17 - CBT Day 1

390 4 0
                                    

Meri's POV

Nandito na ako ngayon sa waiting area ng school kung saan kami magkikita-kita ng mga sasama sa CBT. A.k.a. College Business Trip.

Ang aga ko dito. 7 AM kasi kami aalis ng school para pumunta sa Subic pero si Kuya, ewan ko ba dun at ginising ako ng 5 AM at hinatid ako dito ng 5:30. Siya ata 'yung excited 'e. Mukhang may tama sa pagiging excited.

Hinihintay ko nalang si Tam. Buti nalang talaga at binigyan kami ng freedom na pumili ng mga magiging katabi namin sa bus. Binigyan rin kami ng freedom sa pagpili sa mga magiging ka-roommate. Ako tsaka si Tam ang magka-roommate, siyempre. Pero may dumagdag na isa, since wala daw siyang pinili na gustong maging roommate kaya saamin nalang siya linagay. Hindi narin kasi kami bata para hindi pumili ng mga magiging ka-buddy namin. Marunong naman kami makipag-communicate at responsible enough naman kami. Hellooo? 18 and above na kami. I don't really know kung sino 'yung isa naming ka-roommate though.

Tumingin-tingin ako sa paligid para tingnan kung may pwede ba akong kausapin. Pwede ko namang kausapin 'yung mga kaklase 'kong nandito pero iiwas lang naman 'yung mga 'yun dahil sa takot sa'kin. OA much 'e.

Asaan naba kasi si Tamina? Dapat mga 6, nandito na siya!

Kinuha ko ang cellphone ko at tinext siya.

To: Tam ^^

Babae! Asaan kana? Dapat mga 6, nandito kanaaa! XD

Maya't-maya, nagreply narin siya.

From: Tam ^^

Nandito na ako sa garden. Kasama si Sammuel.

Nanlaki ang mata ko at agad na napatayo sa pagkaka-indian sit. Si Sammuel? Ilang weeks naba ang nakalipas? Hmmm... Hindi weeks, 1 month na ang nakalipas! Tae nayan. 1 month akong naka-focus kay Shane at kay Juliet. Ang tagal na pala. At 1 month narin naming hindi pinapansin si Sam! Mapapatawad ko lang naman si Sam kung napatawad na siya Tam. Honestly, 'di ko maiwasang isipin kung may gusto ba ang bestfriend ko kay Sam. Mukha kasi siyang sobrang apektado dun sa fact na nag-focus lang si Sam dun sa liniligawan niya.

Naglakad na ako sa garden na katapat nung canteen. Napansin 'kong may dalawang figure dun kaya pumasok ako sa loob ng canteen at sumilip sa bintana nito. Sa bintana kasi, makikita mo 'yung buong garden.

"Anong kailangan mo?"

Boses ni Tam.

"Ng kapatawaran."

Boses ni Sam.

Lumakas ang kabog ng dibdib ko. Kinakabahan ako sa dalawang 'to 'e. Mukha naman kasing Korean Drama ang peg nila. Alam niyo ba 'yung mga ganoong scenes? Jusko Lord.

Sumilip ako ng onti para makita kung ano ang nangyayari. Magkaharap sila. Medyo nakadistansya si Tam kay Sammuel. Tiningnan ko naman si Sam. Wala namang nagbago. May glasses parin. Ang may hawak siya sa likod niya... Bulaklak. Ito ay... Orchid. Ang paboritong bulaklak ni Tam. Alam rin pala niya?

Anyway, binalik ko ang tingin ko sa mangyayari. Lumuhod si Sam.

Oh what?! Lumuhod si koya! Alam niyo 'yung luhod kung kelan magpro-propose 'yung lalaki?! Gano'n 'yung luhod niya!

Napansandal ako sa wall. Jusko, ano naba ang nangyayari sa dalawa? Mas intimate pa ata 'yung relationship nila sa isang mag-syota 'e!

Sumilip ako ulit sa bintana at tiningnan kung ano ang nangyayari. Linabas ni Sam 'yung orchid na kanina pa niyang hawak at itinapat kay Tamina. Tiningnan ko naman si Tamina na wala pang sinasabi hanggang ngayon. Ano bayan. Ang lakas nilang magpakaba.

Mahal Kita.....BAKLA!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon