Pagod na pagod ako, hindi lang pala ako—lahat kami actually. Katatapos lang ng volleyball practice—pawis, hingal, sabog buhok—pero hindi pa rin nawawala ang asaran habang naglalakad kami sa may exit.
"Grabe, parang gusto ko na mag-retire," sabi ni Trix, hawak yung tagiliran.
Hindi ko siya masisisi, start pa lang ng practice, intense na agad. Warm-up pa lang, tumakbo na kami ng ilang ikot sa court. Tapos sunod-sunod na drills—passing, setting, tapos receive. Nag-spiking drills kami hanggang sa scrimmage. Halos ubos na ang energy ng lahat, pero push pa rin. Kahit ako nag-dive pa para lang ma-save yung bola, ang ending, mas lalo akong napagod.
"Retire ka agad? Wala ka pang peak," sagot naman ni Fina.
"Peak na 'yon kanina nung nadapa ka," sabat naman ni Ira, sabay tawa. "Libero ka na din?"
"Hoy! Isa lang 'yon!" depensa ni Trix.
"Isa? Parang dalawang beses kaya," dagdag ni Becca.
"Hindi counted yung pangalawa, slide 'yon!" depensa ni Trix, pero natatawa na din.
"Pero real talk, okay yung spikes mo kanina," sabi ni G.
"Finally, may sumuporta din, kaya labs kita boss G e!" hirit ni Trix, akmang aakbayan nito si G, pero mabilis na umiwas iyong isa.
"Support lang pero manlilibre ka pa rin," hirit pa nito.
"Grabe, conditional pala suporta mo," nakangusong ungot ni Trix, habang hinihila pa yung shirt niya pababa na parang offended pero halatang aliw na aliw.
"Supportive ako. Strategic lang," sagot ni G, sabay tawa. "Hindi pwedeng puro vibes lang sa game."
"Guys, kung ganito tayo maglaro sa game, good luck na lang," sabi ni Jai, habang pinaglalaruan ang takip ng tumbler. "Baka bumalik na lang talaga ang Itachi Arrows sa Japan."
The Itachi Arrows is the team that everyone sees as the standard of excellence—clean rotations, brutal efficiency, zero wasted plays. The kind of opponent that the moment you see them on the schedule, you already know your entire game plan has to change, even before the match starts.
Saglit kaming natahimik. Yung usual na kulitan kanina, parang na-freeze sa hangin. Si Trix, hindi na nakanguso. Si G, hindi na nakasingit ng joke. Si Fina, diretso lang tumingin sa daan habang naglalakad. Ako, napahigpit yung hawak sa bag ko. Kasi totoo eh.
"Girls." kuha ko sa atensyon nila, "Hindi naman tayo naglalaro para makipag-compare sa kanila. We're improving our game, step by step. This isn't something we can get through overnight."
Si Jai, huminga nang malalim. "Alam ko Cap," sabi niya, mas mahina na yung boses. "Kaya ko nasabi 'yon, kasi alam ko rin kung gaano pa tayo kalayo."
BINABASA MO ANG
That Volleyball Player
Ficción GeneralEzra Elliot Zabel is known as The Phenom of volleyball in the country. Unfortunately, instead of playing as a professional player, she chose to study law. Axeia Zadie Tejano, one of the famous volleyball players that Ezra has an eye for. Not only be...
