CHAPTER 10

6.4K 182 15
                                        

“Nandito lang pala kayo.”, si Aldrin na parang kanina pa kami hinahanap. Nagtatawanan kami ngayon ni Ram dahil ang lakas nitong sumigaw habang nagzizipline

“Mabuti naman at nandito ka na Aldz.”, si Ken na parang nagsusumbong.

“Ready na kayo for city tour?, nakangiting sabi ni Aldrin na tila hindi pansin ang sinabi ni Ken.

“Magshower lang ako tapos off to go. Ikaw ba Aries? Sabay na tayong pumasok sa kwarto.”, nakangiting sabi nito sa akin. I don’t know what has gotten into his mind pero kaibigan ko kaya tumango na lang ako. Nang maglalakad na ako palayo ay bigla kong naisip ang mararamdaman ni Ken kaya kinuha ko ang kamay nito at nagpasama ako. Tumingin lang sa akin si Aries sa ginawa ko at nauna ng maglakad.

“Bakit mo pa ako isinama papunta dito?”, tanong sa akin ni Ken nang marating namin ang kwarto.

“Nakakatakot kasi e. Sabi kasi sa akin ni Manang e marami raw ditong elemento, ayaw ko namang biglang may gumayuma sa akin o kaya e maengkanto ako.”, natatawa kong sabi.

“Baliw ka!”

“Pero naisip ko baka pala ikaw yung gumayuma sa akin bigla. Wag mong gagawin yun parekoy a!”, tapos ay humagalpak ako ng tawa at pumasok na sa loob ng banyo para magshower.  Natatawa na lang ako sa reaksyon ni Ken na pailing-iling habang ngumingiti.

Since the moment I spotted you,

Like walking round with little wings on my shoes

My stomach's filled with the butterflies... ooo and it's alright

Bouncing round from cloud to cloud

I got the feeling like I'm never going to come down

If I said I didn't like it then you know I'd lied

Everytime I try to talk to you

I get tongue-tied

Turns out that everything I say to you

Comes out wrong and never comes out right

So I'll say 'why don't you and I get together and take on the world

and be together forever

Heads we will and tails we'll try again'

So I say 'why don't you and I hold each other and fly to the moon

and straight on to heaven

Cause without you they're never going to let me in'

Habang naliligo ay narinig kong nagpapatugtog si Ken na sinasabayan niya rin ng kanta. May boses pala si loko, nag-enjoy akong pinapakinggan siyang kumanta habang naliligo ako.

“So why don’t you and I…”, pagkanta ko habang papalabas ng banyo.

“Yes?”, nakangisi niyang sabi na may tono ng pagtatanong.

“Anong yes ka dyan?”

“Wala. I just thought that you were asking me why don’t you and I…”, palapit ang mukha niya sa akin. Parang nalalasing ako sa titig niya. Kung si Ram ang nagpapagulo sa sistema ko, si Ken naman ang nagpaparamdam sa akin na lahat ay tama at kalmado lang. Bago pa man maglapat ang dapat maglapat este ang mga pwedeng maglapat ay nagsalita ako…

MULI (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon