Chapter 7

7.2K 187 13
                                        

“Ano ang nangyari sa’yo? Paano nagkaganito yung grades mo?”, sunud-sunod ang tanong ng nanay ko sa akin habang magkausap kami sa Skype.

“Kung makareact naman po kayo e parang bagsak ako.”, sagot ko kay Mama.

“Exactly the point. Wala kang bagsak at halos puro uno ka pa. What brought this change?”, si Mama na unti-unting  nababakas sa mukha ang tuwa dahil sa markang nakuha ko ngayong semester. Hindi naman ako bobo at kahit kailan e hindi naman ako nagkaroon ng bagsak pero first time kasi na magkaroon ako ng GWA na 1.21 at maging academic scholar. Makakatulong yun para kay Mama, at least, maliit na lang yung babayaran na tuition fee next year.

“So, ano po ang prize ko for getting good marks?”, pambobola ko kay Mama.

“Magdedeposit ako ng pera sa account mo. Bilhin mo ang gusto mong bilhin. Nga pala, kelan yung Iloilo trip ninyo?”, tanong sa akin ni Mama.

“Next week po.”

“Mag-ingat ka roon ha. Anyway, I need to go. Papasok pa ako sa trabaho e. Love you anak.”, at humalik si Mama sa monitor.

“Love you din po.”

-END OF CONVERSATION-

Tuwing nag-uusap kami ni Mama sa Skype e lalo lang akong nalulungkot dahil gusto ko sanang nandito siya sa tabi ko, dahil marami akong sasabihin, marami akong isheshare sa kanya na nararamdaman ko na kagaya ng sa ngayon.

Narinig kong tumunog ang doorbell, tumungo ako sa may gate at napailing na lang sa nakita.

“Andito ka na naman, Ken?”, painis kong sambit nang makita ko si Ken sa may gate namin.

“Bakit ba highblood ka na naman sa akin?”, napapakamot sa ulo si Ken.

Hindi ko siya tinugon at dumiretso na lang ako sa loob ng bahay at agad naman siyang sumunod at hinawakan ang kamay ko, may kung anong kuryente ang gumapang sa akin. Can this be…. NAH!

“Hayaan mo naman ang sarili mo na mahalin ako.”

“PARE, alam mo naman kung ano ang status natin di ba?”, sambit ko na binigyang diin ang pare, sa ngayon e si Ram lang ang lalakeng pwede kong ientertain sa puso ko.

“Sige, ok, gets ko na na hindi pwede ngayon pero sana mahanap mo rin sa puso mo na mahalin ako. Sana lang naman.”, nakangiti niyang sabi kahit alam ko sa sarili ko na nahihirapan na siya dahil sa ginagawa ko. Ang tigas naman kasi ng ulo e.

Nginitian ko na lang siya at pinilit naming kalimutan ang mga nasabi sa pamamagitan ng paglalaro. This is not the manliest way to end an awkward situation but this is not the manliest problem one could have anyway, so whatever.

Lumipas ang ilang araw at malapit na kaming pumunta sa Iloilo para sa sembreak vacation. Naiiilang pa rin ako sa sitwasyon namin ni Ken pero lalo pa ngayon dahil makakasama namin si Aldrin at Ram, ito nga yata yung love quadrilateral na sinasabi, geek alert na naman ako.

“Buti nakasama kayo.”, nakangiting sabi sa akin ni Aldrin nang magkita kami sa labas ng subdivision, dito na kasi kami papara ng taxi para papuntang airport, hindi na rin magdadala ng sasakyan kasi wala namang magbabalik

 “Tabi na tayo sa plane a.”, dugtong pa ni Aldrin sabay akbay sa akin. Ano bang nakain nito at parang biglang naging friendly sa akin?

Alas-kwatro pa lang ng umaga kaya habang nasa taxi papuntang airport e tulog ang lahat at kasama ako doon pero bago bumaba e nagising na ako at nakita ko si Ram na nakatitig sa mukha ni Aldrin, napansin niya yata na nakatingin ako sa kanya na parang nagtatanong at isang ngiti lang ang binigay niya sa akin, isang ngiti na pakonswelo, isang ngiti na para bang nagsasabi sa akin na ‘pasensya at in-love ako sa taong katabi ko ngayon’. I shrugged my shoulders on it and just looked away. Dapat e maging masaya ako, kami, sa bakasyong ito.

MULI (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon