CHAPTER 24
“Magpagaling ka a. Yung mga gamot mo pati vitamins e lagi mong itake.”, pagbilin ko kay Ken ngayong magdidischarge na siya matapos ang apat na araw na pagkakaconfine sa hospital.
“Magkikita pa ba tayo?”, matamlay ang tanong niya. Naaawa ako sa kanya kapag ganyan ang itsura niya na parang at any moment e maghahabol na para bang batang iniwan ng nanay.
Ginulo ko ang buhok niya at nagbigay ng matamis na ngiti sa kanya, “magkikita pa rin tayo dahil ako ang nurse mo.”
Ngumiti na siya nang sabihin ko iyon, ito ang gusto ko sa kanya, lagi akong siguradong mahal niya ako kahit pa nga niloko niya ako noon. Weird pero yun kasi talaga ang nararamdaman ko para kay Ken.
Nauna na akong umalis nang makita kong dumating si Aldrin para ipagdrive si Ken pauwi, gusto ko sanang ako na lang ang maghatid sa kanya kaya lang wala naman akong kotse at hindi ako marunong magdrive. Nagtagpo ang tingin namin ni Aldrin at nagbato siya ng tingin na parang nagsasabing wag akong mag-alala at hindi na siya hahadlang sa akin at kay Ken. Tinugon ko lang ng ngiti ang kanyang tingin at naglakad na ako palayo.
Nagpunta ako sa may kanto para sana sumakay ng jeep o FX papuntang Cubao pero may isang kotseng pumarada sa harap ko… sasakyan ni Ram.
“Sabay ka na sa akin.”, seryoso ang imbitasyon ni Ram, hindi pwedeng tumutol.
“Kelan ka nakabalik galing ng Pampanga?”, tanong ko sa kanya nang makasakay na ako sa kotse.
“Kung may pakialam ka sa akin e malamang alam mo na ngayon na hindi pa talaga ako bumabalik ng Pampanga.”, may tono ng pagkainis ang boses niya. Hindi ko alam kung ano ba ang pinaglalaban nito ngayon e kaya shut up na lang ako at hinayaan siya sa pagdadrive. Napansin niya siguro na tahimik ako kaya nagpatugtog na lang si kumag.
So honey now, take me into your loving arms…
“Fuck it!”, bigla siyang nagpull-over at halos humagis yung ulo ko sa pagkabigla ng pag-apak niya sa brake. “I hate that fucking song!”
Nakita ko sa mukha niya ang mukha na nakita ko sa kanya nung gabing nasa Guimaras kami, yung gabi bago siya biglang nawala. Yung mukha na punong-puno ng sakit at galit, yung mukhang humalik sa akin na para bang ayaw akong pakawalan, ito yung taong nakikita ko ngayon.
“Napatawad mo na siya?”, tanong sa akin ni Ram na parang hindi ko alam kung paano sasagutin. Alam kong magagalit siya sa akin kung sasabihin kong oo pero magagalit siya lalo pag sinabi kong hindi kasi nagsinungaling ako. Ano ba ang sasabihin ko dapat?
“Bakit sa kanya ang bilis bumalik ng feelings mo? Bakit sa akin parang ang hirap halukayin? Ako naman ang unang minahal mo di ba?”, tila may panunumbat ang mga sinabi niya at naguilty ako. Paano ko ba sasabihin na walang damdaming para sa kanya ang babalik dahil wala namang nawala?
“Ram…”
“Bukas e babalik na ako ng Pampanga… hindi na kita iistorbohin.”, sambit niya at inignite muli ang kotse.
“Itigil mo nga muna yan at mag-usap tayong dalawa.”, humarap ako sa kanya at hinawakan ang manibela. Kinabig niya yung kamay ko at tumingin sa akin…
“We’re going nowhere. Aalis na lang ako para maging masaya kayo.”, mukhang desidido na siya at kahit gusto kong pigilan siya e sinasabi ng isip ko na wag na lang dahil kahit ngayon lang, gusto ko sanang maramdamang handa siyang ipaglaban ako, yung tipong kaya niyang ipagsigawan sa buong mundo na ako yung mahal niya, yun lang naman ang kailangan ko.
Napakahaba ng naging biyahe dahil sa sobrang katahimikan, katahimikang kahit na walang tunog ay nakabibingi. Pagkababa ko ng sasakyan niya ay agad na rin siyang umandar, walang ni ha ni ho… shit na malagkit. Nasasaktan ako kasi alam kong kung gusto ko siyang pigilan e magagawa ko just that, I opt not to. Leche kasing ask for more pa e pero bakit ganun? Kung kelan ako nagdesisyon na mawala na yung chance na makabalikan si Ken e saka siya umalis nang tuluyan? Kupal amputek!
![](https://img.wattpad.com/cover/24460503-288-k888896.jpg)
BINABASA MO ANG
MULI (boyxboy)
Fiksi RemajaPaano ba nalalaman kung sino ang para sa atin? Kapag nasaktan niya tayo o pag kaya niyang masaktan para sa atin? Ito ay isang kwento ng pagmamahal, pagpapakasakit at muling pagtibok ng puso. -JABEE-