CHAPTER 18
Lumipas ang tatlong buwan at patapos na ang semester, ibig sabihin, one last sem at graduate na ako, graduate na kami ni Ken at haharapin na namin ang tunay na mundo.
Tatlong buwan at tatlong monthsary celebrations na rin ang dumadaan pero parang bago pa rin kami sa relasyon. Wala masyadong away at kung may tampuhan man ay nasosolusyunan namin kaagad. Wala na akong mahihiling pa sa set-up namin maliban na lang sa matanggap kami ng mga pamilya namin.
“Malapit na matapos ang sem a. Saan tayo ngayon?”, si Jiggs habang kumakain kami matapos ang basketball.
“Ayos ka e no? Kung makapagtanong ka e akala mo naman sasama!”, pambara ko sa kanya.
“Sasama kami this time kaya sana yung medyo malapit lang. Ang mahal naman kasi ng Guimaras trip e kaya hindi rin ako nakasama.”, si Ethan na patuloy ang nguya ng tinapay na binili namin sa malapit na bakery.
“Baguio na lang tayo?”, suggestion ko.
“Ayos lang sa akin at hindi naman na kokontra iyang si Jiggs kasi marami ng utang na di pagsama yan sa atin.”, si Ethan ulit.
“Mukhang yung loverboy mo ang hindi sigurado kung sasama a. Kanina pa tahimik yan.”, si Jiggs na parang may pang-aasar ang tono.
“Oo nga Ken, bakit hindi ka kumikibo d’yan?”, tanong ko sa katabi ko.
“Ha? Ano iyon?”, parang nagulat pa nang tapikin ko. Itong taong ito e wala na naman sa sarili, baka isusurprise na naman ako.
“Ok ka lang ba?”, tanong ko sa kanya.
“Ayos lang. Medyo napagod lang sa game kanina. Anyway, ano ulit iyong sabi ninyo?”
“Baguio, you ok with it?”, tanong ko sa kanya.
“Chill na lang tayo sa bahay namin sa Batangas.”, biglang sulpot ni Aldrin. Nagulat ako na dumating siya dahil sa nakaraang tatlong buwan e parang hindi siya sumasama sa mga lakad namin.
“Buti naman at nagpakita ka ng mokong ka!”, si Jiggs na parang tuwang-tuwa na makita si Aldrin. Ganyan naman talaga yang isang yan e.
“Tagal mong hindi nagparamdam a.”, si Ethan.
“Medyo nabusy lang. Love life.”, sambit ni Aldrin at tumingin ito sa akin.
“So nakalimutan mo na pala talaga si Ram?”, naiinis pa rin ako sa naiisip kong ang bilis lang kung palitan niya ang kaibigan ko nang ganun ganun lang.
“Dapat. Pero let’s set things straight. Hindi naman ako ang dahilan kung bakit nagpunta sa malayong lugar di ba? So I think mas nauna niya akong kinalimutan.”, matalim ang mga salitang binitawan niya.
“Oy! Chill lang. Ang aga aga para uminit ang mga ulo natin.”, sambit ni Jiggs.
Hindi na kami nagpansinan ni Aldrin matapos ang tagpong iyon kahit pa nga ang dalas niyang kakwentuhan si Ken na parang naeenjoy ang company niya. Kung sabagay e sila naman ang close noon dahil si Ram ang best bud ko. Nasaan na nga kaya yung isang ‘yon?
************************************************************************************************************
“Pagpasensyahan mo na si Aldrin a. Medyo sinusumpong lang kanina.”, si Ken na nakaakbay sa akin habang naglalakad kami pauwi ng bahay. Dun niya kasi iniwan ang kotse niya.
“Hindi ko na lang talaga pinapansin pero nakakapikon na rin kasi siya e. Ang dami niyang hang-ups lalo na sa akin na para bang ang laki ng kasalanan ko sa kanya.”, naiinis kong sabi. “Nga pala, may ibibigay ako sa’yo.”, nakangiti kong sabi.

BINABASA MO ANG
MULI (boyxboy)
Novela JuvenilPaano ba nalalaman kung sino ang para sa atin? Kapag nasaktan niya tayo o pag kaya niyang masaktan para sa atin? Ito ay isang kwento ng pagmamahal, pagpapakasakit at muling pagtibok ng puso. -JABEE-