25 - Mixed Up

256 5 3
                                    

Meri's POV

Okay, totoo bang nangyari 'yon o hindi? Totoo o hindi? Totoo o hindi? Totoo o hindi? Totoo o hindi? Totoo o hindi? Ilang beses ko na iniisip—

MABABALIW NA AKO DITO! PUTEK! PUTEK! MABABALIW AKO!

"MT? Okay kalang?"

"Yes Dad?!"

"Woah! Ba't ka sumisigaw? Chill."

"Ah wala, wala." Binalik ko ang tingin ko sa beef steak ko at tinusok ito gamit ang tinidor ng paulit-ulit. Nawalan na ako ng gana kumain dahil nagmukhang binugbog natong steak ko.

"Wag mo naman sayangin 'yang linuto ko, bastos ka 'a."

"Sorry na Kuya.." Nag-pout naman ako.

"Hiwain mo nalang 'yan at kainin." Natawa naman si Dad sa'min ni Kuya.

Ngumiti ako at hiniwa na ang steak at kinain ito ng parang patay. Sino ang sinisisi ko dito? Si Wayne.

Dahil pagkatapos ng halikan niya ako— KAHIT MAN MAY FACEMASK IN BETWEEN, hindi na ako nakatulog ng maayos. Nakakatulog nga ako pero sobrang onti nalang like 4-6 hours a day! Goodness.

At wala na kaming contact after niya ginawa 'yon! BASTOS SIYA! Isang linggo lang naman ang nakalipas dahil hindi muna kami pinapasok ng school for 1 week since kakatapos lang ng exams.

Napasabunot ako sa buhok ko. Naramdaman ko naman na napapatingin na sa'kin si Daddy at Kuya pero buti nalang hindi nila ako pinansin.

No'ng natapos na akong kumain, umakyat agad ako sa kwarto at linock 'yong pinto. Aish! Mababaliw na ako dito! Bakit kasi kung kelan ako nababaliw saka naman dito natutulog si Daddy?? Ughh!

Pumasok ako sa Facebook at tiningnan ang Facebook account niya. Wala ba siyang recent post o kung ano? Ba't kasi wala siyang twitter para sa feelings niyang kailangan ibuhos.

"WAYNE WAYNE!! BWISIT KA!" Isinubsob ko ang mukha ko sa unan at pinaghahampas ito. Bakit kasi ganito ang epekto niya sa'kin??

Kinabukasan.. Pasukan na at obvious na malaki ang eyebags ko dahil sa puyat, pero kailangan ko parin maging alert dahil hindi o alam kung ano ang dapat 'kong gawin pag nakita ko si Wayne.   

Since hindi pa naman magsisimula ang una 'kong klase, pumunta muna ako sa library at do'n.. Matutulog. Onti lang naman kasi ang tao sa library tuwing umaga kaya maraming free space kung sa'n ka pwedeng tumambay at matulog.

Ipinatong ko ang ulo ko sa mga braso ko at ipinikit ang mga mata. Ang sakit na ng ulo ko dahil sa isang linggong pagpupuyat.

Naramdaman ko naman na may umupo sa harapan ko.

Tiningnan ko ang sapatos na nasa harapan ko at ilalim ng lamesa. Adidas rubber shoes. Sino naman kaya 'to?

Inangat ko ang ulo ko. "Aish, ano na naman ba—"

"Mag-aaral ako." Sabi niya saka tinutok ang mukha sa libro.

Okay, aaminin 'kong ineexpect ko si Wayne pero hindi, si Sam. Ano ba ang problema niya? Ang kulit na 'e. Nakaka-irita na pagkakulit niya. Dapat kay Tam nalang siya mangulit. Obvious naman na sanay na si Tam sa kakulitan ng baliw na'to 'e.

Hindi ko siya pinansin at bumalik sa tulog ko.

"Snob."

Napa-angat naman ako ng ulo at tiningnan siya ng masama. "Anong snob ka diyan? Talagang hindi kita papansinin dahil galit ako sa'yo." Sabi ko at ibinaon ulit ang ulo ko sa braso ko.

"Sorry na kasi."

Inangat ko ulit ang ulo ko at kinuha na ang mga libro na dala ko. "Sa tingin mo hindi ako nasaktan sa mga sinabi mo? Sa tingin mo ba wala akong pake sa'yo? Kaya nga kita kaibigan 'e!" Wala na akong pake kahit marami ng tao a nakatingin sa'min dahil sa lakas ng boses ko. Tumayo ako at sinapak siya sa noo saka lumabas ng library.

Mahal Kita.....BAKLA!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon