9 - Forced Date.

662 26 1
                                    

Meri's POV

Tinawagan ako ni Dad ngayong madaling araw. Ang sabi n'ya, gusto daw akong kausapin nung tatay ni Corby ba or Kuya Corby. Aish!

Anyways, nagtaka ako bigla dahil ba't naman ako kakausapin ng tatay ni Corby? Anong meron? Magkakaron ba ako ng assignment from the company na ako talaga ang kailangan? Mahirap ba ito? Kailangan ba nito ng loko kaya ako ang natawag? Saturday naman kaya free ako ngayon.

Wait, wait. Wag muna ako mag-isip nang kung ano-ano. Magtanong nalang muna ako. Pero... kung 'yun man ang manyayari, hindi ako papayag unless na walang loko ang ipapagawa sakin, bwuahaha!

Nasa kwarto 'ko ako ngayon. Inaayos 'ko yung kama 'ko dahil kakagising 'ko lang.

Pagkatapos 'kong kausapin si Dad ng madaling araw, natulog ulit ako ng mga ilang minuto at nagising saka inayos 'yung kama 'ko. Pumunta ako sa nightstand 'ko na may tubig at ininom 'yun.

Pagkatapos 'kong uminom ng tubig, binuksan 'ko yung pinto ng kwarto 'ko at bumaba papuntang dining area para kumain ng breakfast.

Nakita 'kong nandun si Kuya at nakadekwatro habang nagbabasa ng diyaryo at umiinom ng kape. Mukhang lolo.

"Kuya, anong meron?" Tanong 'ko sakanya at umupo sa harap n'ya.

"May sopas, adobo, tsaka kanin." Tumayo ako sa pagkaka-upo 'ko at pumunta sa counter table para kunin yung naka tupperware na adobo at kanin. Kumuha rin ako ng plato, kutsara, at tinidor sa isang drawer. Kumuha rin ako ng placemat sa isa pang drawer at linagay yun sa lamesa.

Kumuha ako ng isang sandok ng adobo at kanin saka linagay 'yun sa plato 'ko. "Kuya, may idea kaba kung bakit ako pinapatawag ng tatay ni Corby?" Tanong 'ko habang punong-puno yung bibig 'ko ng pagkain.

"Pfftttt.."

Nanlaki ang mata 'ko nung narinig 'ko iyon. May hindi sakin sinasabi sa'kin si Kuya. Linapag 'ko yung kutsara at tinidor 'ko sa placemat at nagcross-arms. "Ano ba Kuya? Ba't ka nagpipigil ng tawa hah?" Tanong 'ko.

"Wala, wala. Seryoso wala talaga."

"Ay nako, deny pa more."

"Oo na. May alam ako, pero sabi ni Dad, ikaw na daw bahala malaman 'yun. Pfffttt... HAHAHAHA!"

Nanlaki bigla yung mata 'ko. Nababaliw naba si Kuya? "Kuya, okay kalang? Halatang nababaliw kana."

"Hahahaha! Hayy.. hahahaha!" Ginamit n'ya yung daliri n'ya para pahiran yung namuo n'yang luha kakatawa.

"Kuya, seryoso ako. Ba't nakakatawa? May nakakatawa ba? O baka gusto mong sapakin kita para matauhan ka?! Gusto mo Kuya?"

"Woah, woah! Relax lang. Nakakatawa lang kasi yung sinabi ni Dad kung bakit ka kakausapin nung tatay ni Corby."

"Ano bayan Kuya! Panira ka talaga!"

"HAHAHAHAHAHAHA! WOOO HAHAHAHA!!"

Jusmeyo. Mas naunang mabaliw ang Kuya 'ko. Wala paring tigil ang tawa n'ya, linigpit 'ko 'yung pinagkainan 'ko. Jusko, ano ba talagang nangyayari sa Kuya 'ko?

Iniwan 'ko nalang s'ya dun sa upuan n'ya. Ano ba naman 'yan! Wala paring tigil yung tawa.

Pumunta ako ng banyo-

"HAHAHAHAHAHA!"

JUSMEYO NAMAN! Nabaliw na ang aking panganay na kapatid! Lord tulong!

Pumunta ako ng banyo para magtooth-brush. Noong natapos na ako, kumuha ako ng pantalon at simpleng t-shirt sa cabinet 'ko at sinuot 'yun. Pupunta na ako kay Dad.

Mahal Kita.....BAKLA!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon