Chapter 3

10K 222 3
                                        

Habang nasa bahay ay hindi kami matigil ni Ken sa pagtawa dahil sa mga epic fail moments namin habang naglalaro ng Resident Evil 6, well, sa totoo lang e ako lang naman talaga yung maepic moment na kung hindi sisigaw e biglang mapapaurong o mapapaangat sa upuan dahil sa gulat, oo, gulat lang, oa naman yung takot. Sige na nga, konting takot lang. J

“We’ll do this again next time.”, sambit ni Ken sa akin habang kumakain ng hapunan.

“Alin? Yung game o yung pagkain mo sa amin ng merienda at hapunan? Mukha kasing pag palagi nating ginawa ito e bibilog ka na talaga.”, natatawa kong sabi.

“Ungas! Anong bilog ka dyan? Lagi rin naman tayong magbabasket kaya fit pa rin ito.”, si Ken na sabay pang tumataas ang kilay.

Matagal na kaming magkabarkada nitong si Ken pero ngayon lang yata kami nagkaroon ng ganitong bonding moment. Masaya rin palang kasama si kolokoy, mukha lang talaga siyang bully kasi malaki yung built ng katawan niya, maputi, matangkad, singkitin at kahit gwapo siya e parang andun yung mukhang authoritative na badboy. Siya yung tipong pag kasama mo e alam mong walang mangtitrip sa inyo.

“O napatigil ka yata sa pagngiti?”, sambit ni Ken habang nakatitig sa mukha ko.

“Ngalay lang yung panga sa kakatawa at kakakain.”, tugon ko sa kanya. Alangan namang sabihin ko sa kanyang bigla kong naalala yung nakita kong eksena ni Ram at Aldrin.

“Ok lang bang itanong ko kung anong nangyari sa inyo ni Cay?”

“Ayos ka rin e no? Itinanong mo na rin e.”

“O e ano ngang nangyari?”

“Nakipagbreak siya, hindi na raw magwowork yung relationship.”, may pait kong sabi. Lintik kasi itong si Ken e, naramdaman ko na naman tuloy yung galit, lungkot, inis at panghihinayang rolled into one.

“Pait a. Bakit di ka nagpumilit? Bakit di mo ligawan ulit?”, tanong niya sa akin habang sumusubo ng kanin.

“Ayokong magmukhang kawawa saka ako ito pre, sayang naman ang image kong habulin ng chicks kung magmamakaawa lang din naman pala ako, diba?”, sa totoo lang e mas yung unang dahilan kesa pangalawa, pautot ko lang yung huli kong dahilan na tila natunugan niya kaya napabulalas siya ng tawa. Lintik talaga ito, tatawa na lang papaulanan pa ako ng kanin.

“That’s my boy! Bukas pare sa school since schoolmate naman tayo e magsisimula tayong maghanap ng chikas! Ano sa tingin mo?”, ngising demonyo si kumag.

“Kumag ka. Tapusin na nga natin itong pagkain para makauwi ka na at maaga pa tayo bukas.”, sambit ko sa kanya na may tono ng pagpapalayas.

“Bro, ok lang ba kung dito na lang ako matulog?”, si Ken na parang biglang umamo yung mukha pero mukhang bully pa rin.

“Wow. Hindi ka nakuntento sa dalawang meals lang a. Gusto pa ng breakfast?”, pang-aalaska ko sa kanya.

“Sige na nga uwi na lang ako.”, sabay kamot niya sa ulo.

“Bakit ba kasi naisip mong dito na lang matulog bigla?”

“Alas-nuebe na kasi, baka alas-diyes na ako makarating sa boarding house kaya pihadong aabutan ako ng curfew at wala akong matutulugan.”, pagpapaawa ni Ken sa akin.

“E paano yung gamit mo paschool?”

“Pwede bang maglaba ng brief dito? Isaside-B ko na lang sana kaya lang nagbasketball tayo kaya parang kadiri ng konti.”

“Seryoso ka dyan?”

“Oo!”

“Lintik! Pahiramin na lang kita ng damit.”, nakangiti kong sabi. “May briefs akong hindi pa nabubuksan kaya sa’yo na lang yon.”

MULI (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon