27 - Mad

215 3 2
                                        

Meri's POV

Mga ilang araw na ang nakalipas at aaminin ko na.. Palagi kaming magkasama ni Wayne. Okay, sobrang saya ko na palagi niya akong hinahatid pauwi sa bahay at pagdating ko naman sa bahay, ako naman 'tong gugulong sa kama at titili habang yakap-yakap ang unan ko ng mahigpit.

Since free naman kami mamayang hapon dahil wala namang klase, inaya niya akong pumunta sa condo niya para lutuan raw ako ng pagkain.

Well.. Pumayag naman ako.

"BALIW KA?! Magdala ka ng condom incase!"

"Tang*na mong gaga ka!" Sigaw ko kay Tam.

Napatingin naman sa'kin lahat ng tao sa classroom habang naghihintay dahil wala pa 'yong prof.

"Nagsasabi lang na magbaon ka incase."

"Hindi ako magbabaon dahil kakain lang ako ng lunch do'n!"

"Oo na oo na! Pero grabe, gaaano ba kalaki 'yong pagkatiwala mo sakanya at pupunta kana sa condo niya?"

Actually, ako mismo hindi ko rin alam kung bakit ako pumayag na pumunta sa condo niya. Parang, nababaliw naba ako? So siguro  magkaibigan naman kami para pumunta ako sa condo niya diba?

*BOOGSH*

Nagulat kami ni Tam at nakitang nakakuyom na ang kamaong ni Sam at sira ang upuan. Sinipa ba niya 'yon?!

Padabog siyang umupo sa upuan na kaharap ng upuan ko at dumekwatro. Hindi ko na talaga siya maintindihan. Palagi nalang siyang galit these past few days.

Bumulong ako kay Tam at tinanong kung ano ang problema ni Sammuel.

"Ewan ko nga rin 'e. Hindi niya sinasabi."

Inikot ko nalang 'yong mga mata ko sa inis.

Nagsimula na ang klase.

——
Pagkalabas ko ng CR, nakita 'kong nakasandal si Sammuel do'n sa mga lockers at napatayo noong nakita niya ako.

"O, anong ginagawa mo dito? Ba't wala ka sa canteen?" Sinabi ko kasi sakanilang dalawa ni Tam na mauna na sila sa canteen.

"Hmm.. Pwede ba tayong mag-usap sandali?" Hinila niya ako papunta sa loob ng library.

Pumunta kami do'n sa parte ng library kung saan malalaki 'yong bookshelves.

Inislide niya pataas 'yong buhok niya at yumuko. Nakahawak 'yong dalawang kamay niya sa beywang niya at naglalakad ng pabalik-balik hangga't sa humarap na siya sa'kin. Parang siyang stressed na stressed na stressed na ewan.

Napalaki naman ako ng mata at tumango-tango para naman makita niyang itra-try 'kong iintindihan 'yong mga sinasabi niya.

"Kayo naba?"

"Kami na ni?"

"WAYNE!!!!"

Nanlaki naman ang mata ko sa sigaw niya at tumingin-tingin sa paligid kasi mamaya may nakarinig pala at buti wala naman, wew!

Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat ng mahigpit. Nanggigigil na ako dito sakanya sa inis.

"Baliw kaba?! Bakit kailangan mong isigaw 'yong pangalan niya?"

Tinanggal naman niya 'yong pagkahawak ko sa magkabilang balikat niya at lumapit siya sa'kin at hinawakan ako sa magkabilang pisngi.

Agad na lumaki ang mata ko at tinabig ang mga kamay niya. "Hoy ano ba!"

Ano bang iniisip niya at biglaan niyang ginawa 'yon? Hindi 'yon normal sa'min! "Baliw kaba? Ba't mo ginawa 'yun??"

Hindi naman siya agad nakasagot at napakamot ng ulo. Anong klase?? Nagwalk-out ako sa harapan niya at nakadaan ko naman si Tam na nakatulala lang. Problema no'n?

Mahal Kita.....BAKLA!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon