CHAPTER 27
Ang awkward nito na kasama namin siyang naglalakad papuntang Good Shepherd mula sa Mines View, hindi ko nga mawari kung bakit siya nandito in the first place.
"Strawberry Taho?", nakangiti niyang alok sa akin na tinugon ko lang ng isang pang-asar na tingin.
"Grapes Taho ang mas gusto niya.", biglang singit ni Ken habang dala ang isang baso ng grapes taho.
"Mas matagal ko siyang naging kaibigan kaya alam ko na mas gugustuhin niya ang Strawberry Taho."
"Kaibigan ka lang, ako naging syota."
"Oo, syota ka. Short time lang."
"Mabuti na ang short time kesa yung hindi naging."
Nagpalitan na ng asaran yung dalawa pero parang mali yata ang punto ng diskusyon. Ako kasi ito e. Ano ba ang gustong mangyari ng dalawang ito sa akin? Mabaliw dahil sa kakaaway nila? Wala ako sa mood na maging referee kaya naglakad na lang ako palayo, this way e I would feel a lot better, I guess.
"Nakulitan ka ba sa akin? Sorry na a.”, biglang akbay sa akin ni Ram na nitong kelan lang e hindi ko alam kung babalik pa ba sa buhay ko o ano.
“Wag mo na siyang akbayan, ako ang nagdala sa kanya dito sa Baguio kaya sa akin siya ngayon.”, hirit ni Ken kay Ram na para bang gamit lang ako kung pag-agawan nila. Isa pa talaga at may lalapat na kaltok na sa dalawang ito.
“Magtigil nga kayong dalawa dahil hindi ako natutuwa.”, napipikon kong sabi at naglakad na ako nang mabilis para makapila para sa pagbili ng Ube Jam at Peanut Brittle.
Ilang saglit pa ay nasa tabi ko na ang dalawa, medyo tahimik naman, sa wakas.
“Anong bibilhin mo?”, tanong sa akin ni Ken.
“Faithfulness. May ganun ba dito noon?”, si Ram. Nagsimula na naman siya, tiningnan ko na lang ng masama para mapatahimik.
“Nagsisi naman na ako na nagloko ako noon e ikaw, nagsisi ka ba sa ilang beses mong pang-iiwan sa kanya? Kung makapagsalita ka d’yan a”, at pinatulan na nga po ang sinasabi nung isa. Hay naku! Kailangan ko na po ng katahimikan.
Hindi na lang pinansin ni Ram ang sinabi ni Ken, dalawa lang yan, kung hindi napikon e tinamaan at di na alam kung paano babawi.
Naging mas tahimik ang pagbili namin ng mga pagkain sa Good Shepherd hanggang sa makauwi kami sa hotel na tinutuluyan namin ni Ken. Nang makarating sa may hotel ay bumaba na kami ni Ken pero si Ram ay nanatili sa loob ng taxi.
“Hindi ka ba bababa?”, pagtanong ko sa kanya.
“Hindi na. Babalik na rin ako ng Manila. Gusto ko lang siguruhin na safe at masaya ka kasama si Ken.”
“Bumaba ka na muna dyan at gusto rin kitang makausap…”
“Bakit pa ako bababa e---“
Hindi ko na siya pinatapos sa sasabihin niya dahil malamang e palusot lang naman ang lalabas sa bibig niya. Hinatak ko na siya pababa ng taxi at umarangkada naman agad ito sa pag-andar.
“Saan ako matutulog kung mag-istay ako dito?”, tanong sa akin ni Ram habang hawak ko pa ang kamay niya.
“Pwedeng tatluhan yung kwarto namin ni Aries. Kung gusto mo e magtabi na lang kami at ikaw sa kabilang kama ka mag-stay.”, sabat ni Ken.
“At ikaw talaga ang katabi niya a? Mapagkakatiwalaan ka ba?”, si Ram. Natatawa na lang ako sa bangayan nilang dalawa ngayon.
“Wala kang choice dahil kwarto NAMIN ito.”, nakangiting sabi ni Ken.

BINABASA MO ANG
MULI (boyxboy)
Novela JuvenilPaano ba nalalaman kung sino ang para sa atin? Kapag nasaktan niya tayo o pag kaya niyang masaktan para sa atin? Ito ay isang kwento ng pagmamahal, pagpapakasakit at muling pagtibok ng puso. -JABEE-