“Kiss me under the light of a thousand stars…”
kumakanta ako habang naglalakad papunta sa CR nang maramdaman ko ang paghablot sa akin ng isang kamay, mas malakas ang mga bisig nito kumpara sa akin kaya hindi ko kayang manlaban sa pangangaladkad nito sa akin. Kinakabahan na ako dahil iniisip ko pa lang kung gaano kasaya ako kanina e parang ngayon e ililibing na ako ng buhay. Huminto kami at sinundan ito ng isang marahas na halik at naramdaman ko na lang ang tila luha na pumapatak sa bandang ilong ko. Nang makahanap ako ng pagkakataon ay itinulak ko ang taong humalik sa akin…
“Ram…”, naguguluhan kong pag-usal.
“Aries, sorry.”, nakayuko ito pero pansin ko na dumadaloy ang luha niya sa mukha. Lalapitan ko sana siya pero tumakbo siya palayo sa akin habang ako ay napako sa kinatatayuan ko. May kung anong nagsasabi sa puso ko na mali ang ginawa ko kaninang pagbuksan ng puso ko si Ken.
.
.
.
Naglalakad na ako papunta sa hotel nang masalubong ako ng isang pamilyar na mukha… si Kuya Lance.
“Thank you kanina a.”, pagbati nito sa akin.
“Wala pong anuman iyon.”, sabi ko na pinipilit itago ang alalahanin sa nangyari kanina sa pamamagitan ng isang ngiti.
“Hindi ganyan ang ngiti mo kanina. Pwede ko bang malaman kung ano ang dinadala mo? One round of drinks tayo, you want?”, nakangiting alok nito sa akin. I don’t want to sound rude so I obliged.
“One Kamikaze and a Jager Bomb for my buddy here.”, pag-order ni Kuya Lance sa bartender.
“Ano iyong inorder mo para sa akin?”, tanong ko.
“Yung Jager Bomb? May redbull iyon para hindi maheart attack ka. Hahaha!”, natatawang sambit ni Kuya Lance. Nakatingin ako sa kanya na nagtatanong kung bakit iyon.
“Kasi puso ang problema mo ngayon di ba?”, at ininom niya na ang Kamikaze shot niya at nagrequest ng isa pa.
Tumango ako at ininom na itong shot ko.
“Paano mo naman nalaman?”
“Hindi na kasi ako bata at kung anong dinaanan mo ngayon na phase e malamang nakita ko na, kung hindi man sa akin e sa mga kaibigan ko. But don’t get me wrong, I may have seen it but that doesn’t mean that I know how to handle those situations.”, sambit niya pagkatapos ay uminom. “Pero ito lang ang natutunan ko sa lahat ng mga nakita ko, sundin mo ang puso mo at wag mong hayaang makasakit ka ng kahit na sino dahil hindi mo alam kung iyong taong mahal ka e hanggang saan ang kakayanin para makasama ka.”
“Si Kuya Charles, nasaktan ninyo rin po ba siya?”, hindi ko maiwasang itanong iyon.
“Sa di ko sinasadyang pagkakataon, oo. Mabait lang talaga ang Diyos kasi naghintay si Charlietot ko.”, nakangiting sambit nito. “Pero hindi lahat ng tao, naghihintay lalo’t di nila alam kung may hihintayin sila.”
“Gaano na po kayo katagal?”, pagtatanong ko na naghahanap ng gagawing role model sa buhay na ito.
“Nasa 11 years na rin kaming patuloy na nagsasama but we started this some 20 years ago.”, tila dreamy na ang mata ni Kuya Lance
“Ibig sabihin po pala e nung nagpapasweet kayong dalawa e kapapanganak ko lang. hehehe.”, pagbiro ko. “Pero kidding aside po, bakit may 9 years gap? 9 years po ba kayong naghabulan?”
“Let’s just put it this way, it took us 9 years to be ready to accept this kind of love and let go of the past. Kaya ikaw, let go of whatever that makes you uncomfortable and know in your heart what would really make you happy.”

BINABASA MO ANG
MULI (boyxboy)
Fiksi RemajaPaano ba nalalaman kung sino ang para sa atin? Kapag nasaktan niya tayo o pag kaya niyang masaktan para sa atin? Ito ay isang kwento ng pagmamahal, pagpapakasakit at muling pagtibok ng puso. -JABEE-