10 - Movie Night?!

459 20 2
                                    

A/n Dedicated to @Nomunomunomi for making me the new cover of this book! Please request in her shop. <3 Thank you dear! 

 <3 Thank you dear! 

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

---

2 days later...

Meri's POV

"Anak, ano na naman ginawa mo kay Corby, hah?"

"Dad, I was just protecting myself!"

"Protecting yourself from what?"

"Uhmmm... sa pagiging asawa n'ya?"

"Ano?!"

"Dad, sinabi kasi n'ya na balang araw, magiging asawa rin n'ya ako! Of course ayaw 'ko maging asawa ng brat na'yun!" Of course I'm defending myself from being the stupid wife of that brat! Feeling 'ko, masusuka ako ng dugo pag naging asawa 'ko s'ya!

Nandito kasi ako sa opisina ni Dad. Tuesday ngayon, at Monday tinawagan ni Corby si Dad. Kakatapos lang ng dismissal 'ko actually. Pagkalabas 'ko ng school, may SUV na pumarada sa harap 'ko. May bumabang lalaki dun at buti naman na nakilala 'ko ang mukha dahil tauhan s'ya ni Daddy kaya ako sumakay ng tuluyan sa SUV.

Anyway, naka-upo ako sa harap ni Dad habang s'ya naman naka-upo dun sa swivel chair n'ya. Nagsumbong daw si Corby sa date namin. SINAPAK 'KO DAW S'YA NG MARAMING BESES, BINATUKAN, SINUNTOK 'KO SA SIKMURA... AND LASTLY, SINIPA 'KO DAW S'YA SA PRIVATE PART NG MGA LALAKI!

Talagang papatayin 'ko s'ya 'e!!! Ang exaggerated n'ya masyado! Sinuntok 'ko lang naman s'ya at sinipa o tinadyakan sa likod! Sumobra s'ya! Nakakainis! Ang sarap sabunutan at tanggalan ng buhok! Putek s'ya.

"Brat s'ya?"

"Oo Dad! Tsaka, he's just totally exaggerating!! Hindi 'ko naman sinapak 'e! Sinuntok 'ko s'ya dahil nakaka-inis na s'ya 'e! Tinadyakan 'ko rin sa likod dahil.." Medyo napatahimik ako sa parte na'yun. Dun na kasi dumating si Wayne 'e! Kaya 'ko nga tinadyakan si Corby dahil sa inakala n'yang BOYFRIEND 'ko si Wayne diba?

"Dahil?"

" 'E basta Dad! May sinabi s'yang nakaka-inis ng sobra kaya tinadyakan 'ko s'ya!" Sabi 'ko at tumayo sa pagkaka-upo. Napatingala naman si Daddy.

"Dad, mauuna na ako. Wala ka namang balak na.... arrange marriage and stuff diba?" Tanong 'ko habang nakacross-arams.

Napatawa s'ya dun sa sinabi 'ko. "Syempre wala! Diba nga may option ka! 'E hindi mo nagustuhan si Corby kaya... walang arrange marriage na magaganap, tsaka, old school na'yun masyado para sa mga businessman ngayon." Kumuha na s'ya ng isang folder na puno ng mga papeles.

"O s'ya Dad, mauuna na ako 'a."

"Sige. Magpahatid ka narin sa Kuya mo," umikot s'ya papunta sa isang table at may tiningnan na ibang papeles. "Sabihin mo narin sa Kuya mo na hindi pwedeng sumagad sa 1:00 AM 'yung oras."

Mahal Kita.....BAKLA!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon