Chapter 19

4.6K 148 12
                                    

CHAPTER 19

“Wag kang bibitiw bigla! Wag kang bibitaw biglaaaaa… Higpitan lang ang iyong kapit, maglalakbay patungong langit!”, si Jiggs na nagwawala, este kumakanta habang bumibiyahe kami papunta sa bahay nila Aldrin sa Batangas. Umayon kasi ang lahat sa invitation ni Aldrin na sa bahay na lang nila magstay kung chill lang naman ang habol namin, hindi na rin naman ako tumutol kasi alam kong mas pabor ang set-up na iyon para sa lahat. Hamak na estudyante lang naman kami kaya wala kami sa posisyon para gumastos ng wagas.

“Ang ingay mo kumag! Kapag di ka tumigil e ihuhulog kita sa skyway”, pagsita ni Ken kay Jiggs habang nagdadrive ito.

“Wow! Sungit mo ngayon pards a! May LQ?”, siraulong hirit ni Jiggs.

 “Hindi ako masungit ungas! At higit sa lahat, wala kaming problema ng baby ko.”, si Ken sabay nakaw ng kiss sa akin. Lintik na ito, hindi ko alam kung sweet ba o nagpapaka-daredevil lang.

“Gaano naman kaya kayo tatagal sa ganyang kasweetan ninyo aber?”, si Ethan na hindi ko alam kung nang-aasar lang ba o sadyang bitter.

“Forever!”, sabay naming sagot ni Ken.

“Forever your faces! Sa dictionary lang nakikita ang forever!”, si Ethan.

“So ampalaya ba ang agahan mo kanina?”, pang-aasar ko.

“Hindi ako bitter pero ang sinasabi ko lang e…”

“Teka nga lang Ethan, meron ka bang hindi sinasabi sa amin?”, nakasingkit ang mata ni Jiggs kay Ethan na para bang imbestigador.

“Wala…. wala ka nang pakialam dun!”, si Ethan na minsan lang kung bumanat pero tagos sa kaluluwa. Sumimangot na lang si Jiggs.

Natatawa na lang kaming dalawa ni Ken sa mga kaibigan namin. Hindi na ako magtataka kung isang araw e magkadevelopan sila.

Nasa isa’t kalahating oras rin ang tinagal ng biyahe namin at hindi naman nasayang ang biyahe namin. Maganda ang bahay nila Aldrin dito sa Batangas dahil bukod sa maayos na landscape sa garden na may koi pond ay maganda rin ang klima dahil sa malapit lang ang Lipa sa may bundok.

“Hey! Kamusta ang biyahe?”, si Aldrin na lumabas mula sa loob ng bahay. Nakaboard shorts ito, sando at flip flops lang, ang lakas maka-summer ng datingan ng isang ito ngayon.

“Mabilis naman dahil sembreak na at maaga kami umalis.”, nakangiting sambit ni Ken.

“Buti naman at sumama ka Aries. Sorry sa nangyari nung nakaraan a. Tara sa loob?”, sabi sa akin ni Aldrin na may kasama pang pag-akbay. There he goes again with his good guy approach: hindi ko alam kung dapat bang maniwala ako na mabait siya o hindi.

Naglakad na kami papunta sa loob ng bahay nila Aldrin at gaya ng labas ay napakaorganize din nito. Habang nililibot namin ang bahay ay nakita namin ang isang piano set.

“I’ll play the piano, listen guys!.”, nakangiting sabi ni Aldrin sa akin.

Tumugtog ang piano at alam ko ang kantang tinitipa niya sa piano: Careless Whisper. Magaling ang pagkakatugtog niya pero habang tumutugtog siya ay ilang ulit siyang sumulyap kay Ken habang nakangiti.

Time can never mend

The careless whisper of a good friend

To the heart and mind

Ignorance is kind

There's no comfort in the truth

Pain is all you'll find

“Itigil mo na nga yan, kain na tayo. Nagugutom na ako e.”, pag-utos ni Ken kay Aldrin.

“Bakit mo naman ako pinapatigil?”, si Aldrin na para bang naghahamon.

MULI (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon