CHAPTER 29

5K 130 14
                                        

CHAPTER 29

Nang makauwi sa bahay ay nadatnan namin si Ken na nanonood ng movie sa telepono niya, nagulat pa nga nung buksan namin ang pinto.

“Bakit ang aga ninyong umuwi?”, bungad niya sa aming dalawa ni Ram.

“Namiss ka raw niya e.”, nangingiting sabi ni Ram kay Ken.


“Namiss mo talaga ako?”, si Ken na parang naghihintay ng lambing mula sa akin. Ano ba naman itong taong ito, ang laki ng katawan pero chicks kung umasta.

“Asa ka boy! Hindi ka niya mamimiss dahil ako ang kasama niya.”, pang-aasar ni Ram kay Ken. Yung isa chicks, ito bata. Wala bang mas matino sa mga ito?

Kinuha ko na lang ang tuwalya at pampalit na damit para maligo na lang ako. Hindi ko kinakaya ang kasiraan ng ulo ng dalawang kasama ko e.

“Miss you too Aries.”, biglang pahabol na sabi ni Ken sa akin. Bago pa man ako makareact ay biglang hinawakan ako ni Ram at binato ng unan si Ken.

“Akin pang oras ito. Bukas ka pang umaga, wag kang magpacute d’yan.”, masungit na sabi nito sabay kuha ng twalya.

“Wait, anong gagawin mo?”, nanlalaki ang mata kong tanong sa kanya.

“Maliligo.”, walang kaabog-abog niyang sabi.

“Maliligo ka? E maliligo din ako!”, parang nagpanic kong sabi.

“Oo nga! Maliligo si Aries kaya hindi ka pwedeng maligo din.”, sambit ni Ken na ngayon e nakatayo na.

“E bakit, maliligo lang naman e.”, at tinanggal niya ang kanyang damit pang-itaas. Alam ko malamig sa Baguio pero bakit parang… tama, kailangan ko ng maligo.

“Wag kang umepal sa banyo dahil gagamit ako!”, natataranta kong sabi.

“Nakita ko naman na yan dati a.”, tinutukoy niya ay ang mga pagkakataon na sabay kaming maligo nung hayskul pero that was years ago, wala pang malisya at hindi pa naman kasi… ay ewan!

“Iba yung dati at iba yung ngayon.”, pagpoprotesta ko. Hindi niya ako pwedeng sabayan maligo dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili ko na biglang tumayo ang di dapat tumayo. Ito namang si Ken e nagheadphones na lang, hindi ba siya affected? Akala ko ba gusto niya ako e bakit parang binibigay niya na lang ako kay kumag?                          

Tinitigan ko lang siya ng masama na parang nagsasabi na tulungan niya ako pero kahit nabasa niya ang nasa utak ko e wala pa rin.

“My hands are tied tonight and so as his tomorrow.”, sambit ni Ken sabay taas ng kamay.

Mukhang wala na akong choice kung hindi sumakay sa trip nitong mga ito, sana lang talaga e mapangatawanan ko.

MULI (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon