CHAPTER 26

4.7K 138 6
                                        

CHAPTER 26

"Merry Christmas!!!", masayang pagpapalitan namin ng bati ng pamilya ni Ken. Sobrang saya ng pakiramdam dahil ang init ng pagtanggap nila sa akin. Yung tipong feeling mo e pamilya ka na rin kasi mula nung tumuntong ang paa ko sa bahay na ito kanina e hindi ko naramdaman na iba ako; nakaramdam tuloy ako ng konting lungkot at inggit dahil sa pamilyang kinalakihan ko: walang tatay, nasa abroad ang nanay at ngayong pasko e kung hindi pa ako ininvite nito ni kumag Ken e malamang home alone this Christmas ang dating ko.

Matapos ang noche buena at makapahinga sa may veranda ay nagpasya na akong umuwi, nagpaalam na ako sa pamilya ni Ken at ganun din sa kanya.

"Hatid na kita.", sambit sa akin ni Ken pero tumanggi ako. Ayoko na sanang istorbohin pa siya sa paghatid sa akin kaya lang naisip ko na sayang din ang pamasahe at disoras na ng gabi.

Malalim na ang gabi at malamig ang hangin, hindi na namin binuksan ang bintana ng sasakyan at hinayaang pumasok na lang ang malamig na hangin mula sa labas na parang nagsasabing ang payapa ng gabi. Hindi ko ineexpect na kahit papaano ay magiging ok naman ang noche buena ko ngayong taon, buti na lang andito si Ken sa tabi ko.

"Sorry nga pala a.", si Ken na hinawakan ang kamay ko matapos niyang ihinto ang sasakyan.

"Para saan ka nagsosorry?", pagtataka kong tanong, wala naman siyang kasalanan sa akin sa pagkakaalala ko.

"Kasi nasaktan kita, kasi pinaiyak kita noon at kasi---"

"Kasi tapos na yun di ba?", pagputol ko sa sinasabi niya. "hayaan na natin yung mga dati kasi nasaktan din naman kita noon di ba?"

"Pakiramdam ko kasi e napakalaki nung kasalanan ko sa iyo saka hindi ko pa ito nagagawa: ang humingi ng tawad sa iyo.", sambit niya na parang nakikita ko ang sinseridad sa mga mata niya.

"Wala na sa akin lahat ng iyon."

"Pati ba katiting na pagmamahal mo para sa akin e wala na rin? Yung kahit konting konti lang?", nagpapaawa ang kanyang tingin sa akin. Napailing na lang ako kasi ang cute ng itsura niya pero natatawa talaga ako kasi nga mukha siyang bully. Pinisil ko lang ang pisngi niya at ngumiti sa kanya pero mukhang balak talagang mangulit at pinaharap ako sa kanya sa pamamagitan ng paghatak sa akin.

"Wala na ba talaga?", tanong niya sa akin. Akmang sasagot ako pero hinarang niya ang kanyang hintuturo sa aking labi na dahilan para di ko maituloy ang sasabihin ko.

"Wag ka na munang sumagot kasi kung pwede lang e maghuling hirit ako. Ok lang ba sa iyo?", sambit niya sa akin habang nakangiti.

"Ok lang naman.", tugon ko sa kanya. "Pero ano ba ang balak mo?"

"Basta sumandal ka lang d'yan."

At ganun nga ang ginawa ko, nagrelax sa upuan at natulog. E inaantok na ako e, bakit ba?

.

.

.

"Gising na po.", pagmulat ko ng mata e maliwanag na at medyo nilalamig ako, mukha agad ni Ken ang nakita ko at napangiti na lang ako, para kasing ewan kahit kailan. 

"Nasaan na tayo?", tanong ko sa kanya. May ideya talaga ako sa kung nasaan na kami pero ayoko lang talagang mag-assume.

"Baguio na tayo. Gusto mo bang magcheck-in na?", tanong niya sa akin pero kahit alam ko naman na sa sarili kong andito na kami e parang ayoko pa ring maniwala.

"Bakit mo ako dinala rito?"

"Bakit nga ba sa tingin mo?"

"Kasi malamig ang hangin?", nakangiti kong tanong.

MULI (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon