Chapter 4

8.6K 208 13
                                        

*FLASHBACK*

In love nga ako siguro sa kanya dahil kung hindi e paano ko maeexplain yung ganitong feeling? Feeling na lagi ko siyang gustong makasama at makatabi, feeling na sana dito lang siya sa tabi ko lagi.

Handa na akong sabihin sa kanyang mahal ko siya, buo na ang loob ko. At least para pagdating ng college e malay mo e maging mas close kami. Hindi ko hinihiling na maging kami pero sana yung closeness, tama, yung closeness e mas lumalim kasi ganun yung gusto kong mangyari sa aming dalawa.

Pinuntahan ko siya sa bahay nila, iyon ang araw na tuluyan nang naghiwalay ang parents niya kaya alam ko rin na kailangan niya ng makakasama.

Ilang beses akong nagdoorbell at sa wakas ay bumukas ang gate, ang lola pala niya.

“Ikaw pala Aries. Umakyat ka na lang sa may itaas at nagmumukmok na naman ‘yon sa taas.”, sambit ni Lola Zeny

Nagmamadali akong umakyat para sana damayan siya pero sa pagbukas ko ng pinto ay mukhang hindi pala ako ang kailangan niya.

“Hindi ka man lang kumatok, nga pala, si Jane, girlfriend ko…”

Gusto kong magsalita pero parang walang boses na lalabas sa akin kaya tango lang ang ginawa ko at isang pilit na ngiti.

“Bakit ka nga pala napunta?”, tanong niya habang nakaangkla sa girlfriend niyang may lahing sawa yata dahil sa pagkakapulupot nito sa kanya.

“Wala naman. Magyayaya lang sana ako na gumala. Anyway, mukhang busy ka rin naman kaya mauna na ako.”, alibi ko, ano pa nga ba?

“Ok... Sige… Ingat ka a.”, sambit niya at hindi pa man ako nakakalabas ay parang wala na ako sa kwarto. Nyemas talaga.

Umalis ako ng bahay nila ng mabigat ang damdamin at hindi ko nga alam kung nakapagpaalam pa ako sa lola niya e basta ang focus ko lang e makalayo sa bahay nila. Wala akong luha noon pero kulang na lang e gumuho ang mundo ko. Tama nga ang sabi nila, this kind of stories does not have a happy ending. Oh well.

 

*End of Flashback*

Gumising ako na mabigat ang loob, napanaginipan ko na naman kasi ang unang heartbreak ko yata yun, ang korni nga e. Kung kelan naman tatlong taon na ang nakakaraan saka pa nagpaalala, kung kelan masasabi kong wala na siya sa puso ko e saka sumusulpot sa utak ko.

“Kumain ka ng almusal a.”, si Manang Zelda.

“’Nang naman, baka malate po ako sa school e.”, sambit ko habang nagliligpit ng pinaghigaan. Kung hindi ko ito liligpitin e malamang matalakan na naman ako mamaya pag-uwi ko.

“Ano ba namang hindi ka mag-aalmusal? Hindi ka na naghapunan kagabi a.”

“E hindi pa po kasi ako gutom.”

“Ay basta hindi pwede. Malate ka na kung malelate basta kailangan kang mag-almusal para naman magkalaman ka ulit. Kita mo nga yung katawan mo, ang payat-payat mo na naman. Ang almusal ay nakahain na kaya wala kang pwedeng maging dahilan.”, si Manang Zelda na kinukuha ang mga labada sa kwarto ko.

“Oo na po. Bababa na ‘Nang”, kinuha ko na rin ang twalya ko para pagkatapos kumain e diretso na sa paliligo. Maaga akong nagising ngayon kaya hindi naman talaga ako malelate kahit na mag-almusal pa ako. Generally, wala lang ako sa mood para kumilos at kumain at kung ano pa man.

Habang kumakain ako ng almusal ay nag-ring ang cellphone ko, si Ram, tumatawag.

“O, aga ng tawag a.”, bungad ko kay Ram at pinahahalata sa boses ko na wala ako sa mood

MULI (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon