CHAPTER 25

4.6K 138 7
                                    

CHAPTER 25

“Anak!!!”, tili ni Mama nang makita niya ako na bumababa sa hagdan namin. Hindi ko maintindihan ang dapat kong maramdaman kasi masaya ako na nakikita at nayayakap ko ang nanay ko pero hindi kasi siya ang ineexpect ko.

“Ma!”, payak kong pagkasabi at saka niyakap ko pa siya lalo.

“Naku! Ang anak ko e mukhang hindi ako namiss.”, patampong sabi ni Mama sa akin at tinugon ko lang ng pagmemake face para matawa siya. Yung mukhang patong duling, yung ganoong pagmemakeface na gaya ng ginagawa ko noon. Pinisil lang ni Mama ang pisngi ko na parang nanggigigil, chineck ko nga yung kamay niya baka naisama na yung pisngi ko e. Si Manang Zelda naman e humirit naman…

“Naku, iyang anak mo e mukhang may problema sa puso. In love na naman yata.”

Tsismosa talaga ng yaya ko, kanina niya lang ako nakitang nagmumukmok e nasabi na agad sa nanay ko. Napailing na lang ako samantalang si mama e nagpaalala na aral muna bago asawa; kesyo wag ko raw siyang gayahin na nagmahal ng maling tao so on and so forth.

“Ma, baka sila pa ang nagmahal ng mali kung makakatuluyan ko sila.”, hirit ko pa.

“Ay naku! Ang anak ko e may drama nga! Pero wag muna at baka mawala iyan kapag nakita mo ang mga pasalubong ko sa iyo.”, masayang sabi ni Mama at inilabas niya na ang mga pasalubong niya sa akin: bags, rubber shoes, mga headsets at kung anu-ano pa.

“Nga pala Ma, bakit bigla kang napauwi?”, tanong ko sa kanya habang ina-unpack namin ang gamit niya.

“Nagrant kasi yung 2 weeks leave na finile ko kaya eto, gusto kong lubusin ang time ko with my very best anak.”, at yumakap na naman si Mama sa akin.

“2 weeks? So ibig sabihin e hindi ka aabot ng Christmas dito?”, tanong ko sa kanya.

“Hindi anak e. Pasensya ka na a.”

“Ok lang naman po.”

“Alam mo naman kung gaano ko kagustong makasama ka ng pasko kaya lang hindi kasi talaga kaya anak.”, sambit ni Mama sa akin at bakas ang lungkot sa tinig niya. Niyakap ko na lang siya para lang maisip niya na hindi talaga ako nagtatampo.

That night, someone may have left me pero alam ko na sa dulo ng ito e kasama ko ang pamilya ko.

.

.

.

Ilang araw na rin ang lumipas at parang ang saya lang talaga na may nanay na nag-aalaga sa akin mula sa mga personal needs ko hanggang sa mga hinaing ng puso ko. I think I am starting to be ok now.

“O, nakakangiti ka na yata.”, pagpansin sa akin ni Jiggs nang magkita kami sa may cafeteria.

“May iba ka na ba?”, si Aldrin, na mas komportable na sa akin ngayon. Ewan ko ba, matapos ang lahat ng nangyari at nakita ko rin naman ang mga kasalanan ko kaya eto, chill na rin at balik na sa dating samahan dahil sayang naman ang barkada lalo pa’t madalang ng sumama sa amin si Ethan at Ken.

“Wala. Chill lang muna dahil nandito ang nanay ko sa Pinas kaya siya muna ang girlfriend ko.”, nangingiti kong sabi.

“Hay… last sem na nga pala natin ngayon. May practicum site na kayo?”, tanong sa amin ni Aldrin.

“Wala pa. Nakakatamad pa maghanap e.”, sambit ni Jiggs na sinusumpong na naman yata ng pagiging hyper niya dahil kanina pa hindi mapakali.

“Natatae ka ba pare?”, tanong ko sa kanya. Nakakdisturb na kasi talaga yung kulit niya, kung hindi magkukuyakoy e kukutkot ng cellphone. May ADHD na yata itong isang ito e.

MULI (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon