Chapter 5

8.7K 213 13
                                        

AUTHOR'S NOTE:

Dinedicate ko kay dreamreader25 yung chapter kasi naghanap siya kahapon. Hahaha! Anyway, maraming salamat sa mga nagbabasa. :)

__________________________________________________________________________

Chapter 5

Hindi ako pinapatulog ng mga sinabi niya sa akin kanina habang kumakain kami ng hapunan, totoo kaya iyon? Sila na nga kaya talaga? Pero kung sila ibig bang sabihin… saka bakit…

.

.

.

“Ano ba’ng meron kayo? Bakit ba dikit ng dikit si Aldrin sa’yo ngayon e hindi naman kayo ganoon kaclose diba?”, tanong ko habang kumakain kami ng hapunan. Hindi ko na kasi mapigilang magtanong tungkol sa estado ng relasyon ng dalawa. Weird kasi talaga.

“Promise that nothing will change even if you hear what I’ll say.”, mahina niyang sabi.

“Ok. This sounds serious. Fire bro.”, ako man e parang sinisilihan sa kung anuman ang gusto niyang sabihin.

“We are… together.”, nakayuko siyang nagsalita, hindi ko alam kung ano bang dapat kong maramdaman.

“Together? As in together?”, paglilinaw ko sa narinig ko.

“Yeah. Together as in boyfriends, lovers, ano pa bang term?”, medyo di na siya mapakali sa kanyang sinasabi. Ako naman e napapalunok na lang nang paulit-ulit.

“Ako na lang ba ang di nakakaalam?”, tanong ko sa kanya na tinugon niya lang ng pagtango.

Base sa kilos nila e madali namang malaman pero siguro nga hindi ko lang inexpect na ganon siya kasi… wag na nga lang pag-usapan.

“If it makes you happy then alright bro.”, ngiti ko sa kanya at inabot ang kamay ko na para bang binabati ko siya sa kalagayan niya ngayon.

Hinawakan niya ang kamay ko at gumapang sa puso ko ang kilabot na dulot ng lungkot.

Umalis na siya matapos ang ilang assurance ko sa kanya na magiging ayos ang lahat kahit na ang totoo e sa akin pa nga lang e parang hindi ko na alam kung paano pa magiging maayos dahil after 3 years ay naramdaman ko itong muli…

 

*FLASHBACK*

“Bakit hindi ka doon mag-aaral? Akala ko ba ok na? Nakapasa ka naman a.”, naiinis na sabi sa akin ni Ram matapos niyang malaman na sa ibang college ako mag-aaral.

Hindi ako makasagot sa tanong niya kasi hindi ko masabing nahuhulog na ako sa kanya at pinipili kong lumayo na lang para kalimutan ito kasi mali yung nararamdaman ko. Mali na gustuhin ko siya.

“Magsalita ka naman o! Ano ba kasing nangyari?”, dinig pa rin sa tinig niya ang pagkainis pero ngayon e may tunog na ng frustration.

“Mas murang tuition fee? Less pressure, more chikas.”, nakangiti kong sabi sa kanya.

“Tss…”

“Saka may iniiwasan ako sa school ninyo e…”, dugtong ko.

“Sino? Bakit?”, parang biglang nadilat ang kanyang mata.

“May gusto kasi ako sa isang tao at tingin ko hindi naman magiging kami kaya iiwas na lang ako. Ako na lang iyong lalayo para makalimutan siya.”, hindi ko alam pero parang kailangan kong sabihin sa kanya iyon, para malaman niya iyong dahilan, kahit na hindi yung buo pero at least parte nung katotohanang alam ko.

MULI (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon