“Dinner na tayo?”, pagyaya ko sa kanya pero parang nakapako yung mata niya sa malayo. Matapos ang biruan at harutan namin e napagpasyahan naming matulog ng hapon sa kwarto ko. Ngayong nakabangon na siya e sa may terrace siya tumatambay pero ang mga mata ay nakatutok sa malayo at ang kamalayan e parang nasa kung saan mang lupalop.
“Ok ka lang?”, at lumapit ako sa kanya, gusto kong tanungin ang laman ng isip niya pero hindi ako sigurado kung gusto ko ba ang mga salitang lalabas sa bibig niya.
“Andyan ka pala.”, may bahid ng pagkagulat na sabi niya. “Ayos lang ako. Inat inat lang.”, sabi niya at inakbayan na ako na parang nagyayayang kumain.
“Ano bang ineemote mo dyan?”, hindi ko na napigilang magtanong.
“Wala yun. Tara na at kumain na tayo.”, ngumiti lang siya habang nakaakbay pa rin sa akin. Ano kaya ang nangyari dito at parang may malalim na iniisip?
Bumaba kami sa dining area para kumain at balak ko na rin kasing kulitin kung ano bang nangyayari sa kanya.
“Ram!”, pagtawag ko sa kanya na isang tingin lang ang tugon. “Ok ka lang?”, tanong ko sa kanya.
“Oo naman.”, ngumiti siya at sumubo ulit ng pagkain.
“Ram!”, tawag kong muli sa kanya.
“Ok lang ako Aries.”
“E bakit ang tahimik mo?”
“Wala naman. Bawal na bang tumahimik sa bahay ninyo?”, papilosopo niyang sagot.
“Sinabi ko ba? Tss…”, napipikon kong sambit.
“Tama ka na nga kumag. Ito na, sasabihin ko na.”, parang napipilitan niyang sabi at ako, gawa ng feeling ko tungkol sa akin ito at saka may sa tsisomoso na rin e naglean forward ang katawan ko para marinig siyang maigi.
“Iniisip ko lang yung kanina, yung hinalikan mo ako…”, parang nahihiyang sabi ni Ram.
“First time mo ba?”, sarkastiko kong sabi sa kanya.
“Hindi. Pero ikaw kasi yan.”, parang timang na sabi ng kaibigan ko.
“E ano kung ako ito?”|
“Wala.”
“Wala?”
“Wala ka bang naaamoy?”, biglang sabi niya.
“Ayy… iniiba ang usa---“, hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil parang may amoy na nasusunog kaya agad akong pumunta sa may kusina.
Nasusunog yung niluluto ni Manang Zelda. Sa sobrang taranta ko e hinubad ko yung T-shirt ko at binasa ng tubig at yun yung pinangtaklob ko sa nasusunog na kawali habang si Ram naman e may dalang balde ng tubig at biglang binuhos, ayun! Pati ako basa.
“Manaaaaang!!!!”, bigla kong sigaw dahil sa sobrang pagkainis. Hindi naman ako nagalit o kung ano pa man kay Manang pero ang sabi ko lang e wag sana siyang magluto kung manunuod lang din naman pala siya ng teleserye, kahilig naman kasi sa teleserye with matching tears pa kung manuod.
“Ganda ng katawan natin a.”, biglang puna sa akin ni Ram at bigla kong naalala na wala pala akong pantaas. Madalas naman akong ganito lang lalo na kung may laro kami pero ngayon niya lang pinansin yung katawan ko kaya eto, napatakip na lang ako at medyo namumula.
“Namula si loko o. Magbihis ka na para matapos natin yung pagkain.”, sambit sa akin ng kumag kong kaibigan habang nakangiti.
Tumalikod na ako sa kanya pero bago pa ako nakalayo e isang kindat ang binigay ko sa kanya. Alam kong hindi niya inaasahan iyon pero nakita ko kung paano siya namula. Huli ka balbon!

BINABASA MO ANG
MULI (boyxboy)
Teen FictionPaano ba nalalaman kung sino ang para sa atin? Kapag nasaktan niya tayo o pag kaya niyang masaktan para sa atin? Ito ay isang kwento ng pagmamahal, pagpapakasakit at muling pagtibok ng puso. -JABEE-