“sun is up, i've got so many things to do...
but it's alright (it's ok) i have to taste it
it's gonna be a good daywake up it's a beautiful morning...
get up cheer the sunshine near ya...
wake up it's just beautiful...
one good day coming up!”
Malakas ang patugtog ko ngayon sa kwarto at iniisa-isa ko ‘yung mga bagay na ibinigay sa akin ni Cay, hindi naman sa itatapon ko na ang lahat pero ‘yung ibang alaala lang ang value ay kailangan ng itapon, ‘yung iba naman e ilalagay ko sa box. Basta dapat ay wala nang matirang bagay na magpapaalala sa kanya. Move on na, kailangan kong patunayan kay Ram na moving on na ako.Ano daw?
Yaan na nga lang.
Habang nagliligpit ng mga gamit sa kwarto ay kinuha ko ang isang box na hindi ko na alam kung ano nga bang laman, nang buksan ko ito ay mga larawan ay nakita ko ang mga larawan ko at ni Ram, napangiti ako kasi ito pala yung time capsule namin.
**FLASHBACK**
“Ang jologs mo ugok!”, sambit sa akin ni Ram ng sabihan ko siya na gumawa kami ng time capsule. E bakit ba? Uso kaya ito ngayong graduation ng hayskul? Saka nakita ko ito sa mga TV na kung gusto mo raw ipreserve yung mga alaala e ilagay mo daw sa time capsule tapos ibaon sa lupa saka huhukayin ulit pagkalipas ng ilang taon.
“Korni mo kamo! E ang ilalagay lang naman natin dito e yung mga mahahalaga sa ating dalawa e.”
“Sige, higa ka at ipasok mo yung katawan mo sa karton na iyan.”, nakangisi niyang sabi.
“Ang gago mo talaga.”
“E akala ko ba e ilagay natin d’yan yung mahalaga sa atin?”, amputek na ngiti na ‘yan, ako naman ito na hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa sinabi niya, dapat bang matuwa ako o mahiya ako kasi sabi niya na mahalaga ako sa kanya.
“Aries, ‘wag masyadong feeling. Hindi ko sinabing mahalaga ka sa akin.”, ngiting aso na naman si kumag.
“Asows. Wag ka ng mahiya sa akin. Matagal ka na namang may HD sa akin e.”
“HD? Anong HD?”, tanong niya habang nakakunot ang noo.
“HD. Hidden Desire.”, pang-aasar ko sa kanya.
“Ako ba talaga?”, ito yung unang pagkakataon na inilapit niya yung mukha niya sa mukha ko, ito yung unang beses na nakita ko nang malapitan yung mata niya na kulay brown, mga mapupula niyang labi at tila napalunok ako sa ginagawa niya. Putek, hindi naman siguro… Mali… erase… erase…
Tumalikod siya sa akin at nakita kong nanginginig yung likuran niya, pinagtatawanan ako ng kumag. Hindi ko na lang pinansin at kinuha yung box na dapat e paglalagyan ko ng mga gamit pero nang akmang lalayo na ako e hinawakan niya ako para pigilan.
“Ang pikon mo talagang kupal ka”, nakasimangot siya.
“E kasi naman kanina ka pa e.”
“ito na o. Lagay mo dyan sa karton mo.”, nakita kong nilagay niya yung litrato naming dalawa, yun yung nagfieldtrip kami sa Laguna, sunod niyang nilagay ay yung braided bracelet na binili ko kasi sabi nung tindera e friendship bracelet daw ‘yun.
“Akala ko ba jologs?”, pagmumuryot ko.
“Para kang bata dyan. Saka jologs nga kaya ikaw na ang magtabi. Ayos?”
Tumango lang ako bilang tugon sa kanya.
*End of Flashback*

BINABASA MO ANG
MULI (boyxboy)
Novela JuvenilPaano ba nalalaman kung sino ang para sa atin? Kapag nasaktan niya tayo o pag kaya niyang masaktan para sa atin? Ito ay isang kwento ng pagmamahal, pagpapakasakit at muling pagtibok ng puso. -JABEE-