CHAPTER 12

6.1K 177 16
                                        

A/N

This is a thank you episode for those who have continuously supported House For Sale. This is a bit of cross-over para sa mga nagtatanong kung ano nga ba ang nangyari sa Chance Love team. Hehehe.

Please keep on voting and this is one romantic chapter for you! 

I have inserted a YouTube Video, play that while reading the last part of this chapter. :)

--Jabee--

CHAPTER 12

“Can we have a pitcher of Frozen Margarita?”, nakangiting order ni Ken, nakakatuwa talaga siya dahil kahit alam kong may tampo siya sa akin ay nagagawa niya pa rin ang ngumiti ng totoo. Nakatanga lang ang waitress ng resort bar sa kanya.

“Sir, per glass po ang frozen margarita sa amin.”, tila nag-aalangang tugon ng waitress.

“Sige naman na Miss… para hindi ka na mapagod sa kakabigay sa amin ng glass. Mamaya nga isang pitcher ng tequila sunrise ang oorderin ko e.”, tila pagpapacute na nitong si Ken. Hindi naman bagay sa kanya ang nagpapacute sa iba dapat sa akin lang kasi… Ano nga ulit yung sinabi ko? Labo ko talaga kahit kailan.

Napatango na lang yung waitress sa request ni Ken, mukhang type na yata nung serbidora na itong si Ken dahil nung bumalik kasama ng order ay ubod tamis na ang ngiti nito, napasimangot na lang ako sa paglalandian nila sa harap ko.

“Mag-CR lang ako.”, pagpapaalam ko.

“Asus… nagseselos ka lang e.”, biglang pang-aasar ni Aldrin. Hindi ako ngumiti at napasimangot na lang ako para iparamdam sa kanya na hindi ako natutuwa sa sinabi niya.

“Hoy Aldrin! Itong si Ram nga ang pagtuunan mo ng pansin para naman gumalaw-galaw ng konti. Kanina pa iyan tahimik a.”, si Ken.

Tumuloy na ako sa pagsiCR at napansin kong may dalawang lalakeng magkasama ang nakaupo sa may di kalayuan, tila nasa 40’s na ang mga ito at ang kakaiba ay wala silang kasamang mga asawa, naisip ko tuloy kung hindi kaya… hindi naman siguro.

Bumalik ako sa tumpukan namin matapos magCR at nakita kong nakikikulit na rin si Ram, hindi kaya may sayad lang ito.

“Hindi ka lang siguro napagbigyan kagabi no?”, mapang-asar na hirit ni Ken kay Ram na naulinigan ko.

“Sira ulo. Ito kasing si Aldrin e nakipaghiwalay na sa akin. Alangan namang magpapiyesta ako di ba?”, nangingiting sabi ni Ram pero ramdam ko ang hindi niya pagkakomportable nang bumalik na ako.

“Alam mo naman kung ano ang dahilan di ba?”, tila may panunumbat ang sabi ni Aldrin.

“Nandito kami sa paligid. Sakali lamang po na nais ninyo ng pribado ninyong sandali ay maaari naman po kaming umalis at malay mo may pribado rin kaming oras together..”, natatawang sabi ni Ken sabay kindat sa akin. Nag-otomatiko ang aking mata sa di pagpansin sa kanya pero alam kong naipon ang dugo sa aking mukha dahil nahiya ako sa sinabi niya.

“Alam mo naisip ko, mukhang ok naman kayong dalawa e. Bakit hindi ninyo kaya subukan na maging kayo?”, nangingiting sabi ni Aldrin.

MULI (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon