CHAPTER 9

6.4K 171 15
                                    

“1 year na lang e tapos na tayo sa college, anong mga balak ninyo?”, tanong sa amin ni Aldrin habang kumakain. Wala akong maisip na isasagot kaya tumuloy lang ako sa pagkain.

“Tipikal ang utak ko, either I end up in an 8 to 5 job or I’ll be putting up a business pero isa lang ang sure ko, may tao akong gustong makasama and that is one atypical situation.”, nangingiting tugon ni Ken sabay sulyap sa akin. Napansin ko si Ram na nakatitig kay Ken na para bang ang laki ng gap ng dalawa.

“Ikaw ba Aldrin?”, pagbalik ko agad ng tanong sa kanya.

“Well, our family is migrating to Canada and that’s actually the reason why I want you guys to join me in this vacation, isang bakasyon sa paborito kong lugar kasama ang ilan sa mga paborito kong tao. I won’t enroll for the next school year dahil naapprove na yung petition papers sa amin ni Papa.”, diretsong sambit ni Aldrin.

“Sayang naman at bakit di mo na lang tapusin ‘yung course mo dito?”, tanong ko sa kanya. Medyo nalungkot lang din ako sa mga sinabi niya na aalis na siya dahil magkukulang na ang barkada pero mas nalungkot ako para kay Ram. Siguro yun ang dahilan kung bakit nag-iiyakan silang dalawa.

“Kailangan na kasi e. Saka I might shift pagdating sa Canada. E ikaw ba Aries? Ano na ang balak mo?”, pagbalik sa akin ng tanong ni Aldrin.

“Hindi ko pa alam pero definitely e mag-aapply ng trabaho. Hindi ko lang alam kung tutuloy ako ng Med o magma-Master’s. Ram, ikaw?”

“Ewan ko. Hindi nga ako sigurado kung gagraduate ba ako next year e paplanuhin ko pa yung susunod. Hindi magandang magplano ng sobra for the future.”, mapait na tugon sa akin ni Ram.

“Kinakausap ka ng matino tapos hindi ka sasagot ng maayos. Tao nga naman o.”, komento ni Ken habang sinisimulan ang pagsimot sa kinakain niyang manok. Tumingin lang ng masama sa kanya si Ram at tumuloy na sa pagkain.

Natapos ang pagkain namin ng tanghalian na wala ng nag-usap, parang lahat e nawala na sa mood dahil kay Ram. Gusto ko mang mainis sa inaakto niya ngayon pero si Ram iyan e, kaibigan ko yan, hindi ko magagawang magalit sa kanya.

“City Tour tayo later a!”, si Aldrin na naglalakad papuntang kwarto nila.

“Anong oras?”, tanong ni Ken.

“Mga 3:00? Dun na tayo magdinner sa labas din.”

“Paano service?”

“Nakausap ko na yung sa resort. Pwede daw tayong magrent.”

Tumango na lang si Ken at tumuloy naman na sa kwarto si Aldrin, nang yayayain na ako ni Ken papasok ng kwarto namin ay napansin kong nakaupo si Ram sa may lobby area. Ang mukha e kasing dilim pa rin ng black hole.

“Alam ko na gusto mo siyang makausap, lapitan mo na.”, nakangiting sambit ni Ken sabay tapik sa balikat ko. Pumasok na rin ito sa kwarto naming dalawa.

Naglakad ako papalapit kay Ram at tumingala siya nang mapansin niyang may tao sa harap niya.

“Tara sa poolside?”, nakangiti kong pagyaya sa kanya na agad niyang tinanguan.

Habang naglalakad ay nararamdaman ko ang hindi na maitagong emosyon ni Ram, ang bigat lang talaga. Naupo kami sa isang swing, pangdalawahan o pangtatluhang tao nga yata itong inupuan namin.

“So ano na ang balak mo ngayong aalis na siya?”, panimula kong tanong.

“Hindi ko alam. We have been together for some months pa lang pero alam mo ba yung punto na iniisip mo na siya na yung kasama mo hanggang pagtanda tapos bigla na lang mawawala? Badtrip.”, sambit niya sa akin and I have to admit to myself that it hurts a bit, no, it hurts.

MULI (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon