So here it is! I am posting the story of Jiggs and Ethan, mga kaibigan ni Ken, Aries at Ram.
Bago ko simulan e please show me a raise of hands sa mga willing basahin ito.
I need comments and votes para malaman kung go or no go kasi kailangan ko talaga ng motibasyon ngayon para magsulat.
Eto ang pasilip sa unang chapter ng Bahala Na.
------------------------------------------------
Last 30 seconds.
Kumakabog na ang dibdib ko dahil kailangan kong maipasok ang bolang ito para manalo kami, isang 2-point shot lang ang kailangan para manalo.
63-62. Lamang nila. Bola namin.
"Shoot mo lang.", sigaw sa akin ni Ethan. Hinagis ko ang bola. Lumipad sa ere. Boom!
.
.
.
"Anong sabi ng MVP?", masayang bati sa akin ng mga teammates sa paliga. Nakakaoverwhelm ito dahil sa kasaysayan na naglalaro ang barangay namin sa mga paliga e ngayon lang kami nagchampion at ako pa ang MVP at unang taon ko pa na naglaro kasama ang mga kumag na ito na pwedeng last year ko na rin kasi pagraduate na rin kami ng college.
"Wala lang iyon kanina, tsamba", sambit ko habang nakangiti at nagkakamot ng ulo.
"Pahumble si kumag.", sabay batok sa akin ni Ethan. Si Ethan ang bestfriend ko since first year college gawa ng kasama ko rin siya sa dorm bukod pa sa classmate ko rin siya nung high school. Hindi naman kami gaanong close dati pero dahil parang kuto itong tao na ito na laging nakadikit ay nasanay na ako.
"Ano na ang balak ninyo na matatapos na kayo ng college?", tanong ni Coach sa aming dalawa ni Ethan gawa ng kami lang naman ang gagraduate ng college, yung iba kasi e hindi na tumuloy ng pag-aaral, kakapasok lang ng kolehiyo o kaya e nag-apply ng residency sa eskwelahan na gusto yatang sagarin yung 6 years na pananatili sa college.
"Ako po e siyempre magtatrabaho na. Most likely abroad na po kasi kaya naman po ako nag-IT dahil gusto ko ring mag-ibang bansa.", walang kagatol-gatol na sabi ni Ethan. Napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi niya, hindi ko kasi alam ang plano niyang iyon.
"E ikaw naman Jiggs? Baka gusto mong sumideline dito para magcoach nung mga bagong players.", sambit sa akin ni Coach.
"Let's see coach. Though wala pa naman po akong balak after graduation.", tugon ko naman pero iniisip ko pa rin ang sabi kanina ni Ethan na aalis siya ng bansa. Hindi ko alam kung bakit parang apektado ako masyado, siguro dahil bestfriend ko siya.
Matapos ang maikling kwentuhan at konting bolahan tungkol sa pagkapanalo ay tumuloy na kami sa inuman sa bahay nila Coach. Hindi ko alam kung ilan ba ang kailangan naming inumin para matapos itong inuman dahil parang may parada yata ng alak; kanina lang ay Matador lang ang tinitira na napalitan ng tequila at ngayon naman ay may ipinasok na tatlong case ng Red Horse, mukhang paumagahan ang labanan ng inuman.
Lumipas ang ilang oras at alam kong mataas na ang tama sa akin ng alak. Napatitig ako sa taong nasa tabi ko, ang best friend ko, si Ethan. Pansin ko ngayon ang kanyang maputing balat at ang may katangusan niyang ilong, nangingibabaw rin ang mapupula niyang labi na parang ang sarap dampian ng mga labi. Ano ba itong nasa isip ko?
Mukhang sa lakas ng tama ng alak ay pati ako tinatamaan sa kaibigan ko. Ekis ito. Hindi pwede.
Napagpasyahan kong tumayo at kumuha ng tubig para maihi ng mas madalas at maitapon ang mga alak na nainom pero bago pa man ako nakatayo ay may taong humila sa akin. Si Ethan.
"Pare, nakatitig ka sa akin kanina?", bigla niyang tanong sa akin habang pupungas-pungas.
"Nakatitig sa iyo? Lasing ka lang pare.", pagmamaang-maangan ko.
"I know what I saw, do not deny it cause I might do the same if I was in your place."
"Ha?"
"I would stare at myself as well. Hahaha!", makabanat ang putakte. Whew! Pero buti na lang at yun lang ang sinabi niya.
"Anyway, have you tried kissing a guy?", bigla niyang tanong sa akin.
"Lasing ka na, English ka ng English dyan e. Saka ano ba yang mga tanong mo? Syempre hindi pa.", paasik kong sabi. "Ikaw ba?"
"Hindi pa rin pero about to.", at bigla niya akong hinalikan. Alam ko na dapat e sasapakin ko siya ngayon dahil hinahalikan niya ako pero parang may sariling utak ang mga labi ko at tumugon ito sa halik na iyon na mula sa isang simpleng halik ay naging mas agresibo na. Nang huminto kami at napatingin sa mata ng isa't isa ay bigla na lang kaming naglayo na para bang nahiya sa isa't isa.
Bumalik siya sa pagtulog at ako naman ay tumungo sa kusina para kumuha ng tubig.
Fuck. What did we just do and why does it feel so right?
Is it possible that I am? Oh no...
BINABASA MO ANG
MULI (boyxboy)
Teen FictionPaano ba nalalaman kung sino ang para sa atin? Kapag nasaktan niya tayo o pag kaya niyang masaktan para sa atin? Ito ay isang kwento ng pagmamahal, pagpapakasakit at muling pagtibok ng puso. -JABEE-