A/N: Maraming salamat sa mga masisipag na nagkomento at bumoto sa last chapter. Ang sarap ng feeling at nakakainspire. Pasensya na kung medyo mas bumibigat na ang ating kwento, hindi ko mapigilan e. Hehehe.
******************************************************************************************
CHAPTER 11
“Kainan na!!!”, sigaw ni Ken at kuha ng inihaw na baboy, kung may patakawan na laro e malamang talaga e panalo na ito. Natatawa na lang kami sa kasibaan niya pero kahit ganoon e hindi siya gaanong tumataba.
“Infairness, I find the meals ok tasting lalo na itong inihaw nilang liempo. Namit!”, pangisi-ngising sabi ni Ram.
“Aldz, tahimik ka yata. May problema ba?”, pagtatanong ko kay Aldrin, kanina pa kasi siya tahimik e. Nang tanungin ko siya ay biglang nagkatinginan sila ni Ram tapos ay naglayo ulit ang kanilang nagtagpong mata.
“Ayos lang ako. Medyo nahihilo lang ako dahil siguro sa init sa labas.”, kung sabagay, mainit naman talaga sa labas kanina pa.
“Masahe you want?”, pagbiro ko sa kanya.
“Wag na! Kumain na lang tayo at gutom lang yang kakulitan mo.”, pilit na ngiti na naman ang binigay niya sa akin.
"You sure you are ok?", paninigurado ko kay Aldrin.
Tumango siya at binalikan ko na ang kinakain ko. Sana naman e maging ok talaga siya.
Umuwi na kami pagkatapos pero bago pa man kami pumasok sa kwarto e nagpasama sa akin si Ken, 2 bottles lang daw kami para pampaantok.
Sumama ako sa kanya papunta sa bar at kinuha ang flavored beer na inorder niya.
"I never thought that I'd be sharing drinks with you.", nakangiting sabi niya sa akin.
"Nagpapakakeso ka na naman.", pambasag ko sa kanya.
"Seryoso naman kasi ako. This may not be the first time that I will tell you this but God! I am so drawn to you.", parang naiinis niyang sabi sa akin.
"Galit ka na niyan?", nangingiti kong sabi.
"Hindi. Pero nafufrustrate pa rin kasi ako na hinahanap ka ng mata ko at nitong puso ko kapag wala ka. Hindi ko maintindihan 'tol kasi first time ko itong naramdaman tapos sa lalake pa", si Ken na ngayon ay nakayuko. Pagkatingin ko sa mesa ay nakakaapat na bote na pala siya. Ngayon ko lang nakitang ganito si Ken, nahihirapan din pala siya sa nararamdaman niya at naguguluhan.
"Ken, hindi ko kasi sigurado kung kaya kong tumbasan yung nararamdaman mo e."
"Ayaw mo man lang bang subukan?", tanong niya sa akin.
"Ayaw lang kitang saktan kasi kahit naman papaano e mahalaga ka sa akin.", at hinawakan ko ang kamay niya.
"I am sorry kung kinukulit kita, I guess it's my way of telling you na gustong gusto ko ng iparamdam sa iyo yung pagmamahal ko at para rin sabihin ko sa sarili ko na may isang taong sasama sa kabaliwan kong ito.", at tumungga na naman siya ng isa pang bote. Hindi rin nakatakas sa paningin ko ang luha niyang pumuslit mula sa mga mata niya.
BINABASA MO ANG
MULI (boyxboy)
Fiksi RemajaPaano ba nalalaman kung sino ang para sa atin? Kapag nasaktan niya tayo o pag kaya niyang masaktan para sa atin? Ito ay isang kwento ng pagmamahal, pagpapakasakit at muling pagtibok ng puso. -JABEE-