CHAPTER 22

4.7K 141 9
                                        

CHAPTER 22

“Ayoko na! Hindi na ako lalabas kasama ka kasi isa kang malaking disaster!”, naiinis kong sabi kay Ram dahil niyayaya na naman niya ako.

“Sorry na! Hindi ko naman sinasadya yung nangyari last week e. Malay ko ba naman kasing ganun pala ang mangyayari?”, pangangatwiran nito sa akin tungkol sa engkwentro namin kay Aldrin at Ken last week. Oo nga pala at isang linggo na ang nakakalipas matapos ang pangyayaring iyon sa bar at mula noon e dito na lang ako sa kwarto ko nagmumukmok.

“Please naman. Last na ito bago ako bumalik ng probinsya.”, ikinagulat ko ang mga salitang binitawan niya.

“Probinsya? Anong probinsya?”, tanong ko sa kanya.

“Hindi na kasi ako pinayagang magtransfer back sa Manila kaya eto, kailangan kong bumalik sa probinsya para tapusin yung last sem ko.”, pagpapaliwanag niya. Ang tinapang ito e iiwan din pala ako.

“Kelan ka aalis? Saka bakit ngayon mo lang sinabi sa akin.”, naiinis kong sabi sa kanya.

“Nagtanong ka ba?”

“So kailangan tanungin? Ampupu ka e no?”, at bumalik ako sa kama at nagtalakbong ng kumot.

“Sa Pampanga lang naman ako nag-aaral, hindi naman ganoon kalayo mula rito kaya pwede pa rin tayong magkita.”

“Kahit na!!!”, pagmamaktol ko. Ang lakas makaimmature nitong arte ko kahit na magbebente anyos na ako.

“Tara na sa mamayang gabi a.”, nakangiti siya sa akin habang hinihimas yung buhok ko. Sa mga ganitong pagkakataon e parang ang sarap lang niyang kasama. Yung tipong pakiramdam ko e aalagaan niya ako.

“Paano na ako kapag umalis ka? Single pa naman ako.”

“Wag mong sabihing gusto mo na akong syotain?”

“Siraulo!”

“Asus! Parang wala naman siyang pagnanasa sa akin dati.”

“Asus your face! Saka dati yun, nangyari na, past tense. Natuldukan na ang sentence.”, nangingiti kong sabi sa kanya.

“Ok. Sige. Sabi mo e. Ano pa nga bang magagawa ko?”

“Wala!”

“Exactly! Precisely. Pero dinner tayo mamaya a.”, at pinisil niya ang ilong ko bago umalis ng bahay. Nakakamiss talaga itong isang ito kahit kailan.

.

.

.

“Ang traffic naman.”, reklamo ko habang nasa sasakyan kami papuntang resto sa may Maginhawa.

“Wala ka naman masyadong ipinaglalaban e no? Ikaw kaya ang magdrive para malaman mo kung gaano nakakapagod ang magdrive ng traffic?”, si Ram na ugali na yata ang maging mainitin ang ulo pag nagdadrive.

“Ikaw kaya itong nagyaya sa akin. Kung ako lang din naman e malamang nasa loob lang ako ng bahay at nanonood ng TV”, pang-aasar ko sa kanya.

“Ang kulit mo talaga!”, humarap siya sa akin at akmang kukurutin yung ilong ko habang ako e nailapit ko yung mukha ko sa kanya kasi magmemake face sana ako sa kanya. Ngayon e magkatitigan kami at parang nagpapalitan lang ng hanging hinihinga at ibinubuga.

Nakatitig ako sa mata niya at parang sinasabing mahalin ko siyang muli kahit na ang totoo ay hindi naman siya nilimot ng puso ko, kahit na andito pa rin naman talaga siya pero may kasama nga lang na takot. Parang humihiling ang mga labi niya ng isa pang pagkakataon pero hindi ako sigurado kung ito ba ang tamang panahon.

MULI (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon