CHAPTER 28

5.2K 137 12
                                        

CHAPTER 28

“Kanina ka pa tulala d’yan a. Di ka na ba masanay sa kagwapuhan ko?”, banat sa akin ni Ram. Kakaltukan ko sana at baka nahihibang lang pero wag na lang tutal e nasasanay na rin naman ako e saka hindi pa rin mawala sa utak ko yung mga bagay na narinig ko, kung totoo man iyon e ibig sabihin ay kailangan kong mamuhay nang wala ang isa sa kanila dahil yun lang ang tanging patas na bagay na magagawa ko para sa taong pipiliin ko bago matapos ang taon, yun ay kung may piliin man ako sa isa sa kanilang dalawa.

“Baka naman nilipad ang consciousness dahil sa hangin mo.”, natatawang hirit ni Ken.

“Epalogs alert.”

“Epalogs your face.”, konti na lang at pag-uuntugin ko na silang dalawa talaga pero hindi na muna kasi naaaliw pa ako sa kinikilos nila.

“Nga pala, san natin balak pumunta ngayong gabi?”, pagtatanong ko para matigil sila sa away nila.

“Hindi ako sasama ngayong gabi.”, tugon sa akin ni Ken na ipinagtaka ko.

“Bakit naman hindi ka sasama?”, pagtanong ko.

“Nag-usap kasi kaming dalawa. Ako ngayong gabi ang sasama sa iyo at bukas ng umaga e siya naman hanggang sa pag-uwi na iyon.”, tugon ni Ram.

“Bakit naman kailangang ganun pa?”, tanong ko.

“Para maramdaman mo kung sino ba sa amin ang mas mahalaga sa iyo.”, si Ken. Ito pala yung paraan nila para masagot yung gusto nilang malaman na narinig ko kaninang umaga. Oh well, sundin ang hilig.

Tumango na lang ako para sabihing naiintindihan ko at ok lang sa akin. Matapos ang usapan e nagdesisyon muna kaming magpahinga dahil pakiramdam ko e nakakapagod ang mga susunod na tagpo.

NIGHT with RAM

“Saan mo gustong magdinner?”, tanong sa akin ni Ram habang naglalakad kami sa kahabaan ng Session Road.

Kanina pa ako nakakakita ng makakainan pero sa tuwing susulyap ako kay Ram e parang busog na ako. Ewan ko ba dito sa akin pero hindi ko talaga matiis ang hindi siya tingnan. Patuloy pa rin ang mata ko sa pagnanakaw ng tingin sa kanya nang bigla siyang huminto sa paglalakad at humarap sa akin.

“Dito na lang tayo sa Retro Diner kumain para matingnan mo naman ako nang malapitan at di ka lang susulyap sulyap.”, biglang umakyat ang dugo sa mukha ko dahil sa sinabi niya. Tiningnan ko lang siya ng masama at ngumiti naman siya.

Nang pumasok kami sa kainan ay damang-dama ang old American style nito na alam kong hilig nitong si Ram. Everyone believes that Ram is an old soul dahil siya yung tipo ng tao na mas hilig pang pakinggan ang Beatles kesa ang mga bagong banda ngayon.

“Matagal na kitang gustong dalhin dito kaya lang wala namang chance makapunta ng Baguio noon na tayong dalawa lang e.”, nakangiti niyang sabi sa akin.

“Bakit wala namang chance e antagal na nating magkaibigan?”, sambit ko habang tumitingin sa menu ng oorderin.

“Yun nga mismo, matagal na tayong magkaibigan at akala ko e wala namang pag-asang magustuhan mo ako saka nag-aalangan akong yayain ka na tayong dalawa lang ang mag-out of town.”, sabay kamot ng ulo.

Pinisil ko ang ilong niya, isang bagay na madalas niyang ginagawa sa akin noon.

“Sana nagsabi ka kasi matagal ko nang gustong mangyari iyon.”, nakangiti kong sabi. Nakakatawa na lang ngayon na gusto niya pala akong kasama noon at ako rin naman kasi ay ganoon sa kanya noon.

MULI (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon