Chapter 8

7.1K 174 24
                                    

“Smile!”, sambit ni Aldrin habang kinukuhanan ang unang ‘groupie’ namin dito sa Iloilo gamit ang kanyang monopod.

“jump shot naman?”, si Ken na sinumpong na naman ng kakwelahan.

“Baka naman pwedeng pair shots! Yung parang yun ang magsasabi na lahat tayo e close na close di ba?”, sambit ni Aldrin na parang walang kung anumang masamang balak sa sinabi niya. Inosenteng inosente kung tingnan si loko e. Ewan ko ba sa taong ito, kakaiba talaga e kasi parang ngayon ko lang siya nakilala ng ganito, madalas kasi siyang seryoso dati.

“Ok lang sa akin. Ayos nga iyon e saka ako na bahalang magcollate ng mga pics natin after.”, nakangiti kong sabi.

Inilabas ni Ken ang dala niyang DSLR at iniabot sa akin para ako daw muna ang magtake ng lahat ng pictures.

Unang shot ay si Ken at Aldrin, si Aldrin ay parang takot na bata samantalang si Ken ay umaktong bully. Bagay na bagay kay Ken yung shot dahil mukha talaga siyang cute na bully.

Second shot ay si Aldrin at Ram, nagholding hands ang dalawa at nagngitian, ang tamis ng ngiti ni Ram at kitang kita ko ito dahil sa pagfocus ko ng camera. Natapos ang shot at nakahinga ako ng maluwag pero sabi ni Ram e isa pa raw, kanina naman hindi siya nagsasalita na gusto niyang magpicture pero ngayon e humihirit ng isa pa.

“Kaya pa?”, biglang bulong ni Ken sa akin na ngayon ay nasa aking likuran. Tumango na lang ako at ngumiti ng napakalaki, pang-asar lang.

“This time e yung closer at parang sobrang special, I’ll take the shot in the count of 3.”

1… hinablot ni Ram si Aldrin

2…ngumiti siya sa taong kaharap

3… hinalikan niya ito sa labi

CLICK.

I froze in that moment, true love nga siguro ni Ram si Aldrin at kahit ano ang gawin ko e hindi ko mapupuntahan ang espasyo na iyon. Umasa lang naman ako na baka pwedeng maging mas malapit kami dahil sa mga sinabi niya sa akin nung araw na iyon, dahil sa mga pinakita niya sa akin noon. I guess I was too quick to assume na baka pwede, baka meron kahit alam ko namang wala talaga.

“Kami na ni Ram”, at naramdaman ko na lang ang tapik sa balikat ko ni Ken na nagpabalik sa wisyo ko.

“Woah! Kayo na pala a. Hindi man lang kayo nagpasabi.”, makulit na komento ni Aldrin pero walang pumansin. Parang gago itong isang ito, akala mo walang nangyaring halikan sa kanilang dalawa ni Ram. Umiinit na naman ang dugo ko sa kanya pero parang hindi lang ako ang mainit ang dugo dito dahil nang kukuhanan ko na ang dalawa ng litrato e ang layo nila sa isa’t isa.

“Pwedeng maging mas close pa sa picture kasi e eto yung purpose ng picture taking na ito.”, nakangiti kong sabi na para bang pareho silang nagsasabi sa akin na gago ako. Hayaan mo nga silang dalawa, isip-isip ko.

Nagpalit sila ng pwesto at parang nagbabasketball, si Ram ang opensa habang depensa ang posisyon ni Ken. Pareho silang nakaharap at pawang seryoso ang itsura. I clicked the shutter and I must say that they make a good subject…

“Kung naglalaro tayo pre, malamang e butata ka dahil hindi ka makakaporma sa ganung depensa.”, mapang-asar pero may lamang sambit ni Ken.

“Hindi ka rin mananalo kung puro bakod ka lang.”, si Ram na unti-unting lumalapit sa akin at hinatak ang kamay ko pero agad siyang pinigilan ni Ken hanggang sa parang gago lang sila na hinahatak ako.

“Mga kumag! Pakikuhanan kami ni Aries.”, sambit ni Aldrin sabay alis sa akin ng camera at abot sa dalawang kumag. Napatingin na lang ako kay Aldrin at nagbigay ng nagtatanong na titig.

MULI (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon