CHAPTER 30
“Ano ba kasing gagawin ko dapat?”, nag-iisip ako sa puntong ito habang kausap si Jiggs na parang wala rin sa sarili. “Huy! Nakikinig ka ba sa akin?”, pagtawag ko sa atensyon niyang pakiramdam ko ay nasa ibang lugar.
“Alam mo, pinapakumplika mo lang kasi yung mga bagay e, alam mo naman kung sino yung pipiliin mo pero takot ka lang na baka hindi naman kasi ikaw yung piliin niya sa huli. Ito lang iyon, kung anuman ang maging desisyon na gawin mo ngayon e may posibilidad na mawala yung taong mahal mo pero hindi naman kasi ito tungkol sa forever e, tungkol ito sa pagkakataon na makasama iyong taong mahal mo kahit saglit lang, kahit sandal lang, kahit ngayon lang, kahit wala na iyong forever.”, seryosong tugon sa akin ni Jiggs. Ramdam na ramdam ko yung mga sinabi niya at sa mga kaibigan na meron ako, si Jiggs yung tipo ng taong hindi mo aakalaing magsasalita ng ganun saka ano bang alam nito sa pag-ibig?
“Saan mo naman napulot yun?”, pambara ko sa sinabi niya.
“Wala ka nang paki kung saan basta magagamit mo iyong words of wisdom na iyon. O siya, umalis ka na at baka uminit pa ulo ko sa iyo.”, tapos ay tumalikod si kumag. Mukhang bad mood yata pero kung saan e ewan ko saka hayaan na nga lang siguro muna tutal e may mga bagay akong kailangang gawin pa.
Inayos ko ang sarili ko at napagdesisyunan kong pumunta na ng airport. Buo na ang desisyon ko, kailangang maabutan ko sa airport si Ken dahil importanteng marinig niya ang sasabihin ko.
Pumara ako ng taxi para papunta sa NAIA Terminal 2 at mabilis naman akong nakasakay.
“Kuya, pakibilisan po yung andar natin, ok lang po ba?”, sambit ko sa manong taxi driver. Kinakabahan ako na baka hindi ko na maabutan si Ken at hindi pa ako makapagpaaalam sa kanya.
“Mukhang may hinahabol ka iho a.”, nakangiting sabi sa akin ni manong driver na parang namumukhaan ko, ito yata yung nasakyan ko nung time na pinipilit kong humabol kay Cay noon.
“Lagi ka na lang yatang naghahabol sa pag-ibig, nung huli kitang naisakay e may gusto kang pag-ibig na bumalik samantalang ngayon e gusto mo namang pigilan sa paglayo, pareho bang tao ito?”, tanong niya sa akin.
Umiling ako sabay ng pagsabi ng hindi.
“E chickboy ka pala e, baka kaya ka iniiwan kasi hindi ka tapat.”
Ngumiti lang ako kay manong dahil sa sinabi niya at tumugon ako na hindi naman ako chickboy o kung ano pa man.
Pero hindi nga kaya ako tapat sa mga taong minahal ko? At tapat ba ako sa sarili ko? Hindi kaya sa simula pa lang ng kwentong ito e puno na ako ng pantasyang mabubuo ko ang sarili kong love story kahit na wala naman talaga akong effort para mabuo ito.
Ano ba ang ginawa ko para sa amin ni Cay? Wala naman talaga kung hindi ang kausapin siya araw-araw at magpacute pero inintindi ko ba siya nung kami pa? Parang hindi.
E kay Ken? Oo nga’t niloko niya ako pero hindi ba’t ako ang naunang maging hindi sigurado sa amin? Kaya siguro napatawad ko siya nung makipagrelasyon siya kay Aldrin habang kami pa ay dahil alam kong sa puso ko e hindi rin naman ako tapat sa kanya.
At si Ram, si Ram na matagal ko nang tinatangi, si Ram na hayskul pa lang e malapit na sa puso ko, si Ram na kung hindi pa nagkaroon ng iba e hindi ko pa sasabihan na mahal ko. Ganun ba ako ka-naïve pagdating sa pagibig? Siguro nga e masyado akong focused sa paghahanap ng true love na nakalimutan ko na hindi pala dumarating ang true love: you choose it, you make it happen, you fight for it. Hindi ko na nga lang alam kung paano ngayon ang dapat gawin pero I made a choice and I have to stand by it.
Nakarating ako sa NAIA Terminal 2 at nagmadali akong bumaba sa taxi pero bago pa man ako tuluyang makalayo e may bilin si manong driver na parang nagpalinaw sa akin ng mga bagay bagay.

BINABASA MO ANG
MULI (boyxboy)
Genç KurguPaano ba nalalaman kung sino ang para sa atin? Kapag nasaktan niya tayo o pag kaya niyang masaktan para sa atin? Ito ay isang kwento ng pagmamahal, pagpapakasakit at muling pagtibok ng puso. -JABEE-