Chapter 1

22.3K 335 12
                                        

Chapter 1

“It’s not working… Sorry.”

Pakingshet talaga o! Ang sakit pa rin at hindi ko pa rin magawang pigilan ang luha ko pag naiisip ko ang pangyayaring iyon. Hindi ko mawari kung bakit niya ako iniwan pero mas hindi ko maintindihan kung bakit parang ang dali lang sa kanyang makalimot.

Sabog, puyat, lutang at gutom, ilan lang lang iyan sa mga nararamdaman ko ngayon at kahit pa sabihing andyan ang barkada ay hindi pa rin ako makamove on. Daig ko pa nga yata ang mga sasakyan sa EDSA, C5 at Commonwealth, combined sa kakayahan kong makamove on, ayaw talagang umusad ng puso kong pagong kung makalimot.

“Accept the fact that Cay is over you and that you should be over her as well.”, sambit sa akin ni Ram, kaibigan ko mula pa nuong hayskul at kahit pa nga third-year college na kami e sanggang-dikit pa rin kami.

“Pare naman, akala mo ba ganun lang kadali iyon? Palibhasa di ka pa nainlab ng todo.”,sambit ko naman na pinatutungkulan ang walang kwenta niyang lovelife.

“Akala mo lang iyon.”

“Wag mong sabihing nainlab ka na?”, ako.

“Oo naman.”, tugon niya.

“Sino naman iyon?”

“Hindi naman kasi ito tungkol sa akin; tungkol sa iyo ito kaya ‘wag mo na akong tanungin ng mga kaewanan mo sa buhay.”

“Makaiwas ka rin sa topic  e ‘no?”

“Ganun talaga. Nga pala, may ipapakilala ako sa’yong chicks para naman makalimutan mo na iyong Cay mo.”, ito na naman po ang kaibigan kong mahilig mangreto, pang-ilan na nga ba itong sabi niya, pang-apat o panglima?

“Hindi ko siya kakalimutan kasi magkakabalikan pa kami.”, pagpupumilit ko.

“Bahala ka sa buhay mo pero ‘wag kang kakatok sa pinto ng bahay namin at magyayaya ng inuman dahil kinawawa ka na naman niyang ex mo.”

“Opo. Pero ito ang sinasabi ko sa iyo, pagkatapos ng araw na ito, kami na ulit ni Cay at pag nangyari iyon, magseselfie kami at nakatag ka pa.”, nakangisi kong sagot kahit na alam kong malabo pa sa tubig ng Ilog Pasig ang sinasabi ko pero pride ko na ito e.

Ngumiti na lang siya at tumayo para magpaalam.

“Basket lang ako. Nagtext kasi sila Aldrin at nagyayaya sa may court, I assume di ka sasama kasi may “date” kayo ni Cay”, patutsada niya na naman.

“O siya! Umalis ka na at iwan mo na ako para naman makapaligo na ako at makapagpapogi para naman gwapo ako sa selfie namin ng ex ko na magiging girlfriend ko ULIT.”, pagmamalaki ko sa kanya.

Nang makaalis na ang kaibigan ko ay tumungo na ako sa banyo para maligo; hindi tipikal sa akin ang gumamit ng panghilod pag naliligo, tila 2 times a week lang ako kung magkuskos nang todo pero yung ngayon, hilod kung hilod, kuskos kung kuskos na kahit pa nga mahapdi na sa balat e ayos lang dahil gusto ko na presentable ako at gwapo kapag nakita ako ulit ni Cay. Ayokong isipin niya na pabaya ako sa sarili ko at ayaw ko ring bigyan siya ng dagdag na dahilan para ayawan ako. Masyado ko nga sigurong mahal si Cay kaya ganito na lang ako mag-effort para magpapogi para sa kanya.

Matapos kong maligo ay nagpahid ako ng underarm deo at nagspray ng pabango sa katawan ko saka ko isinuot ang longsleeves na polo na bigay niya sa akin, naglagay rin ako ng wax sa buhok at inistyle ng konti. Sa itsura kong ito e walang binatbat ang Chicser at One Direction. Napangiti na lang ako sa mga nasasaisip ko sa mga sandaling iyon.

“Sana mapansin niya naman na nag-effort ako.”, tila bulong ng isip ko.

Lumabas ako ng bahay at pumara ng taxi para hindi naman pagpawisan at mainitan, sayang ang porma kung masisira lang ng init ng araw.

MULI (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon