CHAPTER 17
“You want to say something?”, nasa loob kami ng coffeeshop ni Cay ngayon. I gave her a chocolate chip frappe dahil bawal sa kanya ang kape dahil sa batang nasa sinapupunan niya.
“I am sorry for hiding the truth.”, si Cay na hindi na napigilan ang pagluha niya.
“Anong truth yan?”, unti-unti ng nawawala ang galit ko sa babaeng nasa harap ko ngayon, ang babaeng minsan ding naging sentro ng mundo ko.
“I got pregnant that’s why I decided to leave you…”, nakayuko na si Cay ngayon. Hindi ko alam kung ano ba ang isusunod kong itatanong sa kanya.
“Is it mi---ne?”, tanong ko.
“No.” Hindi ko alam kung dapat bang marelieve ako dahil hindi ako yung tatay o magalit at masaktan dahil nabuntis siya during the time that we were still together.
“Then who? How?”, tumataas na ang boses ko. Gusto ko siyang saktan kasi alam kong nasasaktan din ako ngayon.
“I don’t know.”
“Ha?”
“Remember the time that I told you I am coming to Tisha’s party? I was so drunk that night and when I woke up, I am already naked. I was raped and ayokong pandirihan mo ako dahil sa nangyari sa akin.”, humahagulgol na ang babaeng minsang humawak sa puso ko. Nasasaktan ako sa nakikita ko.
“Cay… bakit di mo sinabi agad? Nandito lang naman ako e.”, hinawakan ko yung kamay niya at tila basa na rin ang aking mga mata.
“Ang bait mo talaga kahit kailan kaya mahal na mahal kita e pero hindi ko naman pwedeng hayaang maging parte ako ng buhay mo gayong alam kong makakabigat lang ako sa iyo.”
“Cay…”
“Sinabi ko lang ito sa iyo kasi ayokong magalit ka sa akin habang buhay at ayokong isipin mo na hindi na kita mahal… masyado kitang mahal para sirain ang buhay mo dahil sa kagagahan kong ito.”, sambit sa akin ni Cay habang hawak ko ang kamay niya.
“I still…”, I am about to say that I love her still but she stopped me by placing her index finger on my lips.
“Don’t tell me something out of pity.”
“Basta nandito lang ako and about the whole schooling thing?”, tanong ko sa kanya kasi graduating na rin kami.
“I was fooling around with you kanina. Actually, I filed an LOA and be back after ako manganak siguro.”, hindi ko napigilang hawakan muli ang kamay niya. Hindi ko alam pero bakit ngayon pa siya nagsabi ng ganito? I feel bad that those things happened to her pero galit ako sa sarili ko kasi hinayaan kong mangyari ang ganoon sa kanya.
“I am sorry.”, nakatitig lang ako sa mga mata niya na parang inaarok kung ano pa ba ang gusto niyang sabihin sa akin.
“Wala kang kasalanan a. Take care of yourself always.”
“I will. Ikaw din.”
And today marked our last embrace, our last moment together before we go on our separate ways forever.
Kaytagal kong hinintay na marinig sa kanyang mahal niya pa ako pero hindi sa ganitong pagkakataon. Tama ang kutob ko mula noon na hindi niya ako iniwan o pinabayaan dahil sa wala na ang pagmamahal pero hindi mabubura noon ang katotohanang napabayaan ko ang taong pinangakuan ko ng proteksyon at pagmamahal.
Matapos ang pag-uusap namin ni Cay ay hindi na ako mapakali dahil naiisip ko ang mga kung anu-ano, ni hindi ko na nga nagawang itext si Ken. Nang makarating ako ng bahay ay naabutan ko ito sa may gate namin, madilim ang mukha at parang galit.

BINABASA MO ANG
MULI (boyxboy)
Teen FictionPaano ba nalalaman kung sino ang para sa atin? Kapag nasaktan niya tayo o pag kaya niyang masaktan para sa atin? Ito ay isang kwento ng pagmamahal, pagpapakasakit at muling pagtibok ng puso. -JABEE-