa sinabi ni ate kaya napa-ayos ako ng upo, saka ko siya tiningnan ng seryoso.
"Don't look at me like that, Lyka. Si Mama ang nagsabi, napag utusan lang ako."
What? Si Mama na naman?
Nagbagting ang mga ngipin ko sa sinabi ni ate. Gusto kasi ng Mama na do'n na daw ako mag-aral sa Qatar para mabantayan niya ako, lalo na't ako na lang ang nag iisang nag-aaral. Iyong nga kapatid ko kasi ay nakapagtapos na at may kaniya-kaniya ng trabaho at ako lang itong napag- iiwanan.
Ilang beses din akong tumigil sa pag- aaral dahil nga sa katamaran, sinipag lang naman ako dahil sa sa future husband kong si Sir Art, na lagi kong nakikita araw araw. Hays! Miss ko na siya agad.
"No way! Hindi ako aalis ate! Ubusin na niya lahat ng pera niya pambili ng plain ticket, hindi ako aalis ng Pilipinas," pinal kong sagot saka ko pinunit ang ticket sa harap ni ate.
Bakas naman sa sa mukha nito ang gulat sa ginawa ko, pero 'di ako papataob sa kanila, matigas ang ulo ko kaya kong anong gusto ko 'yon ang gagawin ko. Tumayo ako ng sofa at nginitian ko pa siya saka ako humakbang paakyat ng hagdan
"Brat!" pahabol niyang sigaw pero 'di ko na yon pinansin at tuluyan ng umakyat.
Magmamatigas ako hanggang gusto ko, alam ko naman na pagdating sa Qatar ay ikukulong lang ako ni Mama sa bahay at baka lalo lang akong mabaliw doon.
_______________
"Tequila pleasee.." Sambit ko sa Bartender.
Nasa bar ako ngayun, naiinis kasi ako mag-stay sa bahay. Nalaman ni Mama na pinunit ko ang ticket kaya binungangaan niya na naman ako kanina nong nag video call kaming dalawa. Hindi na kaya ako bata at kaya ko na din magdesisyon para sa sarili ko, 21 years old na ako pero pakiramdam ko bini-baby niya pa rin ako.
Inilapag ng Bartender ang wine glass sa harap ko na may lamang tequila na agad ko ding ininom. Ladies drink lang muna ang kaya kong inumin sa ngayon lalo na't wala naman akong balak maglasing.
Inikot ko ang mga mata sa loob ng bar, daming tao ang sumasayaw sa gitna habang may mga hawak pa na wine glass habang yung iba naman ay lasing na lasing na.
Napako agad ang tingin ko sa isang table, mayroong nakaupo doon na tatlong lalaki pero masyadong familiar ang mukha ng isang lalaking kasama nila. Madilim ang bar at tanging disco light lang ang nagbibigay liwanag sa buong bar pero 'di 'yon naging dahilan para hindi ko agad makilala 'yong isang kasama nila. Si Sir Art yon !
Dahil sa curiosity ko ay agad akong lumapit sa katabing table nila, 'di naman nila ako mahahalata dahil madilim at mukhang seryoso ata ang pinag-uusapan ng mga ito.
"So? It is true that you and Chelsea are dating?" Tanong ng isang lalaki.
Namilog naman ang mata ko sa narinig, Chelsea? As in si Teacher Chelsea Valenciaga po?
Hindi naman sumagot si Sir Art, pero nakita ko ang lihim na ngiti nito. Fuck!
"What's with that smile bro? So totoo nga?" Paninigurado naman ng isa.
Tanga ba sila? Nakangiti siya means it's a Yes! Ito namang si Sir Buenaventura sobra 'yong ngiti mukhang feel na feel masyado.
Nainis naman ako sa narinig ko kaya nagdesisyon akong umalis doon. Ayaw ko ng makita ang malandi kong Teacher. May pangiti-ngiti pa ang mokong, so it means magkasama nga silang pumunta ng Boracay no'n?
Lumapit na lang ako sa counter at nag order ng alak, ngayon 'di na basta ladies drink ang iinumin ko. Mainit ang ulo ko kaya kahit anong alak pa 'iyan ay iinumin ko.
Dalawang taon na ako nagpapansin sa kaniya pero 'd man lang niya ako mapansin, ta's si Ma'am Chelsea? Pipili nga lang siya nga babae, mas maganda pa ako.
Ang panget ng taste niya! Bwisit!
YOU ARE READING
SEDUCING MR. BUENAVENTURA
RomanceMaaari ba kayang magkatuluyan ang Isang Popular na Guro at ang isang Estudyante nito, kahit na alam nilang labag sa mata ng tao at labag sa batas ng paaralan ang kanilang pag uugnayan? Totoo nga kayang Age Does'nt matter if you really loved someone...