28

181 10 0
                                        


Akala ko ihahatid niya lang ako sa bahay.

Kaya nung napansin kong lampas na kami sa usual na dinadaanan papunta sa condo, napaangat agad ang kilay ko.


"Wait," sabi ko habang diretsong nakatingin sa labas. "Hindi ito ang daan pauwi."


"Hmm?" sagot niya, kunwari clueless.


"Baby..."


"Relax."


Napatawa ako ng pilit, pero ramdam kong kumakabog ang dibdib ko. "Alam mo ba, kapag sinasabihan akong mag‑relax, lalo akong kinakabahan."



Ngumiti lang siya habang lumiliko sa isang tahimik na subdivision na hindi familiar sakin. Malalaki yung bahay, tahimik ang paligid, at maliwanag ang mga streetlamps.



Napaupo ako nang maayos, parang instinct na kailangan kong mag‑compose ng sarili ko. "Saan tayo?"


"Quick stop lang."


"Wait lang, look at me—hoodie, joggers, rubber shoes, mukha pang galing gyera. Literal definition ng pagod na ewan."


Ngumiti lang siya, parang wala siyang pake. "Cute ka."


Napairap ako. "Gaslight na naman."


"Hindi ako nang‑ga‑gaslight. Legit."



Mas lalo akong kinabahan nang tuluyan siyang huminto sa harap ng isang malaking bahay, ang porch nito kumikislap sa warm yellow lights. May mga halaman na maayos ang pagkaka‑ayos sa harap, at isang sasakyan ang nakaparada sa driveway na parang tahimik na nakabantay.


Patay na ang makina, pero parang mas naging malakas ang katahimikan sa loob ng kotse. Walang gumagalaw, walang nagsasalita. Dahan‑dahan akong lumingon sa kanya, parang sinusubukang basahin kung anong plano ang nakatago sa ngiti niya.



"Baby."


Huminga siya nang malalim bago humarap sakin. "Don't panic."


Napataas agad ang kilay ko. "Ayaw ko nung opening statement mo."


Tumawa siya nang mahina, halatang kinakabahan din. "Meet my parents."


Parang nag‑freeze utak ko. "...Ano?"


"My parents. Inside. Now."


"NGAYON?!"


"Keep your voice down—"

That Volleyball PlayerMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon